top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | October 23, 2025



LET’S SEE - KATHRYN, KASAMA RAW NAGGO-GROCERY ANG BF NA SI MAYOR MARK_FB Kathryn Bernardo Official & Mayor Mark

Photo: FB Kathryn Bernardo Official & Mayor Mark



Biggest winner ang SB19 sa katatapos lang na Filipino Music Awards kung saan humakot ang grupo ng 6 major awards out of 9 nominations.


Wala ngang dudang ang SB19 ang pinakasikat ngayong grupo sa bansa. Kinikilala silang ‘Kings of P-pop’, kung saan naiuwi nila ang mga karangalang Pop Song of the Year for Dungka!, People’s Choice Artist, People’s Choice Song (also for Dungka!), Tour of the Year and Concert of the Year for Simula at Wakas, at ang most coveted award na Artist of the Year title.  


Ang iba pang mga artists na nominado at nakalaban ng SB19 sa naturang kategorya ay ang BINI, Cup of Joe, BGYO, Ben&Ben, Ely Buendia, Gloc 9, Maki, TJ Monterde, IV of Spades at iba pang icons sa music industry.


Punumpuno ang MOA Arena kung saan ginanap ang event last Oct. 21 at nagsilbi rin itong venue para muling iparinig ang boses ng mga mang-aawit laban sa mga korupsiyon sa bansa.


Mabuhay, mga ka-A’TIN at ka-Mahalima, and the rest of the winners ng kauna-unahang Filipino Music Awards.


Nagsilbing hosts ng seremonya sina Joey Mead King, Michael Sager at Elijah Canlas. 

Binigyan din ng Lifetime Achievement Award si Jose Mari Chan, habang ginawaran ng Tribute Award si Pilita Corrales na tinanggap ng apo nitong si Janine Gutierrez at kapatid, with Jericho Rosales as escort.



NAKATANGGAP naman kami ng mga mensahe sa mga nagpakilalang ‘fans’ daw ni Chloe San Jose, ang GF ni Carlos Yulo.


Hindi namin inaasahan na mayroon pang mga naniniwala kay Chloe o may mga tagapagtanggol siya. Hahaha!


Well, sinabi lang naman ng mga ito na ayaw na nga raw patulan ng idolo nila ang patutsada sa socmed (social media) ng kapatid ni Caloy na nagregalo kamakailan ng brand new car sa nanay nito.


“Hindi lang naman din kasi nalalaman ng mga tao na nagbibigay-tulong din si Caloy sa pamilya n’ya. Hindi na nga nangialam sina Chloe sa napagbentahan ng bahay sa Cavite. Masaya sila at dapat masaya na lang din po kayo,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala sa amin.


O, ‘yan, ha? Balanse at parehas kami sa mga nagsasabing hindi na nga raw nangingialam pa si Chloe San Jose sa mga ganap ni Carlos Yulo sa pamilya niya.

Basta raw masaya na silang magdyowa sa kung anumang mayroon sila at nae-enjoy nila ang mga luho sa buhay.



“WALA kang dapat na ipaliwanag kaninuman,” pagtatanggol ng aktor na si Chuckie Dreyfus sa itinuturing niyang anak-anakan sa showbiz na si Jillian Ward.


Kaugnay nga ito ng mga intrigang nagsasangkot sa batang aktres sa kilalang businessman-politician na si Manong Chavit Singson at sa pinag-uusapang high-end car na binili nito.


Noon pa man ay nabalita na ang pagkakaroon ni Jillian ng hilig sa mga mamahaling sports car kaya’t nang makaipon nang sapat ay bumili ito out of her earnings dahil sa mga sunud-sunod nitong TV and movie projects.


Ang siste nga lang, biglang may mga tsismis na diumano’y siya ang latest ‘chick’ ni Manong Chavit hanggang sa manganak na ang isyu ng kung anu-ano.


Sa naging guesting ni Jillian sa show ni Kuya Boy Abunda, tahasan nitong idinenay ang tsismis at nagsabi pang mayroon siyang resibo ng biniling sports car. 


Dahil dito, nagbigay ng suporta ang mga matagal nang nakatrabaho ni Jillian Ward sa soap, at isa nga rito ang dati ring child star na si Chuckie Dreyfus.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | October 22, 2025



LET’S SEE - KATHRYN, KASAMA RAW NAGGO-GROCERY ANG BF NA SI MAYOR MARK_FB Kathryn Bernardo Official & Mayor Mark

Photo: FB Kathryn Bernardo Official & Mayor Mark


May kani-kanyang opinion ang mga netizens hinggil sa pinag-uusapang mga rebelasyon ni Mommy Inday Barretto laban kay Raymart Santiago.


Sa napakaraming detalye na ibinigay ng 89 years old na ina ng mga Barretto sisters sa showbiz, hahangaan mo rin talaga ang talas ng pag-iisip nito at tikas nitong magsalita.

