top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | September 2, 2025



Sarah Geronimo - IG

Photo: Sarah Geronimo - IG



“Managot dapat!” ito ang panawagan ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa Instagram (IG) laban sa mga sangkot sa flood control at corruption na aniya’y sumisira sa tiwala ng publiko.


Aniya, “We work hard, give what we can, and pay our taxes trusting they serve the greater good. But when they uplift only a few, it makes me think na ang tunay na pagbabago ay nakasalalay hindi lamang sa ating mga pagpipilian, kundi pati na rin sa pananagutan sa mga sadyang sumisira sa tiwala ng publiko.”


Ang kanyang pahayag ay umalingawngaw at pinuri siya sa paggamit ng kanyang platform at impluwensiya upang tawagin ang mga sistematikong isyu. 


Nakiisa ang aktres sa iba pang maiimpluwensiyang tao sa pagtulak ng responsibilidad at transparency, na nagbibigay-diin na hindi mangyayari ang tunay na pagbabago nang walang pananagutan.


Kabilang sa mga nagpahayag ng pagkabahala ang aktres na si Sofia Andres, na nagpaabot ng pakikiramay sa mga komunidad na naapektuhan ng baha, at si Nadine Lustre na nagsabing ang isyu tungkol sa flood control project ay parehong nakakainis at nakakasira ng loob.


Nagpahayag din si Doug Kramer na ang Pilipinas ay hindi isang mahirap na bansa. Sey niya, “A nation whose potential is crippled by corruption,” at kasakiman ng ilang lingkod-bayan.



NAGBIGAY ng payo sa paghawak ng mga insecurities si Shuvee Etrata. 

Alam ni Shuvee kung ano ang pakiramdam kapag nakakatanggap ng panunukso at pambu-bully dahil naranasan din niya ito noon bago pa siya pumasok sa showbiz.

Ipinakita ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition alumna na ang mga insecurities ay maaari talagang gawing lakas.


Sa isang panayam, naitanong sa kanya kung paano niya nilalabanan ang mga insecurities. Tahimik ngunit very sincere na sinagot ni Shuvee ang tanong.


Aniya, “Palagi akong nakakaramdam ng mga insecurities hanggang paglaki. Gayunpaman, dahil naririnig ako ng mga nakababatang henerasyon, gusto kong malaman ninyo na ang inyong morena na balat, ang inyong kutis ay hindi kailangan ng pag-aayos. Hindi mo na kailangang ayusin, kailangan mo lang yakapin. ‘Wag mong palitan. 


“Tanggapin mo ‘yan kasi ‘yan ang ibinigay ni Papa Jesus sa ‘yo. Maganda ka kung sino ka.”

Inamin niya kung saan siya nagmula at tadhana raw ang tumulong sa kanya kung nasaan siya ngayon. 


Biro pa niya, “Siguro, hindi ka lang uso ngayon, pero darating din ‘yung time na uuso ka rin. Promise talaga ‘yan, hindi ako nagdyo-joke, ‘yun talaga ang insecurity ko.


“Sa mga grade six na nang-bully sa akin noon, ano’ng sabi n’yo? Malaki ang simod (ilong) ko. Malaki raw ang lips. O, ano’ng ginagawa ngayon? Marami nang filler-filler. Oh, ‘di ba? Kasi uso na raw ‘yung malalaki, malalaking labi. 


“Ganu’n lang ‘yun. Hindi ka lang talaga uso. Hintayin mo lang, uuso ka rin. I-love mo ‘yung sarili mo na ‘yan, ha? Prioritize yourself.”


Ang mga salita ni Shuvee Etrata, bagama’t may halong humor ay nagsilbing paalala na nagbabago ang beauty standards sa paglipas ng panahon, at ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal sa sarili.



LUMABAS ang pagka-komedyante ng aktor na si Edu Manzano hinggil sa final check ng mga nasa gobyerno lalo na sa ahensiya ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 


Nag-viral ang aktor sa mga satirical posts nito tungkol sa baha.


