top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | May 17, 2025



Photo: Bam Aquino - IG



Maraming netizens naman ang nagsasabing ‘nabudol’ sila ni Bam Aquino, lalo’t napaniwala raw sila sa pinaka-battle cry nito last elections na ito nga ang “ama ng free college education,” o ‘yung “Free Higher Education for All Act, Senate Bill 1304.”


Biglang naglabasan ang mga research works na ginawa ng mga netizens at napabulaanang hindi totoo ang naging campaign slogan ng bagong halal na senador. Isa lang pala siya sa mga author ng nasabing bill na sinimulan sa Senado ni ngayo’y Finance Sec. Ralph Recto bilang main author.


Ang iba pang mga co-authors na naturang bill sa Senado ay sina Sonny Angara, Joel Villanueva, Loren Legarda, JV Ejercito, Cynthia Villar, Migz Zubiri, Dick Gordon, Kiko Pangilinan, Leila de Lima and Win Gatchalian.


May mga record pa ngang noon pang early 2000 ito nasimulan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago hanggang sa mga kongresista mula sa mga party list representatives.


Pero sa Senado nga ay naging main author nito si Sec. Recto na eventually ay in-sponsor ni Bam.

At kahit pa nga naging batas na ito nang pirmahan na ni dating Pres. Duterte in 2017 (R.A. 10931), nagkaroon ng malaking role sina Sen. Ping Lacson at Bong Go rito.


Ayon pa rin sa record, si Ping ang nagpursige na makahanap ng pondo para sa naturang batas mula sa mga natutulog na budget ng ibang agencies. Si Bong Go naman ang naging instrumental para hindi ito ma-veto ni Pangulong Duterte kaya ito pinirmahan at naging batas nga, kahit pa noon pang panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ito naipanukala ng hanay nina Sec. Recto.


Kaya sa mga naglalabasang socmed (social media) items proclaiming Bam Aquino bilang “ama ng free tertiary education sa bansa,” huwag naman daw pong solohin ito ng mga nagpu-push na supporters ni Bam.


Actually, I personally voted for Bam dahil sa pagkapital niya sa naturang advocacy niya. Pero ngayong nalaman natin ang tunay na istorya, isama rin naman sana natin ang iba pang mga lider na nagpakahirap din para sa naturang batas. 


At sana, si ngayo’y Senador Bam Aquino na mismo ang mag-initiate at mag-correct nito.


Talo nu'ng 2022 at 2025 elections…

PACQUIAO, NAUBOS ANG DAAN-DAANG MILYONES, BALIK-BOXING


Balitang matapos na mabigo sa eleksiyon si Manny Pacquiao, umuugong uli ang tsikang babalik daw ito sa boxing.


Nakakalokang balita dahil years ago pa nang magdeklara si Pacman ng kanyang pagre-retire sa professional boxing.


Pero nang dahil nga raw sa magkasunod na pagkatalo nito sa eleksiyon (2022 presidential elections at nitong 2025 senatorial bid) at halos pagkaubos ng daan-daang milyones na naipon nito, ang pagbabalik-boxing daw ang mabilis na mapagkukuhanan nito ng pera.


Mid-40s na si Pacman at ibang-iba na ang kondisyon ng kanyang pisikal at mental na kalagayan.


Marami tuloy ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa kanyang mga naipundar, mga negosyo at mga kaanak na tinulungan ding maging public servants.


At siyempre pa, ano na nga raw ba ang papel ni Jinkee Pacquiao ngayon sa status nila lalo’t nakilala nga ito ng madla bilang ‘very luxurious at mahilig sa mga milyones na gamit?’


Dahil sa kanser…

53-ANYOS NA INA NI MAYMAY, PUMANAW NA


MAY mga socmed (social media) friends tayong nakikidalamhati sa ilang mga pamilya ng celebrities natin na nawalan ng mga mahal sa buhay nitong nakaraang May 14 at 15.


Nandiyan si Maymay Entrata na namatayan ng ina dahil iginupo na ito sa naging laban sa kanser. Fifty-three years old lang ang nanay ni Maymay na si Mrs. Lorna Entrata.

Worried ang mga fans ni Maymay dahil alam daw nilang very close ito sa ina at isa nga ito sa mga rason kung bakit nagsisikap sa showbiz si Maymay.


Namatay din ang nakababatang kapatid ng bokalistang si Rico Blanco na si Rey “King” Blanco na 50 years old lang din at balitang nagkaroon din ng kanser.


Ang 24-Oras anchor namang si Emil Sumangil ay humingi rin ng dasal para sa pinsan niyang si Engr. Philipp “PJ” Santiago na isang mountaineer. Namatay ito mula sa isang expedition ng grupong kabilang sa mga umaakyat sa Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.


Ang amin pong pakikiramay sa mga naulila nila.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 16, 2025



Photo: Bea Alonzo at Vincent Co - IG, Circulated


Mukha ngang may katotohanan ang balitang nagkakamabutihan na sina Bea Alonzo at Vincent Co ng sikat na Puregold supermarket.


