top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 28, 2025



Kim Chiu at Paulo Avelino - IG

Photo: Kim Chiu at Paulo Avelino - IG



Bumiyahe na patungong England si Kim Chiu, pero hindi sila magkasabay ni Paulo Avelino.


Sey nga ng kanilang mga followers…


“Bakit ‘di pa kayo nagsabay? Emeee! Paulo Avelino papunta na rin sa UK for A.S.A.P. in England!”


“Oo nga, bakit nga ba ‘di nagsabay? Darla Sauler at si Darren Espanto pa ang katabi at kasama. Mas gusto ni Kim kasabay ang bestie (Darren) kaysa sa babe niya. Kaka-disappoint lang kasi power tandem sina KimPau. Mas happy si Kim kay Darren, 2-timer Kim between Paulo Avelino and Darren Espanto. Nakakainis lang!”


“Rules po ng management kaya ‘di sila sabay, kasi may rehearsal yata sina Kim. Saka, wala namang problema kung ‘di sila sabay kasi magkasama naman po sila doon. Lawakan naman po sana natin minsan ang pag-iisip natin,” pagtatanggol ng isa.


“‘Wag kayo mag-alala, mga bashers ng KimPau. Pagdating sa London, magkasama na KimPau hanggang sa pag-uwi,” dagdag ng isa pa.


Sey naman ng isang commenter, “I’m sure may problema ang mga ‘yan. ‘Wag na kasi makialam ang KimPau, hindi sa lahat ng oras, alam n’yo ang update sa kanila. 


“Eh, ‘di ba, si Kim namomroblema sa sis n’ya? S’yempre, damay-damay na ‘yan…”

Hmmm… Totoo nga kayang may tampuhan ngayon ang KimPau kaya ‘di sila nagsabay pa-London? 




Ka-tie si Vice… ARJO, INISNAB NG MMFF, NAG-BEST ACTOR SA FAMAS



Arjo Atayde


HINDI talaga matatawaran ang husay ng isang Arjo Atayde. Siya ang pinarangalan bilang 73rd FAMAS Best Actor kamakailan na ginanap sa Manila Hotel.

Kinilala ang husay ng actor-public servant dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Topakk ng Nathan Studios.


Naka-tie ng pulitikong aktor sa nasabing kategorya ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda para naman sa pelikulang And The Breadwinner Is… (ATBWI). Ang dalawang nabanggit na pelikula ay parehong naging kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) last year.


Ang role ni Cong. Arjo ay ex-military officer na naging security guard na nagkaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD) matapos mapaslang ang kaibigang sundalo.


Bukod sa Best Actor award, nakuha rin ng Topakk ang FAMAS 2025 Best Sound award na mula sa direksiyon ni Richard Somes.

Sa acceptance speech ng award-winning actor, inialay niya ang lahat ng parangal na nakuha nila sa lahat ng sundalong Pinoy.


Aniya, “Sa lahat ng ating mga sundalo na nagbigay sa amin ng inspirasyon upang lumikha ng kuwento, hindi lahat ng may topak, may topak naman. Lahat kami ay nangunguna sa aming sariling mga paraan, kadalasan ito ay hindi naiintindihan.”


Dugtong pa ni Arjo, “Sa sinuman at sa lahat na nakakaranas ng mga isyu sa kalusugan ng isip, alamin na mahal ka at hindi ka nag-iisa. Hindi namin ginagawa ito, ngunit nagtatrabaho kami upang magkuwento ng magandang kuwento, at ito ang nangyari.”


Pinasalamatan din ni Arjo ang kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde, at siyempre, ang pinakamamahal niyang misis na si Maine Mendoza.


Sabi nga ng isang commenter, “Sa MMFF in-snob nila ang Topakk, dito sa FAMAS ay kinilala nila ang husay ni Arjo. Eh, ‘di ba prestihiyosong award ito?”

Uhmmm… ‘Yun lang!



“MAGANDANG umaga! Simulan natin ang araw nang may ngiti!” ‘yan ang latest post ni Angel Locsin sa kanyang Facebook (FB) account.


Halos lahat ng komento ay “Good morning” na pagbati sa aktres.

Komento naman ng ibang netizens:


“That’s right. It is always a good virtue. Smile and greet people every time and everywhere. Love it!”


“Absolutely stunning.”


Tanong ng isang commenter, “Kailan ka kaya lalabas ulit sa TV o kaya sa big screen? Huling panood ko sa iyo ‘yung The General’s Daughter pa. Gabi-gabi ko ‘yun pinanood hanggang sa matapos.”