Nakiisa si Manzano sa mga netizens sa pagbatikos sa mga pampublikong opisyal at kontratista, kabilang ang ilan sa mga anak na binansagang “Nepo Babies” online dahil sa pagpapakita ng marangyang pamumuhay.


Ang unang post ni Edu ay ang larawan niya na nakasuot bilang engineer sa isang construction site na may caption na: “Relax, guys. Ako na bahala… sa road to forever. Bill, Bill, Bill.”


May post din siya na nakatayo sa isang “ghost bridge” na ginagawa, pati isang larawan na may hawak na Rolls-Royce na payong, isang direktang pagtukoy sa viral na pahayag ni Sarah Discaya tungkol sa pagbili ng marangyang sasakyan dahil may lalagyan ng payong.


Aliw na aliw ang mga netizens sa mga posts ng aktor, pero hindi roon nagtapos ang kanyang mga biro. Ang bago niyang post, “On my way to a luxurious dinner… pero s’yempre, OOTD muna: Over-Priced Outfit Taxpayer Dues.”


Ani Edu, “Mas mahal pa ang outfit ko kaysa sa bridge na hindi natapos sa probinsya ninyo. As long as you keep us posted with the audits, I’m happy to pay my tax.”


Nagkomento ang mga netizens:


“Kulang! What about the shoes?!”


“Hello Engr. Edu, the best contractor ever.”


“I wonder how much your underwear costs. Hahaha!”


“Madaming entry ni Sir Edu Manzano. Happy to know there are those brave enough to call out through satire posts. But half meant.”


Nabago pa ang meaning ng DPWH, ayon sa mga netizens: “D – Department of P – Poor W – Works & H – Heartless”


Sigaw naman ng ilan, “Edu for DPWH Secretary!”


Sabi pa ng iba, “Sana si Edu na lang ang gawing DPWH Secretary, tutal nagtapos naman s’ya ng AB Economics kaya maiba-budget n’ya ang gastusin.”

Well, uso naman na ang mga celebrities na pinapasok ang pulitika, why not?

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 1, 2025



Sarah Geronimo - IG

Photo: Sarah Geronimo - IG



Nakuha ni Sarah Geronimo ang atensiyon ng mga netizens dahil sa kanyang komento hinggil sa campaign ad ni Dra. Vicki Belo.

Sa isang video na nai-post sa opisyal na Instagram (IG) page ng celebrity doctor na


si Vicki Belo, may sey si Sarah. Isa lang ang singer-actress sa maraming celebrity endorsers ng beauty clinic ni Vicki.


Ang video ay kinunan sa isang endorsement event kung saan ang mister ni Dra. Vicki na si Dr. Hayden Kho ay nagpapaliwanag tungkol sa ceramide. 


Aniya, tatatakin nito ang kabuuan ng balat para ma-trap ang tubig.

With this, sey ni Sarah, “Pero ‘yung kalsada du’n, Dok, hindi naa-absorb ‘yung tubig,” na pumukaw sa atensiyon ng publiko.

Dagdag pa ng Popstar Royalty, “Kasi tinipid.”


Pero bumawi naman ang singer-actress, “Pero ang Belo products ay hindi tinitipid.”

Natawa sina Vicki at Hayden sa sinabi niya habang patuloy na nagsisigawan ang mga tao.


Sa comment section ng post, umani ng papuri si Sarah mula sa mga netizens. Hinangaan nila ang tapang ng misis ni Matteo Guidicelli na magbigay ng opinyon, kahit kaunti, tungkol sa isyung flood control sa Pilipinas. Pinag-uusapan online ang diumano’y maanomalyang mga proyekto sa pagkontrol ng baha sa iba’t ibang bahagi ng bansa na kinasasangkutan umano ng mga contractors.


Komento ng mga netizens sa tinuran ni Sarah…


“Love it. Parang first time ko marinig si SG maging vocal about politics. Nakaka-proud.” 


“OMG I’ve never seen her be this vocal about political issues! I love this for her.” 

“Once in a lifetime lang ‘yan magsalita, ang Queen SG namin, pero sapul na sapul. Forever Belo baby talaga si SG.” 


