top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 21, 2025



Photo: Esnyr at Fyang - IG


Sinagot na ni Esnyr Ranollo ang statement ni Fyang Smith na “Walang makakatalo sa batch namin.”


Si Esnyr ay isa sa mga housemates sa katatapos lang na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition bilang ka-duo ni Charlie Fleming, samantalang si Fyang naman ang Big Winner last year ng PBB Gen 11.


Binigyang-diin ni Esnyr sa panayam kay Boy Abunda na bawat PBB season ay may kani-kanyang ‘taste’ at uniqueness, at sa kaso ng kanilang batch ay talagang tinangkilik ito ng publiko dahil sa bago at espesyal na atake.


Ayon naman kay Charlie, masasabing natatangi ang PBB Celebrity Collab Edition dahil ito ang unang beses na nagsanib-puwersa ang dalawang higanteng network na GMA-7 at ABS-CBN para sa isang reality show, kaya hindi dapat ikumpara sa ibang batch.


Sa kabila ng direktang komento mula kay Fyang, nanatiling magalang at diplomatikong sinagot nina Esnyr at Charlie ang isyu, at mas pinili nilang igiit ang kahalagahan ng pagkakaiba-iba sa mga batch sa halip na makipagkompetisyon o patulan ang isyu.


Hanggang ngayon kasi ay hindi matapus-tapos ang isyung binitawan ni Fyang hinggil sa kung alin sa PBB ang mas pinag-usapan. 


Ang sagot ni Fyang ay hindi nagustuhan ng mga netizens at maging ng ibang naging housemates sa PBB.


Sandamakmak na pamba-bash ang kanyang natanggap at nasabihan pa siyang napakayabang.


Dalang alcohol, napagkamalang alak…

SARAH AT MATTEO, HINARANG NG GUARD SA CONCERT NI BILLIE EILISH


NANOOD ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng concert ni Billie Eilish sa London.


Muntik nang hindi makapasok ang singer dahil napagkamalan ng security na may bitbit siyang alak. Sinabi kasi ni Sarah na ‘alcohol’ ang dala niya.

Ipinaliwanag ni Matteo na hand sanitizer lamang ang laman ng lalagyan kaya pinayagan silang makapasok.


Sa huli, pinayagan silang makapasok matapos mapatunayan na hindi alak kundi regular na rubbing alcohol lang ang dala ni Sarah.


Pinuri ng mga netizens ang pagiging simple at humble ni Sarah kahit isa siyang malaking artista sa Pilipinas.


Sa Instagram (IG) Reel ni Matteo na naka-upload ay ibinahagi niya ang kanilang karanasan habang pumipila sa Hit Me Hard and Soft (HMHS) Tour ni Billie sa The O2 Arena.


Natawa na lamang ang singer at ikinuwento ng mister sa caption: “Almost got in trouble for bringing in ‘alcohol.’ Relax, it was just Green Cross.” 


Dagdag pa ni Matteo, sulit na sulit daw ang paglipad nila mula Pilipinas patungong London, United Kingdom para mapanood si Billie nang live. Bukod sa aberya, todo-puri rin si Matteo kay Billie Eilish.


Aniya, “She owned that stage. Commanding, electric, and totally in control.”

Sa huli, binanggit pa niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng collaboration sina Sarah at Billie Eilish—na kung matutuloy, tiyak na ikatutuwa ng mga fans worldwide.

Samantala, agad na bumuhos ang mga comments mula sa mga netizens sa Instagram (IG) post ni Matteo.


Marami ang humanga sa pagiging down-to-earth ni Sarah. May nagsabing “She can also make that stadium full!” habang ang isa ay nagpahayag ng paghanga, “Imagining our very own superstar from the Philippines is watching a concert like most of us, no VIP treatment... so simple and very humble people.”


Mangyari kaya ‘yan? Na maka-collab ni Sarah Geronimo ang sikat na international singer na si Billie Eilish?

Abangan natin ‘yan!



ASIDE sa sunud-sunod na guestings ni Shuvee Etrata sa mga shows ng dalawang networks, ang ABS-CBN at GMA-7, ay busy din siya sa paggawa ng commercial.


Katunayan, lumabas na ang kanyang TVC ng isang pants kung saan si Daniel Padilla naman ang male endorser ng nasabing produkto.


Sey ng isa sa make-up artists niya, “Salamat po at lagi n’yong nagugustuhan ang mga make-up ni Shuvee. Keep on supporting Shuvee po.”


Sagot ng isang netizen, “Ginagalingan mo rin kasi, never mo sinapawan ang beauty n’ya with your works, you just enhance it.”

Sey pa ng ibang netizens:


“Thank you, ganda ng video mo, simple lang.”

