top of page
Search

News @Balitang Probinsiya | August 12, 2024



AKLAN -- Inaresto ng mga otoridad ang magkasintahang drug pusher sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Libacao sa lalawigang ito.


Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Totot” at “Joy,” kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na lugar. 


Nakakumpiska ang mga otoridad ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magkasintahang drug pusher.



MANGINGISDA, KINATAY NG KATOMA


MASBATE -- Isang mangingisda ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Brgy. Dalepi, Cawayan sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakilala sa pangalang “Lito,” 27, samantalang ang suspek ay si alyas “Romy,” 34, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Agad namang naaresto ng mga nagrespondeng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong murder.



HVT SA DROGA, TIKLO SA RELOCATION SITE


ALBAY -- Isang HVT na notoryus na drug pusher ang dinakip ng mga otoridad sa buy-bust operation kamakalawa sa relocation site, Legazpi City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya sa alyas na “Tulak,” nasa hustong gulang at residente ng nasabing lungsod.


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya naaresto sa buy-bust operation.


Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



MULTICAB NABANGGA NG TRAK, 7 SUGATAN


MAGUINDANAO DEL NORTE – Pito katao ang sugatan nang mabangga ng isang trak ang kinalululanan nilang multicab kamakalawa sa Brgy. Capiton, Datu Odin Sinsuat sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga biktima habang hindi pa naipapabatid sa kanilang mga pamilya ang naganap na aksidente.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ng hindi pinangalanang driver kaya nabangga ang multicab na kinalululanan ng mga biktima.


Napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima, kabilang ang driver ng multicab.


Nahaharap ngayon ang driver ng trak sa kasong reckless imprudence resulting to multilple physical injury and damage to property.

 
 
  • BULGAR
  • Aug 5, 2024

News @Balitang Probinsiya | August 5, 2024


CAMARINES SUR -- Isa na namang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa  Brgy. Tagpocol, San Fernando sa lalawigang ito.


Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng komunistang napatay na NPA member na nag-o-operate sa nasabing lalawigan.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa mga otoridad na may mga gumagalang NPA sa naturang barangay kaya agad rumesponde ang tropa ng pamahalaan at pagsapit sa lugar ay agad pinagbabaril ng mga komunista ang mga operatiba.


Dahil dito, agad gumanti ng putok ang tropa ng pamahalaan kaya tinamaan at napatay ang isang miyembro ng NPA.


Tinutugis na ng mga otoridad ang iba pang NPA na nakatakas sa engkuwentro sa nasabing na barangay.



Mag-amang wanted, arestado


CAPIZ -- Dinakip ng pulisya ang mag-amang most wanted criminal kamakalawa sa Brgy. Daplas, Dao sa lalawigang ito.


Ang mag-amang suspek ay kinilala ng pulisya na sina Benjamin, 67 at Benjur Cuaga, 33, kapwa residente ng nabanggit na lalawigan.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong murder.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng mag-ama kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang mga suspek.


Hindi naman nanlaban sa pulisya ang mag-amang suspek na kapwa nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya. 



Beautician, timbog sa drug-bust


AKLAN -- Isang beautician na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Balabag, Boracay Island, Malay sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya sa alyas na “Acquilles,”nasa hustong gulang, at nakatira sa Iloilo.


Ayon sa ulat, naaresto ang suspek nang pagbentahan nito ng shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng siyam na pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Bebot na kawatan, tiklo


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang babaeng magnanakaw ang dinakip ng mga otoridad kamakalawa sa Bacolod Silay Airport, Bacolod City sa lalawigang ito.


Nakilala ang suspek sa alyas na “Kristina,” nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.


Napag-alaman na inaresto ng pulisya ang suspek sa kinasasangkutan nitong kasong theft sa Bacolod City.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na pauwi si “Kristina” sa Bacolod City lulan ng isang passenger airplane, kaya pagbaba nito sa eroplano ay dinakip na ito sa airport.


Nabatid na nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



 
 

News @Balitang Probinsiya | August 3, 2024


PUERTO PRINCESA CITY -- Apat na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa isang drug den sa Brgy. San Pedro, sa lungsod na ito.


Kinilala ang mga suspek na sina Roger Flores, Cris Dayap, Babyfin Constantino at Charlene Bailo, pawang nasa hustong gulang at mga nakatira sa naturang barangay. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga pusher.


Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng limang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



3 katao, sugatan sa semplang


PALAWAN -- Tatlong katao ang sugatan nang sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Maasin, Quezon sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang tatlong biktima hangga’t hindi pa naipapabatid sa kanilang pamilya ang naganap na aksidente.


Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang rider sa pagmamaneho ng motorsiklo habang sakay ang dalawang backrider kaya sumemplang sila sa nabanggit na barangay.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at sa kasalukuyang inoobserbahan pa.



Kelot, tinodas ng riding-in-tandem


LAGUNA -- Isang 39-anyos na lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Brgy. Looc, Calamba City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Kenneth Villadores, residente ng nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, naglalakad si Villadores nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na sakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin. 


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek. 



Purok president, kritikal sa sunog


BACOLOD CITY -- Isang lalaking purok president ang nasa kritikal na kondisyon sa naganap na sunog kamakalawa sa Purok Kingfisher, Brgy. 16 sa lungsod na ito.


Ang biktima ay kinilala lang sa pangalang Alejandro Piad, nasa hustong gulang at purok president sa nasabing lugar.


Ayon sa ulat, nag-umpisa ang sunog sa inuupahang bahay ng isang Gerald Arroyo, nasa hustong gulang at nadamay ang 14 pang kabahayan, kabilang ang tahanan ni Piad.


Napag-alaman na nagtamo si Piad ng 3rd degree burns sa katawan at ginagamot na sa ospital.


Makalipas ang ilang oras ay naapula rin ng mga bumbero ang apoy sa lugar.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page