top of page
Search

ni Ambet Nabus - @Let's see | December 3, 2022



O, 'di ba, ang taray ni MJ Lastimosa nang resbakan nito ang ilang netizens questioning her looks na anila'y produkto ng science?


Ayon sa beauty queen na popular sa mga beauty pageant blogs and vlogs, sorry na lang daw ang mga bashers dahil "can afford" siya para sa mga beauty enhancements and the likes.


Totoo naman 'yun, 'di ba, Ateng Janiz? Kung afford mo namang gastusan ang pagpapaganda pa lalo, eh, bakit hindi mo gawin lalo't ito ang isa sa mga pinagkakakitaan mo?


Kaya nga hindi na rin namin kukuwestiyunin 'yung ibang female celebrities around na suking-suki diumano sa mga bansang Thailand, Singapore at Korea na kilalang mga bansa pagdating sa beauty enhancements, including 'yung mga nagpapasikip ng mga "flowers" nila, hahahaha!

Oh I see....


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 6, 2022



Nagkaroon ng ilang aberya ang Uganda trip ng ating pambato sa nalalapit na Miss Planet International 2022 title na si Herlene "Hipon Girl" Budol na gaganapin sa darating na November 19, 2022 sa Kampala, Uganda.


Kahapon (November 5), nagbahagi si Hipon Girl sa kanyang Instagram account ng ilang naganap na kapalpakan para ipaalam sa lahat ang kanyang pagkadismaya sa late na pagdating ng ilang bagahe niya sa Entebbe International Airport.


Paliwanag ni Herlene, bago pa ang kanilang boarding, sinabihan na sila ng airline staff tungkol sa kanilang mga 'overweight' na baggage.


Ani Hipon Girl, "Pagdating ng airport, ayaw ipakarga (ang bagahe), kesyo oversized daw.


Then no choice na rin kami at hinayaan na lang naming chinop-chop nila at binaklas buong box.



"Ang masaklap, 'yung pinaka-body ng (national) costume, hindi nakarating ng UGANDA."


Tuloy, stranded sila sa Uganda Airport, waiting for the rest of the baggage to arrive.


"Buong araw na kami sa airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi. Pero 2:30 AM na at wala na silang paramdam," reklamo niya.


Herlene tagged the airlines under her post saying, "Please help me!!"


Sa isa pang Instagram post, makikita naman ang picture ni Herlene at ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na masaya dahil ang seats nila sa airplane pa-Entebbe, Uganda ay upgraded pagdating nila sa Addis Ababa, Ethiopia — their next stop after Manila.


Habang isinusulat namin ito, wala pang update mula kay Herlene. Pero dasal ng mga netizens, sana ay nakuha na rin nila nang buo ang kanilang luggage or else, alam naman nating "fighter" ang manager ni Herlene na si Wilbert.


But despite sa na-encounter nilang aberya, dalangin naman ng mga Pinoy na maiuwi nito ang korona sa beauty pageant na gagawin sa Nobyembre 19 sa Uganda.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | November 5, 2022



Lumipad na pa-Uganda si Herlene Budol para sumali sa Miss Planet International 2022 at sa kanyang pag-alis, ipinakita ang mga dala at kung ilang maleta ang kanyang bitbit.


“Hindi biro ang pagsabak ng isang pageant. 'Yung preparasyon na dapat, kumpleto (ang) susuotin pang-araw-araw. Limang maleta at isang box na National Costume. Grabe, bigla kong naramdaman ang pressure. Otsentang delegates ang makakalaban ko sa patimpalak ng @missplanetinternational. Cheer n'yo ako, mga Ka-Squammy, Ka-Hiponatics at Ka-Budol ko d'yan. 'Yung pagmamahal, suporta at pagdarasal ay malaking bagay sa aking panibagong journey,” post ni Herlene.


Ipinost din niya ang mga damit, gamit, sapatos at lahat ng dala niya. Makikitang nakalagay sa plastic ang bawat item para isang dampot na lang niya. May katulong din siya sa pagpa-pack sa dami ng dala.


Bago umalis, dinalaw muna ni Herlene ang puntod ng lola niya para humingi ng guidance para sa bago niyang journey. Pati hindi supporters ni Herlene, natuwa sa gesture nito at kasama na sila sa mga magdarasal para siya manalo.


Dahil sa sasalihang beauty contest, tigil muna ang taping ni Herlene sa launching series niya sa GMA-7 na Magandang Dilag. Ang alam nga namin, magsisimula uli ang taping pagbalik niya dahil hindi raw nagustuhan ng mga bossing ng network ang ilang eksenang nakunan na, partikular ang prosthetics ni Herlene.


Kung bakit may prosthetics sa series si Herlene, malalaman natin kapag umere na ang Magandang Dilag kung saan leading men niya sina Benjamin Alves at Rob Gomez.


Kasama rin sa series sina Sandy Andolong at Christopher de Leon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page