“Ang galing ni Sarah sumegue (segue) ng sagot dito. Tawang-tawa ako.”

Bongga!



Kumalat na DNA result nilang mag-ama, fake raw… DEREK: ANAK KO SI LILY, LOYAL WIFE SI ELLEN



HINDI mapigilang mag-react ni Derek Ramsay sa kumakalat na fake news sa social media tungkol sa anak nila ni Ellen Adarna.


Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ibinahagi ni Derek ang screenshot mula sa isang Facebook (FB) post na diumano’y naglalaman ng DNA test niya at ng anak nilang si Liana kasama si Ellen.


“Stop spreading lies about my family!” sambit ni Derek. 

“Lily is my daughter, and Ellen is a loyal wife! I don’t know how you can sleep at night spreading lies like this!” dagdag pa niya.


Well, ang dami talagang lumalabas na fake news hinggil sa mag-asawa. Meron pa ngang nagsasabing nag-file na umano ng divorce ang aktor para maging legal daw ang kanilang paghihiwalay.


Ikinasal sina Derek at Ellen noong Nobyembre 2021. Noong 2024 naman ipinanganak ni Ellen si Liana.


Mayroon ding isa pang anak si Derek, ang panganay na si Austin sa dati niyang asawa, gayundin si Ellen na may anak na rin sa dating partner na si John Lloyd Cruz.


Ang tsismis tungkol sa celebrity couple ay hindi matigil hangga’t hindi sila nagsasalita sa kung ano nga ba ang real score ng kanilang relasyon. Pawang haka-haka lamang ang lumalabas na pinagkakakitaan ng mga content creators.



NAALIW si Andi Eigenmann nang mapanood ang fiancé na si Philmar Alipayo sa Netflix. 

Na-feature kasi ang mister niya sa isang docuseries na 1 in 7641


Ang naturang show ay nag-e-explore sa bansa para mai-feature ang rich history, culture, at cuisine through the kaleidoscope of Filipino identity natin.


Ayon kay Andi, ang episode na kinabibilangan ni Philmar ay ang Board Culture. Hindi naman nakalimutan ni Andi na i-share kung saan mapapanood si Philmar.

Samantala, hindi niya napigilang biruin ang mister nang mapansin ang makapal na white cast sa mukha nito.


“Who’s your makeup artist dito? Kapal ng makeup mo. #ZincSunscreen,” pabirong caption ni Andi sa kanyang post, na tumutukoy sa dami ng sunscreen na naka-apply sa mukha ni Philmar.


Matatandaang sa mga nakaraang taon ay tuluyan nang lumayo si Andi sa showbiz para mamuhay nang simple at payapa sa isla. Sa ngayon ay settled na siya sa Siargao kasama si Philmar at ang kanilang mga anak.


Well, todo-support talaga si Andi Eigenmann sa mister niyang si Philmar Alipayo. ‘Kakilig!

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 31, 2025



Cristine Reyes - IG

Photo: Cristine Reyes - IG



Kinumpirma na ni Cristine Reyes ang hiwalayan nila ni Marco Gumabao at ibinulgar na rin niyang may non-showbiz boyfriend na siya. 

Sinabi ng aktres na mas masaya siya at mas gusto niyang panatilihing pribado ang kanyang bagong relasyon.


Maayos umano ang paghihiwalay nila ni Marco, pagbibigay-diin niya. Wala naman daw silang naging problema dahil nanatili pa rin silang magkasundo.


Sa isang panayam, ibinulgar niyang nakatagpo na siya ng panibagong kaligayahan sa piling ng isang non-showbiz personality. 


“Nakakatanggal din ng blemish ‘yan and wrinkles. Yes, I am happy now,” she said, adding that she prefers to keep her current relationship na mas private.

Sa paghihiwalay daw nila ni Marco, mas gusto nilang hindi magbahagi ng masyadong detalye. 


“Sa amin na lang ‘yun, respect na namin sa isa’t isa. But we are super okay,” esplika ng aktres.


Ibinahagi rin ng aktres na ang pagpili na maging mas pribado ang kanyang buhay-pag-ibig ay nagpakalma sa kanyang pakiramdam.