“Atake pa ang pa-show mo like this.”


Komento pa ng ibang fans ni Shuvee na nagpasalamat sa ineendorsong produkto ng young actress:


“Thank you for trusting our Shuvee from the beginning.”

“You believed in her when she had only 30k followers. Thank you po for believing in Shuvee even before PBB po.”


“Literally she ain’t done bagging all those brands!! Face of the seasons indeed!!"

“Congrats, Shuvee! More endorsements to come.”

“Girl version ni @donnypangilinan si Shuvee Etrata.”


Well, kung si Donny Pangilinan ay isang TDH (tall, dark and handsome) na pinauso ni Shuvee Etrata sa loob ng Bahay ni Kuya, siya naman ay TDB (tall, dark and beautiful), ‘di ba?


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 20, 2025



Photo: JM at Fyang - IG


Sinagot ni Fyang Smith ang tanong na, “Do you need validation from other people?”

Ayon kay Fyang, “No.”


Paliwanag niya, “Kasi hindi naman lahat ng tao, maiintindihan ang reason ko... I mean, hindi lahat ng tao, magugustuhan ang ginagawa ko... Hindi lahat ng tao, naa-appreciate ang ginagawa ko. Even though pagod ako, ginagawa ko ang best ko, never nilang ma-appreciate or never nilang maintindihan kasi ang makikita nila lagi ay ang mali. 


“So I don’t need any validation from other people because I love myself and I have my own family and marami naman ang nagmamahal sa akin, hindi ko naman kailangan na i-please ako, gustuhin ako, though may nagagawa rin naman siguro akong mali.”

Ibinabato raw kasi sa kanya ‘yung past niya, hindi raw alam ng mga tao na nagbago na siya.


Ani ng isang fan, “Ang pangit kasi lumaban ‘pag ang ginamit ay ‘yung past mo. Hindi mo ma-explain sa kanila na nagbago ka na kasi nga ‘yun ‘yung tumatak sa kanila, eh. So ‘yun, I hope…”


Katabi ni Fyang si JM Ibarra, kaya dugtong niya, “Lagi n’ya akong sinasabihan ‘pag alam n’yang ang ginagawa ko ay ‘di tama na sa palagay ko kasi ay tama.”


“Katulad ko, ‘yung mga nagawa ko before, akala ko tama... ngayon ay nagiging okey-okey na ako kasi naisip ko, ‘Hala! Mali pala ‘yung nagawa ko,’” pag-amin pa ng PBB Gen Z Big Winner.


Ngayon daw ay natututo na si Fyang dahil lagi na siyang igina-guide ni JM.

Ang komento nga ng mga netizens:

“Exactly same kami ng prinsipyo.”

“Ang galing mo namang sumagot, idol Fyang.”


“Yes, true. Be yourself and you can’t please everybody. Let them be....”

“Bilib din si DJ Jhai sa sagutan ni Fyang. Malalim kasi mga sagutan ni Fyang, matalino s’yang sumagot.”


“Tama naman ang sinabi n’ya, kahit magbago ka ngayon, ang lagi lang nilang makikita ay ‘yung mga nagawa mo noon. Maraming makaka-relate d’yan.”


“Tama s’ya, wala kang laban ‘pag ginamit ‘yung past mistake mo.”

“Sobrang genuine ng sagot ni Fyang. Makikita mo talagang natuto s’ya, nag-mature s’ya.”


“Kaya sa lahat ng taong pilit na ibinabagsak ang isang FYANG SMITH, kahit ano’ng gawin n’yo, hinding-hindi n’yo mapapabagsak ‘yan dahil sobrang daming nagmamahal nang totoo sa kanila.”


“KUNG SA INYO, WALA. DESERVE N’YO ‘YUN, HAHAHAHAHAHA!”

Kayo, mga Ka-BULGAR, ano’ng sey n’yo?



Napa-mine si KC Concepcion sa bagong post ng inang si Sharon Cuneta tungkol sa bagong kinahihiligan nito. 


Nag-react si KC nang makita ang handcrafted candle item ni Megastar para sa broadcast journalist na si Karmina Constantino.


Ibinahagi ni Sharon sa Instagram (IG) ang isang video ng kandilang siya mismo ang gumawa. 


Ayon sa caption ni Sharon sa kanyang post: “She wanted a candle with a Chamomile scent. I made her three candles with different Chamomile formulas, and this was our favorite! I work on my candles all alone. Every candle, guaranteed to be poured by only ME!”

Maraming netizens ang humanga sa bagong kinahihiligan ng Megastar, ngunit mas lalong napansin at ikinatuwa ng marami ang sweet na palitan nila ng mensahe ng anak na si KC.