“Pumayat ka na ulit.”


“Have a blessed morning, my idol Darna. Nakakaganda ka ng umaga. ‘Yung masilayan ka lang, my Angel Locsin.”


“Super-ganda ni Ma’am Angel Locsin. Sana, bumalik na s’ya sa showbiz.”

Kailan kaya ‘yan? Tanging ang aktres lang ang makakasagot..


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 27, 2025



Joshua Garcia at Rhian Ramos - Photo by Mars Santos

Photo:Julia at Gerald / IG



Nagb igay ng komento si Ogie Diaz sa nabalitang hiwalayan nina Gerald Anderson at Julia Barretto.


Isa sa mga napansin umano ng mga netizens ay ang mga posts kung saan hindi nakikitang magkasama ang dalawa.


Nakarating kay Ogie na tila cool off daw ang dalawa sa kanilang relasyon. Ang dahilan ay may third party umanong involved.


“Ha! Totoo ba ‘yan? Nag-cool-off daw ‘yung dalawa,” ani Ogie sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Update (SU) channel.


Dagdag pa niya, nasabi raw ng kanyang source na, “Tanong mo na lang, Ogie, kung cool-off sila. May third party daw.”


Bagama’t hindi pa kumpirmado ang balita, umamin si Ogie na may mga impormasyong nakarating sa kanya tungkol sa posibleng pagkakaroon ng third party.


Aniya, “Ang nakarating sa atin, iba-iba, ‘di ko alam kung tama ‘yung dinig ko o ibang-iba. Pero mas maganda na sila ang sumagot n’yan, hindi tayo. ‘Yun lang naman ang nabalitaan natin.”


Sa kabila ng isyung ito, sinabi ni Ogie na mahal pa rin daw ni Julia si Gerald.

Sey niya, “Sana nga, sila pa rin. Kung cool-off man, siguro break muna ngayon. Parang kami pa rin pero space muna. Pero ang nakarating sa atin, mahal na mahal ni Julia si Gerald, despite the issue.”


Nilinaw naman ni Ogie na hindi pa ito kumpirmado, “Hindi po ‘yan kumpirmado, ha, nabalita lang ‘yan sa akin.”


Dagdag pa niya, base umano sa kanyang source, tila naghihintay lamang si Julia ng tamang panahon para maayos ang relasyon.


Pagbubulgar niya, “Pero sabi nga ng source ko, parang naghihintay lang ng sign si Julia. Kasi ‘pag sila na ulit, kailangan, kasal na. Kaya kung mapapansin natin, ang sipag-sipag magtrabaho ngayon ni Julia. Nag-iipon na raw si Julia kasi gusto na n’ya mag-settle down.”

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag sina Gerald Anderson at Julia Barretto hinggil sa isyu.



INALALA ni Carla Abellana nu’ng time na nag-shoot siya sa Discaya Building. May isyu kasi ngayon sa mag-asawang Discaya, kung saan lahat ng kanilang kayamanan ay ipinakita sa mga online platforms.


Halos isang taon na ang nakalilipas nang makapanayam ni Julius Babao para sa kanyang YouTube (YT) Channel ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya. 


Mula sa basahan hanggang sa kayamanan, nakabili sila ng maraming mamahaling sasakyan, na nagdulot ng tanong kung paano nila ito nakayang bilhin. Kasama sa kanilang luxury car collection ang isang asul na Bentley, Mercedes-Maybach GLS, at Rolls Royce Cullinan. Binili nila ang Rolls Royce SUV dahil lang may espesyal itong compartment para sa isang payong. Paano sila naging ganito kayaman?


Ayon sa kanila, ang kanilang gateway sa yaman ay noong sila ay naging contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada noong Lunes na gusto niyang pangalanan ni Sarah ang kanyang mga contact sa DPWH.


Anyway, balik tayo kay Carla, matapos makita ng Kapuso actress ang gusali ng mga Discaya, naalala niya ang shooting sa parehong lugar. Wala siyang sinabing kontrobersiyal, ngunit iniwan ang nakakaintrigang pahayag na ito sa isang post

sa social media:


Aniya, “Ah, sa kanila pala lahat ‘yun! Nag-taping na kami sa building na ‘yan sa Pasig! And I was like, ‘Parang alam ko na kung ano ang business ng may-ari nitong mga ‘to.’”

Kabilang si Discaya sa mga indibidwal na ipinatawag para humarap sa imbestigasyon hinggil sa umano’y maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng multi-bilyong halaga.


