top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 11, 2021



Kapag pala si Kris Aquino nga ang pumalit kay Willie Revillame sa pagho-host ng Wowowin: Tutok to Win habang hindi puwede si Wil sakaling matuloy sa pagtakbong senador sa 2022 elections, ang mom ni Kris na si former President Cory Aquino (SLN) ang matutuwa.


Sabi kasi ni Kris sa grupo ng isa niyang fan, kapag natuloy ang guesting niya sa Wowowin (na natuloy na nga), “It’s for my mom who I know would be so happy (because that’s actually where it all started for me & she was always so grateful sa network for the opportunities they gave me).”


Ang GMA-7 ang tinukoy ni Kris na network kung saan siya nagsimula at nagbigay sa kanya ng opportunity to start a TV career. Matutuwa ang mom ni Kris kung babalik siya sa Kapuso Network.


Speaking of Kris, si Corrine Abalos ng Mandaluyong at anak ni MMDA Chair Benhur Abalos ang bet niya sa Miss Universe Philippines. Ipinost niya sa Instagram ang photo nito at sabi ni Kris, sakaling si Corrine ang manalo, hindi tayo mapapahiya sa ibang bansa.


Worthy candidate raw si Corrine na nag-aral sa Poveda at nag-graduate sa DLSU ng AB International Studies Major in European Studies.


Pakiusap ni Kris, give Corrine a chance and support her. Ang pretty niya, parang si Miriam Quiambao.


Maiintindihan naman siguro ni Kisses Delavin na mula sa mundo ng showbiz kung hindi man siya ang bet ni Kris.

 
 

SA BUONG MUNDO.


ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 09, 2021



Official nang kasama sa list ng exclusive rank ng mga billionaires si Rihanna (born Robyn Fenty) na nagpasikat ng Umbrella at Diamonds, ayon sa Forbes, na may estimated net worth na $1.7 billion.


Tinalbugan niya ang iba pang mga female singers dahil siya na ang ‘wealthiest female musician in the world’ at pumangalawa na kay Oprah Winfrey (with net worth na $2.7 billion) as the richest female entertainer.


Dahil ito sa ini-launch niyang cosmetics company na Fenty Beauty noong 2017 na nagbigay sa kanya ng estimated $1.4 billion na 50% ang kanyang pag-aari.


Ang estimated $270 million ay mula naman sa kinita niya bilang chart-topping musician and actress at mayroon din siyang 101 million followers on Instagram and 102.5 million on Twitter.


Noong 2018, sa first full calendar year ng beauty line ay kumita agad ito ng higit sa $550 million, ayon sa LVMH (ang French luxury goods conglomerate na pinatatakbo ni Bernard Arnault, na second-richest person sa mundo). Tinalo ng Fenty Beauty ang iba pang celebrity-founded brands nina Kylie Jenner’s Kylie Cosmetics, Kim Kardashian West’s KKW Beauty and Jessica Alba’s Honest Co.


Second naman sa Barbados-born singer/actress si Madonna sa list ng richest female musician in the world na may estimated net worth na $850 million.


Pasok din sa list ng Forbes sina Dolly Parton ($610M), Gloria Estefan ($500M), Celine Dion ($410M), Shania Twain ($450M), Victoria Beckham ($430M), Beyonce Knowles ($418M), Barbra Streisand ($407M) at Jennifer Lopez ($400M).

 
 

NAGSALITA NA


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 30, 2021



Hindi naiwasang maging emosyonal ni Miss World 2021 candidate Joy Barcoma habang nililinaw niya ang kontrobersiyang kinasasangkutan sa ginanap na virtual mediacon last Wednesday.


Napagbintangan si Joy ng ibang kandidata na siya ang source ng pagkalat ng drug issue among the candidates. At first ay wala siyang kamalay-malay na may akusasyon na pala sa kanya at napansin lang niya na iniiwasan siya ng mga kapwa kandidata.


Hanggang sa nagsimula na siyang magtanong kung bakit ganu’n at inamin daw ng isang kandidata sa kanya na siya ang itinurong source ng mga tsismis.


“Inamin niya po na sabi niya she was able to hear a rumor daw that I am the source of a tsismis that includes her and other 2 more candidates from Miss World and they felt so bad about it,” kuwento ni Joy.


“Ako ‘yung napasama kasi akala niya, ako ‘yung nagpapakalat,” aniya.


Bago niya naklaro ang name niya ay ilang araw siyang parang pinagkakaisahan ng mga kandidata na iniiwasan siya at wala siyang kasama sa kuwarto.


Ano ba ‘yung exact tsismis na ibinibintang sa kanya na siya ang nagkalat?


“The exact tsismis was there are several candidates that are doing drugs, tapos ako raw ang nagsabi nu’n. Sabi ko, ‘Oh, my God!’ sobrang bigat na allegations ‘yun for me,” aniya.


Dahil alam niyang wala siyang kasalanan ay dinala ni Joy ang bagay na ito sa team ng organizers pageant at isang kandidata ang umamin na gawa-gawa lang niya ang tsismis na ito.


Sa ngayon ay nagde-demand si Joy ng public apology mula sa kandidata na nag-imbento ng tsismis sa kanya.


“I deserve an apology. I deserve a reason kung bakit ako ang napiling gawan ng kuwento. After all the mental anguish, after all that I’ve been through, ilang araw ka iniiwasan ng mga tao, 'di ko na nga po hinihingi na matanggal siya sa competition, eh, I just want her to own up to her mistake,” pahayag ng 21-anyos na kandidata.


Hanggang ngayon ay naghihintay pa raw sila ng desisyon ng organizers.


Si Joy ay isang Broadcast Communication graduate mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) at sa kasalukuyan ay executive assistant siya ni Rep. Nina Taduran. Mental health ang kanyang advocate sa Miss World.


Matatandaang naurong ang coronation night ng Miss World Philippines sa Okada Manila. From July 25 na original schedule ay naging August 8 na ito dahil sa heightened GCQ restrictions na ipinatutupad ng IATF.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page