Nang tanungin kung tuluyan na ba niyang iiwasan ang pakikipag-date sa kapwa-celebrity, ani Cristine, “Hindi kailanman maaaring planuhin ang pag-iibigan.” 


Sa buong career ng aktres, pawang male celebrities ang kanyang mga naging karelasyon tulad nina Derek Ramsay, Rayver Cruz, at ang past marriage niya kay Ali Khatibi, kung saan mayroon siyang anak na babae. Ang huli nga ay si Marco Gumabao noong 2023.



Parehong ayaw magsalita… COCO AT MANAGER, HIWALAY NA DAHIL DAW SA PERA



Usap-usapan sa showbiz circle na naghiwalay na ng landas si Coco Martin at ang longtime talent manager niyang si Biboy Arboleda. 


Sinasabing pera ang posibleng dahilan. 


Hindi na umano naka-follow si Coco sa account ng manager, kaya sigurado raw na may katotohanan ang isyu sa pagitan nila. 


Marami ang nalulungkot na mga kaibigan nila kung totoo nga ang sitsit na ito. Ang haba na rin kasi ng pinagsamahan nina Coco at Biboy.


Anyway, wala pa namang kumpirmasyon kung totoo nga ito, dahil parehong hindi pa nagbibigay ng pahayag ang dalawang kampo hinggil sa kumakalat na isyu.




Sigaw ng madlang pipol, ‘wag ibahin ang usapan… ATONG AT GRETCHEN, BANTAY-SARADO SA IMMIGRATION, PANTAKIP LANG SA FLOOD CONTROL PROJECTS



MAY kani-kanyang opinyon na naman ang mga netizens kaugnay ng inilabas na Immigration Lookout Bulletin Order laban kina Atong Ang at Gretchen Barretto, ang inaakusahang mastermind at kasabwat umano sa pagdukot, pagkawala at pagpatay sa  mahigit 100 sabungeros na itinapon sa Taal Lake.


Pareho namang nag-deny sina Ang at Barretto sa alegasyon laban sa kanila ng whistleblower.


Komento ng mga netizens:


“Hold them accountable to make people trust the justice system. Democracy without the rule of law is anarchy!”


Sigaw naman ng isang commenter, “Unahin n’yo ‘yung BILYONG pera na ninakaw sa kaban ng bayan! Panagutin sila kaysa mga sugarol na ‘yan.”


“‘Pag mahirap ang nagkasala, kulong agad, pero ‘pag mayaman, dami pang proseso.”

“‘Yung mga contractor at buwayang officials ang bantayan, baka tatakas na sila sa flood control issues…”


“Ano ba ‘yan! Dati WPS impeachment. Sabungeros, flood control. Baka susunod trillia in Manila Part 2. Wala nang nalutas. Bwisettt!”


“Si Remulla ang dapat ikulong, kung anu-ano lang sinasabi… gusto lang pumapel. Kumusta na anak mo, Remulla?”


“Pero ‘yung mga nagnakaw ng pondo ng flood control, malaya makaalis.”

“Ano ‘to? Bakit lalabas ‘to ngayon kung kailan may issue sila sa flood control? Cover up?”

“Bakit ‘yung FLOOD CONTROL, nawala na? Naiba na naman ang show?”

“Tapos na ‘yan. ‘Wag n’yo nang ilihis ang issue sa korupsiyon.”


Kinuha rin ng netizen ang atensiyon ng network na nagbalita, “‘Wag muna sumabay. Nasa FLOOD CONTROL NA KAMI, GMA NAMAN.”


Sadyang galit na nga ang mga nagkokomento.


“Billion ang ninakaw ng mga kasama mo, Remulla. Puro nasa Congress HOR QUADCOM. Leche ka! ‘Yan ang ayusin n’yo. Wala sa matinong pag-iisip, kung anu-ano inaatupag n’yo.”

“Dapat nga wala ka d’yan. Isa ka ring tulad nila.”


Ganern? Ano’ng episode na kaya ito ng drama series ng pulitika rito sa Pilipinas?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page