Nang makita ang post, agad na nag-comment si KC ng “MINEEEE,” na agad namang sinagot ni Sharon ng “ALL scents YOURS! Will pour them all ASAP for you, baby. Just busy working pa! I love you, @kristinaconcepcion.”


Muling nag-reply si KC, “Hahaha! MINE, MINE, MINE! How much for all? I miss you, I love you, please date me.” 


Maraming netizens ang naantig at natuwa sa kulitan at pagmamahalan ng mag-ina. Patunay ito ng malapit na ugnayan nina KC at Sharon kahit parehong abala sa kani-kanilang mga proyekto.


Ayan, huwag na kasing iniintriga ang Mega Mother and Mega Daughter para lang may mai-content sa kanilang vlog.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 19, 2025



Photo: Richard Gutierrez - IG


Hiwalay na nga ba sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial?

Kamakailan kasi ay nakita raw ang aktor na kasama ang girl na nagngangalang Charlotte Winter.


“Sino ba ang girl na ito?” tanong ng mga netizens.

Eto ang nakuha naming komento sa mga netizens…


“Ano’ng nangyari kay Richard? Pumapatol na sa mga sugar babies. ‘Di ba, may nag-post din last year while he was dating Barbie na spotted si Barbie with Chavit?”


Ito pa ang ibang tugon ng mga netizens sa tsikang kumakalat, “Pa-downgrade nang pa-downgrade si Richard. Anne, Georgina, Sarah, etc. to this girl. Ang bilis din n’ya magpalit ng jowa, ha?”


Eto naman ang komento ng ilang netizens sa Fashion Pulis…


“Ang bilis naman, wala na pala sila ni Barbie?”


“Hiwalay na sa asawa. So buhay-binata si Richard, enjoy lang. Alangan namang magmukmok s’ya sa isang tabi. Collect and collect.”


“Ganu’n talaga ang lalaki. Kay Barbie, ‘di tumagal.”

“Mahilig pala talaga siya sa mestiza.”


“Whahaha! Pagkatapos kay Xian Gaza, you mean sinalo mo, Richard? Ano ba naman ‘yan!”

“Jowa ni Christian Gaza ‘yan, ah.”


“Sorry na pero ang hilig ni kuya (Richard) sa starlet yata?”

“Can’t even consider this girl a star…”


“Tunog-sosyal ‘yung name, parang model, eh, then nu’ng Ginoogle ko, ay, Vivamax starlet pala.”


Bukas ang BULGAR para sa pahayag ni Richard Gutierrez.


Atat na raw pakasalan ng padir ng anak…

SOFIA, BUMILI NG SARILING DIAMOND RING, IDINISPLEY SA IG


ANG daming nag-aakalang engaged na si Sofia Andres sa longtime live-in partner na si Daniel Miranda, ang car racer kung saan may isa na silang anak, si Zoe Natalia Miranda.


Sa Instagram (IG) ng aktres ay may posted photos siya na isang luxurious ring, including a black and white close-up and a joyful portrait.


Ang nasabing singsing ay tila isang engagement ring na para kay Sofia.

Ang caption niya, “Diamonds are forever.”


Kaya naman ang mga kapwa celebrities ng aktres ay nag-congratulate sa kanila ni Daniel na sina Jugs Jugueta, Arci Muñoz, and Maja Salvador, Agot Isidro, Zeinab Harake, Chie Filomeno, at Denise Laurel.

Sey ng mga netizens:


“She bought it, she said in her IG story.”

“Her initial caption was confusing, she edited it tho.”


“‘Di pa s’ya engaged, binili n’ya raw para sa sarili n’ya. Check n’yo ang story ng shop.”

Maging si Bea Alonzo ay nag-congratulate sa aktres, even ang philanthropist na si Small Laude.


Komento naman ng isang netizen, “Galing ‘yan sa sanglaan ng Cebuana na hindi natubos.”


Halos lahat ay congratulatory notes ang ipinapadalang komento.


Sa bagay na ito, isang commenter ang nagsabing, “Atat na talaga ang aktres na makasal kay Daniel. Ultimo engagement ring, s’ya na rin ang bumili para masabing engaged na sila. Grabe, hindi makapaghintay na mag-propose sa kanya.”


Sey naman ng isa, “Hindi n’ya kinorek ang espekulasyon ng netizens. Hinayaang i-congratulate s’ya.”


Marahas na tanong naman ng isang commenter, “Ano ba talaga, Daniel, hindi ka pa ba magpo-propose kay Sofia? Nagpaparinig na nga, hindi ka pa kumikilos.” 

‘Kaloka! Kailan kaya sila ikakasal? 


Pero kung ano man ang maging desisyon nila ay kailangan nating irespeto at huwag pangunahan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page