At her age nga naman, bibihira na sa isang nasa ganu’ng estado ‘yung makakaalala ng mga detalye kahit deka-dekada na ‘yung lumipas. 


Dagdag pa riyan ang conviction nito lalo’t tuluy-tuloy ang daloy ng kanyang kuwento, walang buckle-buckle sa pagsasalita at para ka ngang nakikinig sa hearing sa Senado. Hahaha!


But seriously speaking, ang labanan nga ng magkabilang panig ay ‘yung mga naging imahe nila sa showbiz.


Si Raymart ay very consistent sa imahe niyang hindi basta-basta pumapatol sa intriga o iskandalo though ‘yung naging engkuwentro nila noon sa airport ni Sir Mon Tulfo ang masasabing pinakamatindi na marahil na iskandalo niya.


Ang kanyang katahimikan at pag-refer ng isyu sa kanyang mga abogado ang nagpapatibay ng kanyang ‘silent’ na imahe sa showbiz.


Sa kabilang banda, kabaligtaran ang imahe ng mga Barretto. Isa ang pamilyang ito sa masasabing nagbibigay-sigla sa showbiz kapag iskandalo at intriga ang pinag-uusapan.

But here are the challenges para malaman kung sino sa dalawang panig ang nagsasabi nang totoo.


Una, need patunayan ni Raymart ang naging akusasyon sa kanya ni Mommy Inday na wala kahit anong property under his name kahit pa may conjugal rights siya bilang asawa pa rin ni Claudine (hindi pa sila annulled).


Mismong si Mama Ogie Diaz ay nag-share na mayroon nga siyang source na isang ‘broker’ na umano’y naiipit sa bentahan ng isang property under Claudine’s name. Ayaw daw pirmahan ni Raymart ang bentahan kaya’t posibleng idemanda (o may demanda na?) ng buyer si Claudine. 


Sa pagsegunda ni Mommy Inday, para sa mga anak nina Clau at Raymart ang perang napagbentahan.


Ikalawa, need ding patunayan ni Mommy Inday ang mga medical certificate ng doktor ni Claudine na nagkaroon ng mental anxiety and problem sanhi ng marital issues nito kay Raymart.


At ikatlo, kailangang may solid evidence si Mommy Inday sa mga usaping alleged ‘battering, physical abuse, torture, pag-inject ng kung ano’ng droga,’ na nauuwi umano sa paghingi ng saklolo ni Claudine sa kanya at sa yumao niyang asawa.


And yes, mas higit siyang magiging kapani-paniwala kung mayroong mga lalabas na saksi sa kuwento niyang umaabot sa lansangan o kalye ang mga insidente nina Raymart at Claudine, bukod sa nasaksihan umano ‘yun ng apo niyang si Santino.


Huwag na nating isangkot pa si Jodi Santamaria na na-mention din sa usapin na diumano’y nagpayo kay Raymart na huwag pirmahan ang contract to sell at pagbibigay ni Mommy Inday ng unsolicited advice na mag-ingat ito sa karelasyong aktor.


Parang nanonood nga kami ng Korean series sa mga naging rebelasyon ng isang 89 years old na tunay namang matapang, palaban at mukhang maraming bala na naihanda.



SAMANTALA, mukha namang hindi talaga patitinag si Kathryn Bernardo sa mga panawagan sa kanya na mag-voice-out ng kanyang saloobin sa mga isyu ng lipunan.

Kahit ano pa ngang pangangantiyaw ang gawin ng anti-Kathryn, dedma lang ang dalaga na wala rin kaming balita sa mga ganap niya sa showbiz.


Basta as of this writing, marami pa rin ang nagsasabing masaya ito sa kanyang buhay-pagso-solo sa condo unit niya somewhere in Makati and BGC (Bonifacio Global City) sa Taguig.


Na diumano pa nga ay madalas daw siyang binibisita roon ng nali-link ditong mayor ng Lucena City na si Mark Alcala at ilang mga close friends from in and out of showbiz.

Ang tsismis pa, si Mark daw ang nakakasama nitong mag-grocery sa isang bonggang grocery sa BGC. 


Nakapagtataka lang na wala man lang lumalabas na photo o video nila kung ito nga ay totoo? 


Sa tindi ng radar ng mga netizens, imposibleng nakakalusot ang mga ganito sa kanila, ‘di ba?

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | October 20, 2025



LET’S SEE - EMMA TIGLAO, WAGING MISS GRAND INTERNATIONAL 2025_FB Emma Tiglao

Photo: FB Emma Tiglao



Kung dati ay inaaway ng mga beauty pageant supporters na Pinoy ang kontrobersiyal na franchise owner ng Miss Grand International (MGI) na si Nawat Itsaragrisil (na isa na rin sa mga owners ng Miss Universe franchise), ngayo’y mahal na mahal na raw nila ito.

