top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 24, 2025



Photo: Kathryn Bernardo Official - IG



Hindi itinanggi ng Incognito team na may second season na silang pinaghahandaan due to public demand. 


Sa last part ng action serye ay ipinakitang naghahanap na ng good sniper si Kontraktor (Ian Veneracion) para sa role na iniwan ni Baron Geisler bilang si Doc Miguel a.k.a. Jaguar.


Pero, ayaw ng mga netizens na mawala ang karakter ni Baron. Pakiusap nila, lagyan daw ng twist ang ipinakitang pagkamatay ng aktor dahil napakahusay daw nito. 


Wala pang statement ang team para sa papel ng aktor.


Ang matindi, may nagre-request na si Angel Locsin na lang daw ang ipalit bilang sniper ng action serye. Akmang-akma sa aktres ang role kung magbabalik siya dahil kering-keri niya ang mag-aksiyon lalo na sa ginawa niya sa The General’s Daughter (TGD).


Ang iba naman ay isina-suggest si Kathryn Bernardo. Pero maraming umalmang avid viewers, ano raw ang gagawin ni Kathryn sa serye, eh, ang alam lang daw nito ay magpabebe, kumpara kay Angel Locsin na natural ang pagiging aktres?


Galing Taal Lake kung saan itinapon ang mga sabungero… GOV. VILMA, KUMAIN NG TAWILIS PARA PATUNAYANG SAFE


PINATUNAYAN ng aktres-governor na si Vilma Santos sa pamamagitan ng pagkain ng mga isdang tawilis na mula sa Taal Lake na malinis ito. 


Bumaba kasi ang bentahan nito dahil sa lawa raw itinapon ang mga pinatay na nawawalang sabungero.


Sa Facebook (FB) reel ay kinumbinse ni Gov. Vi ang publiko na ang mga isdang nagmumula sa lake ay safe na kainin despite recent concerns. 


Esplika ni Governor Vi, ang tawilis ay ‘non-carnivorous’ o hindi kumakain ng karne at sa halip ay puro halaman lang (phytoplankton). 


Kaya naman, wala raw dapat ikatakot ang publiko na baka nakakain ng karneng-tao ang mga tawilis.


Bumaba nga mula sa P250 at naging P100 per kilo na lang ang tawilis dahil bumaba ang demand nito.


Ani ng aktres-pulitiko, “Tawilis, okay, nothing to worry about with all these issues about our Taal. Nothing to worry about.”


Dugtong pa ng Star for All Seasons, “First of all, ang mga isda po natin d’yan like tilapia and bangus, cultured ‘yan. May mga fishpens po na nand’yan na alaga po ang mga ‘yan.


“At ang tawilis po natin, non-carnivorous, hindi ito kumakain ng laman-laman, halaman ang kinakain nito.”


Makumbinse nga sana ni Ate Vi ang mga mamimili dahil kawawa rin ang mga mangingisda na apektado ang kabuhayan dahil sa issue. 



KASALUKUYANG nasa London ang dalawang aktor na sina Alden Richards at Daniel Padilla para sa Barrio Fiesta London 2025 at pinagkaguluhan sila roon.


Ang daming komento ng mga netizens na tila enjoy na enjoy sa dalawang guwapong aktor. Pero kapansin-pansin na tila mas marami silang komento para kay DJ.


Sey ng mga netizens…


“Oustanding Philippine actor DJP (Daniel)!”

“Iba talaga ang Pinoy, mahilig kayo magkumpara. ‘Di ba puwedeng maging proud na lang tayo sa kanila kasi sikat sila at ang dami nilang mga fans worldwide?”


“No love team, solo era, the best for idol DJ.”


“‘Wag i-compare ang dalawa, masasaktan lang ang mga Aldog (fans ni Alden ang tinutukoy).”


“Ano namang panama ni Alden kay DJ?”


“So, ano naman? Mas okey pa rin ‘yung may respeto sa babae at marunong makuntento.”

“Mabait kaya si Alden, may respeto s’ya kay Daniel. Sabi n’ya, mabait daw si Daniel, at higit sa lahat, KathNiel po si Alden.”


“Si Daniel Padilla, dinudumog ng mga fans kahit saan. Buong mundo, nagmamahal kay DJ, very kind and humble.”