Bukod sa mga sighting sa kanila, balitang dadalo si Bea sa isang convention under the company na pag-aari nina Vincent and family.


May tsismis ding dumadalo na si Bea sa mga family gatherings nina Vincent and vice-versa.


Nakarating na nga rin daw si Vincent sa malaking farm nina Bea sa Zambales at mukhang may mga business plans na raw ang dalawa na kanilang pagsasamahan.


Maraming mga tagahanga ni Bea ang natutuwa sa balitang ito dahil finally nga raw ay nakakita na marahil ng tamang lalaki ang magandang aktres para sa kanya.


Kaugnay naman ng showbiz project for Bea, mukhang sa September pa raw ito magkakaroon ng bagong show.



“Luh, kahit size ng sapatos, ginawang balita. Para-paraan talaga si gurl kasi wala nang pumapansin,” sigaw ng netizen kay Chloe San Jose.


After kasing mai-launch ang kanyang album via presscon at buong-giting pang nagpasiklab ng kanyang hindi maipaliwanag na klase ng boses sa isang kilalang FM station na nasa bus, tila wala ngang balita tungkol dito.


Base sa nakita naming post ni Carlos Yulo na siyang nagsisipag mag-promote ng career

ng dyowa, kahit nga ang same shoe size nila ay ginawa nang balita para mapag-usapan lang ang mga kanta ng tinatawag na ‘Goldilocks gurl’.


Hindi na rin sana namin papatulan pa ang naturang isyu pero marami na nga ang nakakapansin na ginawa nang publicist ni Chloe ang gold medalist natin sa Olympics.

Anything for love, ‘ika nga.


Nag-promote ng movie…

DINGDONG AT CHARO, PASOK SA BAHAY NI KUYA


NAGING houseguest naman sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE) sina Dingdong Dantes at Charo Santos, obviously promoting their film na ang balita namin ay mauunang ipalabas sa ibang platforms.


Maganda ang konsepto na naisip ni Kuya sa kanilang pagpasok dahil ibinagay nila sa imahe ng dalawa ang kumbaga’y task na kanilang gagawin for the housemates.


Aliw na aliw kami ru’n sa pinahulaan sa mga housemates ang pinakaunang naging trabaho ng kanilang mga nanay, pati na ru’n sa isang bagay na hindi nila makakalimutang dalhin.


Siyempre, sandaling-sandali lang sila nag-stay sa PBB house, unlike other houseguests na natutulog du’n.


Lahat ng mga housemates ay na-star struck sa dalawa lalo na kay Dingdong na talagang game na game sa kanyang pagpapasaya sa mga ito.




BUONG-TAPANG na ipinasilip ni Matteo Guidicelli ang kanyang ginawang pagtalon sa ere para sa upcoming docu special na Philippine Defenders (PD)


Matatandaang isang Philippine Army reservist si 2LT Matteo Guidicelli, kaya masasabing malapit sa puso niya ang nasabing docu tungkol sa mga sundalo.


Sa kanyang social media page, ibinahagi rin ng aktor ang kanyang pagbisita kamakailan sa Bulacan para sa isang Balikatan ceremony.


“Honored to have joined the Balikatan ceremony a few days ago in Bulacan. This joint effort with our partners from the U.S., Japan, and Australia is a powerful reminder of what we can achieve when we come together, not just as allies, but as one global community. 


“Through this partnership, we were able to build new classrooms and invest in what truly matters! Education, community, and the future of the Filipino youth. Balikatan is more than a military exercise. It’s about building bridges and great relationships! Let’s continue to strengthen these relationships, empower our communities, and work hand-in-hand for a better, brighter tomorrow. We are all defenders of the Philippines. Let’s carry that responsibility with pride.”

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 14, 2025



Photo: Tito Sotto - IG


Among the showbiz peeps-politicians na pinalad din sa kanilang mga respective posts ay sina Tito Sotto, Erwin Tulfo at Lito Lapid sa Senado. 


Sure kaming hindi kukunin ni Tito Sen ang kanyang sahod dahil ilalagay nga niya ito sa pondo para sa mga scholars na tinutulungan nila. 


Promise naman ni Erwin na hindi masasayang ang boto ng sambayanan sa kanya.


Nanalo rin ang Baby Joaquin Domagoso namin bilang konsehal. Maaga ngang nag-concede si Sam Verzosa sa laban nila ni Yorme dahil mas naungusan pa siya ng incumbent mayor na si Honey Lacuna. 


Nag-concede rin si Dan Fernandez sa Laguna bilang gov. na napanalunan ni Sol Aragones.


Sa mga Revilla sa Cavite, bukod-tanging si Sen. Bong Revilla ang natalo dahil big winner ang asawa niyang si Lani Mercado, pati ang anak na si Jolo at mga kapatid na sina Mayor Strike Revilla at Rowena Mendiola. Marami ring taga-showbiz ang nalungkot sa pagkatalo ni Sen. Bong. Marahil ay mas marami na siyang oras ngayon para sa kanyang mga nabinbin na showbiz plans.