Paano ba naman kasi, noon pa dapat nanalo ang mga ipinaglalaban nating kalahok pero madalas nga raw ay nagiging ‘cooking show’ ito.


But since nu’ng nakuha ni CJ Opiaza ang MGI crown last year after ma-dethrone si Miss India, nagbago ang lahat. At napatunayan ngang ‘power house’ na ngayon sa MGI ang Philippines with the recent victory of Emma Tiglao, 2025 Miss Grand International winner.


Back-to-back nga ito para sa bansa kaya’t sa record ng MGI since it started in 2013, Philippines na ang number one for having won 2 MGI titles at ilang mga nakakuha ng first to fifth runners-up hanggang sa mga pumasok sa semis.


Sinasabi nga ng maraming netizens na ito na raw ang bagong Miss Universe lalo’t hindi bumababa sa 70 plus countries ang sumasali rito taun-taon.

Congratulations, Emma Tiglao!




Gabay Guro


SA pagdiriwang naman ng ika-18 taon ng Gabay Guro, muli namang magkakaroon ng chance ang ilang mapapalad nating mga teachers na mag-uwi ng papremyo, from cash to brand new car.


Sa halos taun-taon din naming pagiging bahagi ng ‘Teacher’s Fest’ (isa sa mga pillars ng Gabay Guro), maraming beses na rin kaming naantig sa kuwento ng mga gurong lumalahok sa event.


This year ay may temang “Sayawan, Kasiyahan, Kalusugan at Unli-Kantahan” ang event sa pamumuno pa rin ng mahal na mahal nating kumare-friend na si Madam Chaye Cabal-Revilla, bilang chairperson (among her other head titles under the Metro Pacific Investments Corp., including mWell).


Kumpirmadong lalahok ang mga celebrity-volunteers nitong sina Jona, Jed Madela, Poppert Bernadas, Jamie Rivera, Erik Santos at Regine Velasquez-Alcasid, para aliwin ang tinatayang ilang libong mga guro from various schools in the country.


Sina MJ Lastimosa at Dylan Menor ang magsisilbing hosts ng program, na kung ilang taon din naming ginawa sa maraming venues gaya sa SM Mall of Asia (MOA), Ilocos Norte, Butuan, Bohol, Leyte, at kahit abroad - Hong Kong at Japan.


Halos lahat na yata ng showbiz icons ay naging parte na ng Gabay Guro at patuloy pa ring sumusuporta rito gaya nina Pops Fernandez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Dulce, Kyla, Mark Bautista, Christian Bautista, Jaya, Lani Misalucha, Albert Martinez, Julie Anne San Jose, Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, at napakarami pang iba.


Gaganapin ngayong October 25 sa Meralco Theater ang nasabing ‘Teacher’s Fest’.






MEANWHILE, ang mga viral sensation namang Jayheart band at si Aera ay nagpasampol

ng kanilang mga famous cover songs kamakailan. Hosted by yours truly ang nasabing pocket presscon, napuno ng magagandang kantahan ang isang venue sa BF Homes, Parañaque.


Si kapatid na Ogie Diaz ang manager ng Jayheart band na pinamumunuan ng guwapo nitong bokalista na si Jayar Dator Vano. Nagkasama sila ni Aera (kapatid naman ni Chalotte ng pamosong Sweetnotes pair) sa Maldives lalo na noong pandemic time.

Nakakatawa nga kung paano sila nadiskubre ni Mama Ogs. Inakala raw nilang ‘scammer’ ito dahil thru Tiktok lang ito nag-reach out sa kanila.


“Noong umaabot na po kasi ng 17 million ‘yung views ng mga posts namin, biglang may kumontak sa aming Ogie Diaz. S’yempre, medyo hindi namin masyado pinansin dahil usung-uso nga sa socmed (social media) ang mga fake o nagpapanggap. Tapos sinabi po namin na kung totoong siya si Ogie Diaz, dapat n’ya kaming i-shout out sa kanyang vlog para sagutin namin s’ya, and the rest is history nga po,” kuwento ni Jay na pumirma nga ng 5-year contract kay Mama Ogs, bilang kanilang manager.


In 2026, nakatakdang magkaroon ng US at Canada tour ang Jayheart band at si Aera. Ipo-produce ito ng Edren Entertainment LLC (based in the USA) under Sir Edgar Vera Tividad, na ka-partner si Christopher de la Cruz ng Onstage Promotions dito sa Pilipinas.

Hindi na tanong kung magaling at mahusay ang banda at mga bosesan nila. Sobrang given na ‘yun, mga Ka-BULGAR. 


Hello, pag-iintersan ba ng isang Ogie Diaz na i-manage ‘yan kung wala silang ‘K’ sa music and concert industry? 


Kasali pa kami d’yan. Hahaha!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page