top of page
Anjo Yllana vs TVJ - Ogie Diaz Inteview - YT.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 26, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 26, 2026 (Martes): Magdaratingan na ang mga suwerte mo, pero may suwerte ka rin na dahan-dahang guguhit sa iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang pampasuwerte mo sa ngayon. Kahit hindi mo dalhin sa iyong pupuntahan, sapat nang masalat lamang ito ng iyong kamay bago ka umalis ng iyong bahay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-18-29-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakagulat at mahirap paniwalaan, pero ang iyong pampabuwenas ay ang ngiti ng iyong kapitbahay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-15-21-25-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi tao at hindi rin bagay ang iyong pampasuwerte, alam mo kung ano? Bilis na pag-aksyon ang daan upang hindi ka na mag-isip nang sobrang tagal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-23-31-37-43.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag nilambing ka ng iyong karelasyon, ang mga suwerte ay darating sa iyong harapan at maging ang panalo ay iyo ring matitikman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-27-32-35-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pasayahin mo ang hindi mo kilala. Hindi mahalaga kung maliit lang na saya ang maibibigay mo. Magugulat ka at hindi makapaniwala na ang magagandang kapalaran ay darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-20-34-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang paraan para suwertehin. Ito ay nagsasabing huwag kang darating sa eksakto sa oras. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-19-24-33-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magkunwari kang ayaw mo sa bagay na gusto mo, dahil ito ang sikreto para mapasaiyo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-22-28-36-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipakita mong matapang ka, hindi sa pamamagitan ng away kundi sa pagharap mo sa mga hamon ng iyong kapalaran. Gawin mo ito upang ang malalaking pangarap mo ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-21-27-34-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag matigas ang paninindigan mo, hahangaan ka at ang langit ay sasaludo sa iyo. Tatanggap ka ng malalaking suwerte sa buhay dahil napahanga mo ang langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-25-30-35-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kalimutan mo muna na ikaw ay mahiyain. Sa ganitong paraan, masusumpungan mo ang sarili mo na nasa tabi na mismo ang iyong suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-18-23-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng kuwintas o palawit sa katawan, dahil ito ang magsisilbi mong pampabuwenas. Gawin mo ito kahit pa nag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-4-11-13-26-31-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang paraan para ka suwertehin sa mga araw na ito. Ito ay nagsasabing dalasan mo lang ang pagtingin sa malayo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-18-20-33-45.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 25, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 25, 2026 (Lunes): Kumuha ka ng lakas mula sa mga karanasang nagbigay sa iyo ng mahahalagang aral. Dahil ang bawat karanasan ay instrumento ng langit upang may matutunan ang tao.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa araw na ito, hindi mo mamamalayan na mula sa malayo ay nagmamadaling pumasok sa buhay mo ang mga suwerte. Dala-dala ng mga ito ang katuparan ng malalaki mong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga darating na araw nang may positibong pananaw. Sa ganitong paraan, mababago ang iyong kapalaran at lalo pa itong gaganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-14-18-27-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Kapag kulang, dapat punan, at kapag sobra, dapat bawasan. Kulang ka sa pagkilos at sobra ka naman sa salita. Kaya alamin mo muna kung ano talaga ang kailangan mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-23-26-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo ang nasa isip mo dahil ito mismo ang makakabuti sa buhay mo. Huwag kang magbabago ng desisyon, sapagkat hindi ito makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-19-21-30-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi lahat ay aayon sa kagustuhan mo. Ngunit, ang mga taong sasalungat sa iyo ay isa-isang mawawala sa landas mo. Kaya sa bandang huli, unti-unti na ring matutupad ang mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-13-24-28-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalabas ngayon ang iyong pagiging malikhain. Dahil dito, ikaw mismo ay hahanga sa sarili mo, kaya lalo pang gaganda ang iyong mga gagawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-22-25-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbang-timbangin mo ang mga oportunidad na nasa iyong harapan. Marami sa mga ito ay hindi mo naman kailangan, kaya huwag mo ring panghinayangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-14-26-33-35-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nawawala ang haring araw kahit makapal ang mga ulap. Ganu’n din, hindi mawawala ang iyong sigla kahit ulanin ka pa ng suliranin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-18-21-29-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang maiingay, dahil ang lalagyang walang laman ay talagang maingay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-10-27-30-38-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suntok sa buwan man ang iyong pangarap at tila mahirap matupad, ang payo sa iyo ay makipagsapalaran at lakasan mo ang iyong loob. Dahil kahit tila imposible ang iyong inaabot, mapapasaiyo pa rin ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-20-25-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamasyal ka. Ang pamamasyal ay isa sa mga lihim ng iyong kapalaran upang muling sumigla at magkaroon ng lakas na harapin kahit ang mabibigat na problema. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-28-31-37-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pahalagahan mo ang mga turo ng iyong mga magulang dahil ito ang magiging panlaban mo sa tukso at sa mga taong nais kang ipahamak. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-19-25-34-40.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 24, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 24, 2026 (Linggo): Hindi ka kayang pabagsakin ng mga kaaway mo, dahil habang naghahangad silang mabigo ka, mas lalo pang gaganda ang kapalaran mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gaganda nang gaganda ang takbo ng kapalaran mo kahit pa mag-alinlangan ka. Ang mga pag-aalala mo ay walang basehan, sapagkat nasa isip mo lang naman ang mga ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-22-30-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon na ang magandang pagkakataon upang manariwa ang nanlalamig na relasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-19-25-28-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Magpapatuloy ang suwerte mo. Kaya patuloy ka ring kaiinggitan ng mga taong pinagdaramutan ng kapalaran. Ibahagi mo sa kapwa ang ilan sa mga suwerte mo upang buwenasin ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-15-23-31-38.


CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong sarili, dahil kapag natangay ka ng iyong damdamin, malaki ang mababawas sa iyo. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-12-26-29-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hirap ang loob mo, kailangan mong sundin ang payo na pakitaan mo ng maganda ang mga umaaway sa iyo. Ito ang sikreto ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-16-20-24-30.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Punumpuno ng mga katanungan ang iyong isip kung ano nga kaya ang mangyayari sa iyong kinabukasan, pero punumpuno rin ng sorpresa ang langit upang ikaw ay sumaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-25-27-35-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ibahagi mo sa iba ang mga bagay na hindi mo naman kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-22-28-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mong lumabis ang paggastos mo. Dapat mong isabuhay ang mga salitang, “Ang sobra ay hindi maganda.” Huwag na huwag mo itong kakaligtaan sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-17-20-24-32-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang naihanda para sumaya ang lahat, huwag mo nang dagdagan pa. Hindi naman mahalaga kung marami o kaunti lang. Ang importante ay kasama ka sa pagsasaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-26-30-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na dapat mong itodo ang iyong pagsusumikap. Binuksan na ang pinto ng langit para sa iyo. Ang lahat ng mga pagsusumikap mo ay tutumbasan na ng mas malalaking suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-14-21-25-34-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit hindi mo gaanong maunawaan, kailangan mo munang gawin ang utos ng kapalaran mo na nagsasabing pakitaan mo ng pagmamahal ang mga taong inaapi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-23-29-31-33-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang nasa malayo o nasa malapit. Ang mahalaga, para lalo kang buwenasin ay pasayahin mo ang mga taong nagpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-20-27-35-45.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page