Oo nga naman, huwag nang pagkumparahin sina Daniel at Alden. Kahit ano pa ang sabihin ng mga bashers ay talagang sikat ang dalawang aktor. May kani-kanya silang katangian na nagugustuhan ng mga fans.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 23, 2025



Photo: Julia at Gerald sa Eat Bulaga - YT


May tsikang ibabalik umano ng Eat… Bulaga! (EB!) ang segment nilang Kalyeserye kung saan ito ang pinagbidahan noon nina Maine Mendoza at Alden Richards. 


Tipong sina Julia Barretto at Gerald Anderson daw ang isasabak ng EB! management.

Ang tanong, kung ang JuRald (Julia-Gerald) ang ilalagay sa slot na dating serye ng AlDub, malampasan kaya nila ang phenomenal record noon nina Maine Mendoza at Alden Richards?


History na kung tutuusin ang AlDub, kaya I doubt it!



Nag-react si Kyline Alcantara sa post ni Max Collins.

Sa Instagram (IG) page ng aktres, kahit umuulan ay ifinlex niya nang walang ka-effort-effort ang kanyang casual outfit para sa It’s Showtime (IS).


Ani ng Kapuso actress, “Rainy day, red car, hot coffee. It’s Showtime baby!”

Aniya pa sa isang caption, “Rain on me madlang people.”


Isa si Kyline sa mga nagkomento sa post ni Max, “Ganito pala dapat.”

Sey naman ng ibang commenters, “It’s giving 2000s MV in the rain. Love it!!!”


“I saw this car kanina, Mamang sa Showtime. Hahaha! Sa ‘yo pala, thank you sa pa-food kanina.”


“Para raw siyang si ‘Ariana Grande’. Too hot to handle, Max.”


“Ikaw lang naman ‘yung sinayang ni Pancho Magno.”

“Grabeng face card art talaga ‘yan.”


May napamura pa nga dahil sa ganda ni Max na kahit umuulan ay gorgeous pa rin, “PUT***, ANG GANDA!”

“You set fire to the rain.”


Sey ni Rhian Ramos, “When everything looks good on you.”

Komento ni Gazini Ganados, “Jaw is on the floor.”


Ani pa ng isang netizen, “‘Yung napa-sana all na lang ako, what a hot momma!”

Bongga! Napapadalas na ata ang guesting ni Max Collins sa It’s Showtime. Deserve na deserve naman kasi.


4 din ang doktor…

BELA, 4 NA BESES NAOSPITAL, NAGPA-MRI PA


MAY latest post si Bela Padilla about her life and health. Ayon sa aktres, apat na beses siyang naospital.


Marami agad mga kaibigan at pati na kanyang mga tagahanga ang nag-alala.

Aniya, “This week, I was in the hospital 4 times. I saw Dr. @ging.md, my lovely rheumatologist, who then connected me to a neuro-ophthalmologist, dermatologist, and a geneticist.”


Patuloy niya, “Yesterday, I told one of the doctors, I wish I just enjoyed my life fully then if I was gonna have this much to worry about so early in life. I’ve lived such a clean, healthy way since I was a kid, and I see people around me do crazy stuff and they’re perfectly okay.”


Na-mention din niyang dadaan siya sa MRI.


“Also PS: They ended up not cutting my lockless bracelet for my MRI but we checked so many times about this first (real gold isn’t magnetic apparently...) and they wrapped it heavily in tissue before I went in. PLEASE let your technicians know if you have any metal on your body before doing an MRI!” aniya sa mga netizens.


Dugtong pa ng aktres, “I was in St. Luke’s this morning for a check-up since I’m flying out tomorrow and also to pick up meds for my eyes... and I realized today that Sundays in hospitals are so quiet. I wasn’t sure if I was happy about it or sad ‘cause I didn’t see any other patients. BTW (by the way) thank you, Dr. Mariano for coming in today to treat my zombie eye.”


Tila hindi naman nagustuhan ng ibang commenters na dadaan agad sa MRI ang aktres. Sey nila, “OA (overacting) naman ng MRI agad. Baka simpleng sakit lang or puwedeng itulog lang ‘yan, girl. ‘Pag mayaman ka talaga, kung anu-ano na lang talaga maisipan mong test sa sarili mo.”


“Agad-agad kasi may budget s’ya. CT scan nga, P5K, magkano kaya ang MRI? At kung ako, hindi basta-basta magpa-MRI, mahirap na ma-expose sa effects.”

“‘Di naman s’ya ang nakaisip nu’n. Hahaha! Doctor ang nagsabi, siyempre.”

“Your health comes first. Puhunan mo ‘yan sa buhay. Prevention is better than curing. Kaya ikaw, bago ka magsabi ng OA, magpa-check-up ka, baka mataas na cholesterol mo, ‘di mo alam.”