Winners din sina Aiko Melendez at Alfred Vargas bilang mga konsehal sa Quezon City, habang balik-Kongreso rin si Arjo Atayde. 

Sa Makati City, panalo uli si Jhong Hilario, at nag-number one naman si Angelu de Leon sa Pasig City bilang konsehal.


Lotlot o talunan naman sina Ejay Falcon, Abby Viduya, Marco Gumabao, Direk Lino Cayetano, Enzo Pineda, Marjorie Barretto, Victor Neri, Raymond Bagatsing, Arnold Vegafria, Direk Bobet Vidanes, Emilio Garcia, Angelika dela Cruz, Monsour del Rosario, Anjo Yllana, Ara Mina, Shamcey Supsup, Dennis Padilla, Ali Forbes, Aljur Abrenica, Bong Alvarez, David Chua, Ryan Yllana among other celebs, pero pinakamasakit na rin siguro ang pagkatalo nina Manny Pacquiao at Willie Revillame na sobrang ‘hopia’ na manalo, lalo na ang huli. 


Sina Phillip Salvador at Jimmy Bondoc naman ay kitang-kita na nakakuha ng bonggang suporta mula sa Mindanao, obviously mula sa balwarte ng mga Duterte, dahil milyones ang nakuha nilang boto.


Nakakapanghinayang lang na kinapos si Benhur Abalos ng boto, lalo’t may maganda rin siyang record sa showbiz.


Si Imee Marcos nga, halos nag-delikado pa sa ika-12 puwesto sa mga senador, if only to prove na mahina na ang magic ng mga Marcos.


May nanalong Nancy Binay (Makati), habang may natalo namang Cynthia Villar (Las Piñas), mga dating senador natin.


Kahit ang pabonggang Cebu governor na si Gwen Garcia ay natalo rin, pati na ang mahal nating Albay Gov. na si Joey Salceda.


Ang movie producer na si Enrico Roque (kahit sobra ring binira ng mga kalaban) ay panalo rin sa Pandi, Bulacan at maging si Papa Vergel Meneses na muling nanalo bilang mayor ng Bulakan, Bulakan.


Siyempre, balik-Bulacan gov. at vice-gov. din sina Daniel Fernando at Alex Castro, pati na sina James Yap (San Juan), JC Parker (Pampanga) at Lou Veloso (Manila).

Hmmm…. sure kaming mahaba pa ang listahan. Hahaha!


Masaya ang karamihang madlang pipol sa resulta ng midterm elections dahil finally ay nakikita na nila ang noon pang sinasabi na ‘pagbabago’ sa ating electoral process.

Who would have thought na papasok sa top six ng senatorial race ang mga hindi naramdaman sa mga surveys gaya nina Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Rodante Marcoleta?


Sa mga partial and unofficial results, consistent ang mga numero nila sa No. 2, 5 and 6 spot respectively.


Sa mga analysis ng mga political experts, tila buhay na buhay nga ang mga mababagsik na dugo ng new voters. 


Pati ang mga celebrities na naging aktibo sa pag-endorse ng mga napusuan nilang kandidato ay todo rin ang pagpapakita ng powers nila, though hindi rin ito naging epektibo sa lahat.


Biggest winner din sa mga lugar nila ang mga dating pangulo at bise-presidente ng bansa na sina Digong Duterte (Davao City) at Leni Robredo (Naga City).


Bunsong si Ryan Christian, congressman na…

VILMA, WAGI ULING GOV., LUIS, TALONG VICE-GOV.


SIGURADO naman kaming ito na marahil ang pinaka-challenging na laban sa pulitika ng mahal nating Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.


Sa tindi ng kanyang pinagdaanang mga intriga at paninira ng mga kalaban sa pulitika, nanaig pa rin ang pagmamahal at pagtitiwala sa kanya ng Batangas province.


Medyo kinulang nga lang sa numero ang bise-gobernador niyang si Luis Manzano na nakatunggali ang dating gobernador. But for a first timer, big victory na ‘yung nakuha niyang halos kalahating milyong boto.


Malungkot man marahil si Ate Vi dahil kitang-kita naman kung paano niya talaga sinuportahan si Luis, baka nga hindi pa ito ang perfect time for Lucky. 


Mababalanse naman ang kanyang damdamin dahil magsisilbing congressman si Ryan Christian sa 6th District ng Batangas province.


Para sa isang 70+ years old, isa na nga si Ate Vi sa mga lingkod-bayan sa bansang ito na may napaka-consistent at magandang record sa pulitika. Tried and tested, ‘ika nga.


Just very like her showbiz career, sobrang relevant, significant and true to her moniker, Star for All Seasons – laging nasa panahon, mapa-boomers man, Gen X, Gen Z, millennial, alpha gen, atbp..

Huge congratulations!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page