Ang asawa ni Sarah ay nagmamay-ari ng St. Gerrard Construction General Contractor Development Corp. na nakabase sa Pasig at siya rin ang nakalista bilang presidente ng Alpha at Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corp.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 26, 2025



Joshua Garcia at Rhian Ramos - Photo by Mars Santos

Photo: Joshua Garcia at Rhian Ramos - shot by Mars Santos



Nairaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang 37th Star Awards for TV noong August 24 na ginanap sa VS Hotel. Kahit walang producer ay nagtulung-tulong ang entertainment organization na magawan ng paraan na maihayag ang 2023 winners para makumpleto ang annual na ginagawa ng PMPC. Ito ay dahil sa malaking tiwala na makatuwang nila ang Bingo Plus.


Sa 41 categories na karapat-dapat manalo sa awards night ay una nang naglabas ng advanced winners ang PMPC at ang natitirang major categories ay sa actual event na ng 37th PMPC Star Awards for TV inanunsiyo. 


Stars, programs, and other personalities, including journalists were honored for their contributions and performances on television in 2023.


Personal na tinanggap ni Joshua Garcia ang tropeo kung saan siya ang nanalong Best Drama Actor dahil sa performance niya sa Unbreak My Heart (UMH).

Si Rhian Ramos naman ang nag-uwi ng Best Drama Actress for Royal Blood (RB) series, first-ever niya sa PMPC.


Nasungkit naman ni Alden Richards ang Best Single Performance by an Actor para sa kanyang portrayal sa isang episode ng Magpakailanman.


Nag-tie sina Paolo Ballesteros at Robi Domingo bilang Best Male TV Host, habang si Kim Chiu ang nanalong Best Female TV Host. 


Sa 4 na nabanggit na winners, si Kim lang ang hindi personal na tumanggap ng kanyang tropeo.


Best Comedy Actress si Chariz Solomon (Bubble Gang), Best Celebrity Talk Show ang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), at si Boy din ang nanalo bilang Best Celebrity Talk Show Host.


Best Public Service Program Host si Edinel Calvario (Healing Galing).


First time ring pinarangalan bilang Best Female Newscaster si Karen Davila ng TV Patrol (A2Z, All TV).


Best New Male TV Personality naman si John Clifford, at Best New Female TV Personality si Gela Atayde para sa kanyang natatanging pagganap sa Senior High (SH).


Best Drama Supporting Actor si Elijah Canlas,


Best Drama Supporting Actress si Cherry Pie Picache, Best Single Performance by an Actress si Rochelle Pangilinan at Best Variety Show ang It’s Showtime (IS).


Congratulations sa lahat ng winners!



Perang nagalaw, kikitain pa rin naman daw…

HIRIT NG FAN: KIM, PATAWARIN NA ANG ATE LAKAM



May bagong post si Kim Chiu sa kanyang Instagram (IG) Stories. Hanggang ngayon ay nasa hometown niya sa Cebu ang Chinita Princess.


Aniya sa IG post, “Life lately. Been in #Cebu for almost a month now, shooting for a new series coming very very soon - #TheAlibi @dreamscapeph. Nothing feels like going home to your motherland, where so many memories live.


“The past weeks have been a tough juggle between work and personal life, but I’m beyond grateful for everyone who’s been there for me through it all. Taking it one day at a time, trusting that everything unfolds in His will.”


Sa kabila ng kanyang abalang schedule, ang post ni Kim ay nagpakita ng positibo, na pinuri ng mga tagahanga ang kanyang pagiging bukas at ang paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, pangangalaga sa sarili, at pasasalamat.


Agad na nagbigay ng suporta ang mga tagahanga ng aktres.


Sey ng mga fans… 


“So proud of you always, Kimmy. The courage you carry within you is something I deeply admire and it inspires me a lot. I know you’ve got this, because you always have. 

“No matter what comes your way, remember that you are never alone. We are here cheering you on and reminding you that you are stronger than you think. Always.”


“Hope you’re ok na.”


“She's looking more bubbly with her short hair. It really matches her personality.”


“Stay strong, Kimmy.”


“Jesus loves you.”


“God is always there to a person who has a pure heart. Blessings will overflow to you, Kimmy.”


Komento naman ng isa na tila alam na alam ang pinagdaraanan ng aktres, “Kim, patawarin mo na ang ate mo. Bigyan mo ng 2nd chance, kikitain mo pa rin ‘yung pera na

nagalaw ng ate mo. Payong nanay ako sa ‘yo.”


Wala pang pahayag si Kim Chiu tungkol sa isyung kumakalat na pera ang dahilan ng away nila ng ate niyang si Lakam. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page