top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 28, 2021




Wagi bilang Miss Grand International 1st runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Samantha Bernardo sa ginanap na grand coronation night sa Bangkok, Thailand kahapon, Sabado.


Si Miss USA Abena Appiah ang kinoronahan bilang Miss Grand International 2020, second runner-up naman si Miss Guatemala, 3rd runner-up si Miss Grand Indonesia, at si Miss Grand Brazil ang fourth runner-up.


Hindi man nasungkit ang pinakamataas na korona, marami pa ring manonood ang humanga sa naging sagot ni Samantha sa Q&A portion kung saan tinanong siya kung kanino niya ibibigay ang huling COVID-19 vaccine, kung sa 15-anyos o sa 70-year-old.


Sagot ni Samantha, “My heart goes to the senior citizen because my mom is turning into senior citizen and I experienced the loss of my dad four years ago and I cannot afford to lose my mom. My heart goes to them because they are the most vulnerable during this time.





“A 15-year old has the stamina to fight the COVID-19 pandemic and with proper exercise and healthy living they can live with it. I know as well that every citizen here will choose and never afford to lose their parents and so I will choose senior citizen.


 
 

ni Lolet Abania | December 7, 2020




Kinoronahan ang pambato ng bansa na si Roberta Angela “Ro-An” Tamondong bilang Miss Eco Teen International 2020. Ito ang kinumpirma sa IG post ngayong Linggo ng Miss Eco Teen International organization, kung saan ginanap ang coronation night sa Pickalbatros Resort sa Egypt.


Gayundin, ipinost ng organisasyon ang photo ni Ro-An suot ang title sash at ang kanyang crown. "Congratulations to the Philippines winner of Miss Eco Teen International 2020 congratulations to the Philippines ???????? @roberta.tamondong congratulations ???? thank you our host @pickalbatros,"" caption post ng Miss Eco Teen International.


Sa finals ng kompetisyon, nanalo rin si Roberta na taga-Quezon City ng Best In National Costume. May taas na 5’9 ang 18-anyos na si Ro-An na estudyante ng San Beda University sa Manila.


Nauna siyang nagwagi sa katulad ding pageants bilang Binibining Quezon City at Mutya ng San Pablo noong 2019. Nakamit din ng teen beauty queen ang Best Eco Dress para sa kanyang eco-friendly at multi-colored Filipiniana na gawa sa mga recycled plastic bags, sako ng bigas at plastic beads.


Bukod dito, first runner-up din si Ro-An sa Beach Wear prime competition at second runner-up sa talent competition.


"In support to the banning of plastic in the country and to support the Philippine government’s Reduce, Reuse and Recycle program, my team and I decided and came up with a multi-colored modern Filipiniana-inspired serpentine dress entirely made of eco-friendly recycled plastic bags and rice sack embellished with plastic beads," caption post naman ni Roberta.


Ang South Africa ang nakakuha ng first-runner up, ang Netherlands bilang second runner-up, ang Egypt ang third runner-up, at Paraguay ang fourth runner-up.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 25, 2020




Sinigurado ng kilalang California-based skin expert na si Olivia Quido-Co, CEO at founder ng O Skin Med Spa, na malaki ang laban ng tinanghal na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo sa nanalong Miss Universe Chile 2020.


Sa katatapos na Miss Universe Chile pageant night nitong Nobyembre 21 (sa Pilipinas) ay nabanggit ni Ms. Olivia — na kinuhang isa sa mga hurado sa pageant — na nahirapan din siyang mamili sa mga naggagandahang dilag.


Aniya sa voice mail na ipinadala sa amin, “Hi Reggee, yes, katatapos lang ng Miss Chile at ang ganda-ganda rin niya. Actually, mahirap pumili sa South America na pageant. Si Rabiya, malakas pa rin si Rabiya natin, iba naman ‘yung beauty niya kasi Sushmita Sen (Indias’ Miss Universe 1994) ang dating niya sa akin, very elegant ang beauty niya sa akin, so we'll see, exciting ‘yan.”


Masayang-masaya rin ang skin expert dahil lahat ng sash na ginamit ng mga kandidata sa Miss Universe Chile ay nakalagay ang logo niyang O Skin Med Spa bilang isa sa mga offers sa kanya para tanggapin ang imbitasyong maging international judge, bukod pa sa mga ipinadalang gown na susuotin niya dahil hindi naman siya nakapunta sa bansa dahil sa Covid-19 pandemic.


Kung dati-rati ay pawang mga artista ang dumarayo sa skin clinic medical spa ni Ms. Olivia ay pawang beauty queens na ngayon lalo’t naka-tie-up siya sa Miss USA para alagaan lahat ng kalahok kasama na ang Miss Teen USA.


Tandang-tanda ni Ms. O, ang unang pumasok sa clinic niya ay si Venus Raj, Binibining Pilipinas Miss Universe 2010, at sumunod si Shamcey Supsup na ngayo’y Mrs. Shamcey Supsup-Lee na.


Nakakatawa raw ang experience ni Ms. O kay Shamcey noong galing ang beauty queen sa Sao Paulo, Brazil kung saan siya ang naging representante ng Pilipinas sa 60th Miss Universe pageant at tinanghal bilang 3rd runner-up.


Bago raw umuwi ng 'Pinas si Shamcey ay dumaan muna sa clinic niya.


“Hindi ko malilimutan ‘yung experience na ‘yun kasi funny. Papunta pa lang si Shamcey sa spa ko pero lahat ng photographers at media ay naghihintay na sa spa kasi gusto siyang kunan.


“First time nangyari na habang pine-facial siya, may nagsasabon ng buhok niya kasi limited lang ‘yung time niya, so lahat ng mga taong nasa beauty industry, gusto siyang mahawakan,” masayang sabi nito sa ginanap na virtual mediacon kamakailan.


Sa tanong kung ano'ng satisfaction ang nakukuha ni Ms. O sa mga taong pinagaganda niya, “I feel good 'pag ang client comes in na super-daming pimples, teen-ager siya, usually 'pag ganu’n ang cases, 17 years old, usually nakayuko ang mga batang pumapasok sa spa because wala silang self-esteem and once we help them na mag-clear ‘yung skin, matuyo ‘yung tighiyawat, pabalatin, tanggalin lahat ng marka, as if walang nangyari sa kanila, walang bakas ng kahapon kumbaga, 'pag pumapasok ‘yung mga bata, ‘yung self-esteem nila, naka-chin-up na sila.


"‘Yun lang, super rewarding na ‘yun sa akin kasi in my own little way, I was able to help them. 'Pag maganda ang self-esteem ng mga bata, nagpe-perform better, nagiging positive ang outlook nila sa buhay. So, I think 'yun ang very rewarding sa akin when I help someone."


Naikuwento rin ni Ms. O na sa 2021 ay magre-rebranding siya sa mga produkto niya dahil plano na niya itong ilagay sa mga supermarket o tinatawag na modern trade.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page