ni Beth Gelena @Bulgary | August 26, 2025

Photo: Joshua Garcia at Rhian Ramos - shot by Mars Santos
Nairaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang 37th Star Awards for TV noong August 24 na ginanap sa VS Hotel. Kahit walang producer ay nagtulung-tulong ang entertainment organization na magawan ng paraan na maihayag ang 2023 winners para makumpleto ang annual na ginagawa ng PMPC. Ito ay dahil sa malaking tiwala na makatuwang nila ang Bingo Plus.
Sa 41 categories na karapat-dapat manalo sa awards night ay una nang naglabas ng advanced winners ang PMPC at ang natitirang major categories ay sa actual event na ng 37th PMPC Star Awards for TV inanunsiyo.
Stars, programs, and other personalities, including journalists were honored for their contributions and performances on television in 2023.
Personal na tinanggap ni Joshua Garcia ang tropeo kung saan siya ang nanalong Best Drama Actor dahil sa performance niya sa Unbreak My Heart (UMH).
Si Rhian Ramos naman ang nag-uwi ng Best Drama Actress for Royal Blood (RB) series, first-ever niya sa PMPC.
Nasungkit naman ni Alden Richards ang Best Single Performance by an Actor para sa kanyang portrayal sa isang episode ng Magpakailanman.
Nag-tie sina Paolo Ballesteros at Robi Domingo bilang Best Male TV Host, habang si Kim Chiu ang nanalong Best Female TV Host.
Sa 4 na nabanggit na winners, si Kim lang ang hindi personal na tumanggap ng kanyang tropeo.
Best Comedy Actress si Chariz Solomon (Bubble Gang), Best Celebrity Talk Show ang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), at si Boy din ang nanalo bilang Best Celebrity Talk Show Host.
Best Public Service Program Host si Edinel Calvario (Healing Galing).
First time ring pinarangalan bilang Best Female Newscaster si Karen Davila ng TV Patrol (A2Z, All TV).
Best New Male TV Personality naman si John Clifford, at Best New Female TV Personality si Gela Atayde para sa kanyang natatanging pagganap sa Senior High (SH).
Best Drama Supporting Actor si Elijah Canlas,
Best Drama Supporting Actress si Cherry Pie Picache, Best Single Performance by an Actress si Rochelle Pangilinan at Best Variety Show ang It’s Showtime (IS).
Congratulations sa lahat ng winners!
Perang nagalaw, kikitain pa rin naman daw…
HIRIT NG FAN: KIM, PATAWARIN NA ANG ATE LAKAM
May bagong post si Kim Chiu sa kanyang Instagram (IG) Stories. Hanggang ngayon ay nasa hometown niya sa Cebu ang Chinita Princess.
Aniya sa IG post, “Life lately. Been in #Cebu for almost a month now, shooting for a new series coming very very soon - #TheAlibi @dreamscapeph. Nothing feels like going home to your motherland, where so many memories live.
“The past weeks have been a tough juggle between work and personal life, but I’m beyond grateful for everyone who’s been there for me through it all. Taking it one day at a time, trusting that everything unfolds in His will.”
Sa kabila ng kanyang abalang schedule, ang post ni Kim ay nagpakita ng positibo, na pinuri ng mga tagahanga ang kanyang pagiging bukas at ang paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, pangangalaga sa sarili, at pasasalamat.
Agad na nagbigay ng suporta ang mga tagahanga ng aktres.
Sey ng mga fans…
“So proud of you always, Kimmy. The courage you carry within you is something I deeply admire and it inspires me a lot. I know you’ve got this, because you always have.
“No matter what comes your way, remember that you are never alone. We are here cheering you on and reminding you that you are stronger than you think. Always.”
“Hope you’re ok na.”
“She's looking more bubbly with her short hair. It really matches her personality.”
“Stay strong, Kimmy.”
“Jesus loves you.”
“God is always there to a person who has a pure heart. Blessings will overflow to you, Kimmy.”
Komento naman ng isa na tila alam na alam ang pinagdaraanan ng aktres, “Kim, patawarin mo na ang ate mo. Bigyan mo ng 2nd chance, kikitain mo pa rin ‘yung pera na
nagalaw ng ate mo. Payong nanay ako sa ‘yo.”
Wala pang pahayag si Kim Chiu tungkol sa isyung kumakalat na pera ang dahilan ng away nila ng ate niyang si Lakam.




