top of page
Search

ni Lolet Abania | April 27, 2022



Tatlong kandidata ang iniulat na umatras mula sa Binibining Pilipinas competition ngayong taon.


Sa isang statement na na-upload sa social media ngayong Miyerkules, ayon sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), “it has officially accepted the withdrawal of Gwendoline Meliz Soriano, Ma. Francesca Taruc, and Iman Franchesca Cristal” mula sa pageant.


“We thank them for their time and wish them well in their future plans. Given this development, we are happy to welcome the new addition to our latest batch of Binibinis: Patricia Ann Tan, Ma. Isabele David and Joanna Marie Rabe,” dagdag ng BPCI.


Matatandaang inanunsiyo ng BPCI, ang kanilang Top 40 candidates para sa Bb. Pilipinas pageant noong Biyernes.


Ayon pa sa BPCI, ang mga magwawagi sa 2022 Bb. Pilipinas competition ay magre-represent sa bansa sa Miss International, Miss Globe, Miss Intercontinental, at Miss Grand International, at sa iba pang pageants.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 25, 2022



Kung noon ay marami ang humuhusga kay Herlene Nicole Budol kapag sumasagot sa mga interbyu dahil wala raw sustansiya ang mga sinasabi at paliguy-ligoy, ngayon ay marami ang bilib na bilib sa dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na unang nakilala bilang si Hipon Girl.


Malaki raw ang ipinagbago ni Hipon Girl nang sumabak na sa Bb. Pilipinas beauty pageant.


May bagong interbyu si Herlene para sa kanyang pageant journey at marami ang nakapanood ng video lalo na sa Tiktok.


Gamit ni Herlene ang second name niyang Nicole sa beauty pageant. Kaya tanong sa kanya, why Nicole at hindi Herlene ang ginamit niyang name sa pagsali sa Bb. Pilipinas?


Tuwirang sagot ng aspiring beauty queen, "Konti lang po ‘yung tumatawag sa 'kin sa Nicole. Usually po talaga, Herlene, Budol, tapos Hipon po. Ngayon po, parang si Nicole po ang lalaban."


Napabilib ni Herlene ang mga netizens. Na-appreciate ng mga ito kung paano na-handle ni Herlene ang mga tanong sa kanya.


Maging ang mga kumakalat na stunning photos ni Herlene ay hinahangaan ng mga netizens. Talagang malaki raw ang impluwensiya at transformation sa kanya ng beauty contest.


Heto ang ilang komento na aming nakalap…


"She speaks so gentle na. ‘Yung po at opo talaga, ‘di nawala sa kanya."


"Naa-amaze ako sa ganda niya ngayon."


"Looking great! Our prayers for your success."


"We're rooting for you."


"Go, Herlene! Good luck beautiful."







 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 24, 2022



Marami ang natuwa nang pumasok sa Top 40 ng Bb. Pilipinas beauty pageant si Herlene Nicole Budol a.k.a. Hipon Girl. At least, ngayon ay hindi na siya mabu-bully at pagtatawanan ng mga humahamak sa kanyang pagkatao.


Hindi na masasabing babaeng hipon si Herlene. Lumutang na ang kanyang ganda sa tulong at pagmamalasakit ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.


Hindi siya kayang sapawan ng mga kapwa niya kandidata sa Bb. Pilipinas beauty pageant. Naging asset ni Herlene ang kanyang height at natural na karisma. Malakas ang loob ni Herlene at may kumpiyansa sa sarili. Hindi niya ikinahihiya na mahina siya sa English. Tagalog ang kanyang gagamitin sa Q & A portion ng pageant.


Tiyak namin na tuwang-tuwa at super proud ang Wowowin host na si Willie Revillame sa pagkakapasok ni Herlene Budol sa Top 40 ng Bb. Pilipinas beauty pageant. Alam niyang kakayanin ng dati niyang co-host ang lahat.


Ayon naman sa ilang malapit kay Herlene Budol, hindi siya gaanong nag-e-expect sa magiging kapalaran niya sa Bb. Pilipinas. Basta ibibigay niya ang lahat at gagawin ang mga natutunan niya sa training.


Pero, marami ang nagsasabing posibleng makasama si Hipon Girl sa Top 12 dahil malakas ang kanyang dating sa mga tao.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page