top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 28, 2026



Horoscope



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 28, 2026 (Linggo): Walang tigil ang pagdating ng mga suwerte. Sa unang tingin ay maganda ito, ngunit ito rin ang sanhi ng iyong pabugsu-bugsong katamaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dumating na ang mga araw na puwede kang magliwaliw. Kaya kahit may ilang mabibigat na problema, ipinapayo pa rin na magsaya ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-10-15-27-34-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdaratingan sa buhay mo ang maliliit na suwerte na tulad ng mga buto ng punongkahoy na kapag itinanim sa lupa ay lalago at lalaki nang lalaki. Huwag mong sayangin ang magagandang pagkakataong dumarating sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-22-28-33-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagkakagustuhan ang magkarelasyon sa pamamagitan ng biruan, harutan, at masasayang kuwentuhan. Ito ang mangyayari sa iyo sa ngayon. Ang biro-biruan at tuksuhan ay mauuwi sa romansahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-19-25-38-43.


CANCER (June 21-July 22) - Bumababa ang ulap upang magbigay ng lilim sa mga napapagod na. Ikaw ang ulap sa ngayon na may dalang ginhawa sa mga tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-20-26-39-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang mga tao kahit hindi mo sila kakilala. Magugulat ka, dahil kakaibang saya ang iyong madarama. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-23-29-31-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag may pumasok sa buhay mo, ayaw na niyang lumabas. Papasok sa buhay mo ang isang nilalang at siya ay mabibihag mo. Ang dala niya sa iyong kapalaran ay malalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-21-27-37-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dagdagan mo pa ang iyong pagsisikap. Hindi ka manghihinayang; sa halip, labis kang sasaya dahil malalaking regalo ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-12-33-38-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Aangat bigla ang buhay mo dahil didikit sa iyo ang mga taong maunlad na ang kalagayan sa lipunan. Magkagayunman, ang payo ay manatili kang mapagpakumbaba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-20-24-34-45.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Mag-uumapaw ang saya ng mga taong malalapit sa iyo dahil makikita nila ang magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-16-28-32-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magtanim ka para may anihin ka. Kapag gumawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa, aani ka ng pasasalamat. Matapos kang pasalamatan ng mga taong ginawan mo ng kabutihan, mismong langit ang matutuwa sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-12-15-18-22-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit hindi mo gaanong gusto, makipagkaibigan ka sa taong nakipagkilala sa iyo. Ang pagmamahalan, sa totoo lang ay maaari ding magsimula kahit wala munang nararamdamang espesyal ang dalawang tao para sa isa't isa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-17-23-39-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon, bigyan mo naman ng saya ang iyong sarili dahil, aminin mo man o hindi, nakakapagod din ang laging magpasaya sa ibang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-24-35-38-42.


 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 27, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta



Dear Chief Acosta,


Napansin ko na paiba-iba ang patakaran ng mga nagbebenta at bumibili ng lupa pagdating sa pagsagot sa mga gastusin hinggil sa nasabing bentahan. Minsan ay ang nagbebenta ang sumasagot, at minsan naman ay ang bumibili. Sino po ba talaga ang may pananagutan sa mga gastusin kapag may bentahan ng lupa? — Henry



Dear Henry,


Sang-ayon sa Artikulo 1458 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas, ang isang contract of sale o bentahan ay isang kasunduan kung saan isinasalin ng isang partido ang pagmamay-ari ng isang bagay sa kabilang partido, kapalit ng pera na katumbas ng presyo nito. Ngunit bukod sa halaga ng nasabing bagay, hindi maiiwasan na gumastos para sa mga bagay na kinakailangan upang maisakatuparan ang nasabing bentahan, ilan na rito ay ang buwis gaya ng capital gains tax, documentary stamp tax, professional fees, at notarial fees na siyang kabayaran sa abogado na nagsaayos ng nasabing kasunduan, bayad sa pag-iimprenta at iba pang mga sari-saring gastos ukol dito. 


Sang-ayon sa batas, ang capital gains tax ay isang buwis na ipinapataw sa mga ipinalalagay ng batas na kinita ng nagbebenta mula sa pagbenta o iba pang disposisyon ng mga capital asset na matatagpuan sa Pilipinas, kabilang ang pacto de retro sale at iba pang anyo ng conditional sale. Samakatuwid, ang pananagutan sa pagdedeklara at pagbabayad ng capital gains tax ay nakaatang sa nagbebenta (seller). 


Hinggil naman sa iba pang mga gastusin sa pagbebenta na mga nabanggit sa itaas, ito ang sinasaad sa Artikulo 1487 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas: 


“ARTICLE 1487. The expenses for the execution and registration of the sale shall be borne by the vendor, unless there is a stipulation to the contrary.”


Maliwanag sa nabanggit na maging ang iba pang mga gastusin sa bentahan ay tinatakda ng batas na sagot din ng nagbebenta nito. Ngunit sinabi rin na ang pananagutang ito ay maaaring maiba o maipasa sa bumibili kung kanila itong mapagkakasunduan. Kayat kung walang napagkayarian o napag-usapan kung sino ang dapat sumagot sa mga gastusin kaugnay sa isang kasunduan ng pagbebenta ng lupa, ang sasagot nito ay ang nagbebenta sang-ayon sa batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 27, 2026



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 27, 2026 (Sabado): Lakasan mo ang iyong loob para makuha mo anumang naisin mo. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo anumang gusto mong gawin dahil hawak mo mismo ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-24-28-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isip ang iyong paganahin, at huwag ang damdamin. Tutukan mo ang pagpapalago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-26-35-37-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Gusto ng langit na malagpasan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-16-25-32-42.


CANCER (June 21-July 22) - Ang pag-init ng ulo mo ngayon ang magsisilbing hudyat para lalo kang magpursigi. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-21-22-27-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga namimintas. Nais lang nilang makabahagi sa mga suwerteng taglay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-19-23-38-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Samantalahin mo ang araw na ito para simulan ang mga plano mo sa pagpapaunlad ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-7-14-22-26-31-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilalapit ka ng langit sa iyong pamilya na siyang kailangan mo upang matupad ang iyong malaking ambisyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-20-27-35-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag laging igiit ang gusto mo. At simulan mo ngayon ang pag-alala sa mga taong nagmamalasakit sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-21-24-37-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Manindigan at magdesisyon agad. Alalahanin mo, hindi mahalaga ang sasabihin ng ibang tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-22-25-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isantabi mo muna ang pagiging mahiyain, at kumilos ka ng may kumpiyansa para sa magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-16-26-28-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mismong langit na ang kikilos ngayon upang masolusyunan ang mga kinakaharap mong problema. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-17-23-29-32-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang matakot sa mga pagsubok dahil ang mahihirap na hamon ang magdadala sa iyo sa tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-15-24-31-36-38.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page