Pagtatanggol pa ng iba, “Grabe s’ya! I am sure ‘yung doktor ang nagsabi na magpa-MRI siya at hindi dahil kapritso lang ni Bela. Malamang ‘pag nagkasakit ka at need mong i-MRI, sasabihin din ng doktor na dapat mong gawin. Sasabihin din kung dapat mong itulog lang.”


Mensahe naman ng isang netizen kay Bela, “Naku, baka magaya ka ru’n sa namatay dahil ‘di tinanggal ang gold chain n’ya sa MRI. ‘Wag panghinayangan ang bracelet mo kung ang kapalit ay buhay mo.”


Is this true? Sana ay safe ka, Bela Padilla. ‘Kaloka ang mga komento ng mga netizens, ha!


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 22, 2025



Photo: Cassy at Mavy Legaspi - IG



Hindi akalain ng kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy na makakadaupang-palad nila ang Hollywood actor na si Pedro Pascal sa Australia.


Ani ng kambal, “Can’t believe we met him!”


Tuwang-tuwa ang mga ito dahil nakipagkulitan pa raw sa kanila ang Hollywood actor. Ifinlex ni Cassy ang pag-uusap nila. Sa larawan ay kitang-kita sa mukha ng kambal ang kanilang pagka-star struck kay Pedro.


Sey ni Cassy sa Instagram (IG), “Didn’t get any superpowers... but we got to meet and interview the cast of The Fantastic Four: First Steps.”


Isang muted clip na tila pinapapili ni Cassy ang Hollywood actor kung pasado ba ang kanyang painted nails ang ipinost nito.


Komento ng mga fans:


“Hahaha! Sa kuko mo talaga? The way Pedro took off his glasses.”

“Imagine si Pedro Pascal, nakuha ang attention because of Cassy’s nails. Iba talaga si Cassandra (Cassy).”


“The nails. Hahahaha!”


Sa mga hindi aware, si Pedro ay kilala sa kanyang iconic roles sa mga hit series na Game of Thrones (GOT), The Last of Us (TLOU), at The Mandalorian (TM).


Handa na rin siyang sumabak sa Marvel Cinematic Universe bilang si Reed Richards a.k.a. Mister Fantastic sa pelikulang The Fantastic Four: First Steps (TFFFS).



IBINAHAGI ni Priscilla Meirelles sa isang panayam na ilang beses umanong sinubukang makipagbalikan sa kanya ng aktor na si John Estrada, pero wala itong nagawa dahil final na raw ang kanyang naging desisyon na tapusin ang kanilang pagsasama.


Pahayag niya, “The book is closed. If there’s something that he and the people like him need to learn is that you cannot over and over treat people with lack of respect, especially the ones that are good to you.


“I know that he has high hopes that maybe one day, the way I feel, will change. I don’t think so because I’m the type of person that once I step out of the room, I’m gone.


“My message to John, I have no regrets. We had a wonderful life despite all the rollercoasters. I do have high regards for him. I do respect him as the father of my daughter and I’m grateful that he’s a good provider.”


Lagi raw sinasabi ni John na mahal siya ng aktor na kanya namang pinaniniwalaan.

Sey pa niya, “The issue is he doesn’t love me in the way I deserve to be loved. I believe he tries his best, the problem is his best is not what I need.”


Well, wala pang tugon si John Estrada sa pahayag na ito ng kanyang ex-wife na si Priscilla Meirelles. 



Sapaw kay Katrina… CAMILLE, OA BILANG KONTRABIDA, TODO-SIGAW LANG



PANSIN ko lang, napaka-OA (overacting) ng pag-arte ni Camille Prats sa teleserye niya sa Kapuso Network kung saan kasama niya sina Katrina Halili at Shayne Sava.


Wala siyang ginawa kundi pawang pasigaw ang mga binibitawang linya na ginawa na rin niya noon sa isang teleserye na kasama si Alfred Vargas.


Iisa ang kanyang pag-arte as a kontrabida, walang pagbabago.


Aba, mabuti pa si Katrina Halili, ang laki ng ipinagbago sa pag-arte.


Ayon kay Camille na gumaganap bilang si Olive, kahit gustung-gusto raw niya ang kanyang ginagawa, pinili niyang magpahinga muna pagkatapos ng teleserye. Unti-unti na raw kasing lumalaki ang kanyang pamilya. 


Eh, paano naman siyang hindi magpapahinga, namaos yata sa kasisigaw sa kanyang mga eksena.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page