top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | June 21, 2025



Photo: Maine, Arjo at Miles Ocampo - IG



Napansin na nga ng mga Dabarkads ng Eat…Bulaga! (EB!) ang biglaang paglagay kay Miles Ocampo sa Juan For All segment.


Meaning, inilagay muna si Miles sa naturang segment dahil nga sa lumalakas na tsismis na may silent ‘rift’ sila ni Maine Mendoza since manggaling sila sa Thailand.


As per our sources, walang balak na makialam ang production ng EB! sa usaping nabanggit, lalo’t magkasama naman sa iisang stable o management sina Maine at Miles.


May mga tsismis namang nagsasabi na may iniluluto lang umanong project para sa dalawa ang kanilang mother studio kaya’t need daw ang mga ganitong intriga o kontrobersiya.


May iba namang nagpapalagay na marahil daw ay nag-react lang si Maine sa nakarating sa kanyang tsika na diumano ay may hindi kagandahang nasabi si Miles tungkol sa mga gawaing pulitikal ng asawa nitong si Arjo Atayde? 


May iba namang isinasali pa ang name ni Maja Salvador sa diumano’y isyu ngayon ng dalawa.


Nakakaloka dahil nagsanga-sanga na nga ang usapin. Ano na ba ang totoo at alin na ba ang fake sa mga ito?


Basta ang alam ng marami, kapansin-pansin ngang tila may concerted effort na hindi sila pagsamahin sa main studio ng EB! at kung parte man daw ito ng isang gimik or what, then it is taking an effect.



GRABE talaga ang mga netizens kung kalkalan at kalkalan din lang ng mga lumang socmed (social media) posts ang pag-uusapan.


Dahil nga sa biglang pagiging instant hit ni Klarisse de Guzman sa socmed after nitong maging housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother (PBB), aba’y biruin ninyong kahit ang mga lumang posts nito dated Nov. 27, 2011 ay nakalkal pa ng netizens?


Ang naturang post nga ay simpleng nagsabing ‘Piolo Bading’. Siyempre, ang mga netizens ay agad-agad na nag-conclude na ang Pambansang Papa na si Piolo Pascual ang tinutukoy noon.


Pero may mga nagtatanggol namang baka kaklase sa La Salle o kaibigan ni Klarisse ang sinasabing tao since 2013 naman nagsimulang mag-showbiz si Klarisse via The Voice (TV). And yes, noong 2018 naman naging kontrobersiyal ang revelation ni Mark Bautista thru his ‘book’ na nagka-something sila ni Papa P.


“It can be anybody. Bakit naman si Papa Piolo agad ang iniisip ng lahat?” pagtatanggol pa ng marami.


“Ohhh, it turned out, bading din pala si Klarisse and it takes a PBB stint in 2025 para i-reveal niya ito sa buong madla,” komento pa sa naturang thread.


Nakakaloka talaga ang digital world, kung kakayanin lang sigurong halukayin pa kahit ang past ni Dr. Jose Rizal ay magagawa nila para lang may pag-usapan.

The irony of life indeed…



NANG maging guests ni Kuya Boy Abunda ang main cast ng Mga Batang Riles (MBR) sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), natuon ang programa sa tila pagbibigay-pansin sa pagiging leading man ni Miguel Tanfelix.


Kasama ang mga co-stars niyang sina Kokoy de Santos, Raheel Bhyria at Bruce Roeland, lahat ay nagbigay-papuri kay Miguel bilang isang magaling na co-worker. 


May dare pa si Kuya Boy na ilaglag ang sa tingin nila ay nararapat na ilaglag, pero wala sa mga ito ang nag-dare dahil on or off work, talaga raw maganda ang bonding nila.

Kaya naman hindi nakapagtataka na umaabot ng 1 billion strong ang online views ng series.


At sa nalalapit na pagtatapos nito ay tuluy-tuloy ang pagtaas ng ratings dahil sa mga kaabang-abang na pasabog nito. 


Sey ng ilang mga netizens, “Isa ito sa pinakamagandang masterpiece ng GMA.” 

Dagdag pa ng isang netizen, “Nagsimula nang maganda ang kuwento at magtatapos na maganda pa rin.”


Sa huling dalawang araw, tuluyan na nga bang madadaig ni Matos (Bruce Roeland) si Kidlat (Miguel Tanfelix)? Siya na nga kaya ang magbabayad sa lahat ng mga kasalanang ginawa ng amang si Rendon (Jay Manalo)? 


Tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng MBR, kasama rin sina Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon, gabi-gabi sa GMA Prime!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 18, 2025



Photo: Elijah Canlas, Maine Mendoza at Miles Ocampo - IG


Tinutukan namin ang live episode ng Eat… Bulaga! (EB!) kahapon, Wednesday, June 18.

Pumutok kasi over the weekend ang balitang in-unfollow nga ni Maine Mendoza si Miles Ocampo, pati na rin ang BF ng huli na si Elijah Canlas.


Siyempre, mabilis pa sa alas-kuwatro ang mga netizens at mga nakatutok sa show na alamin ang balita dahil unusual at strange sa mga magkakaibigan at magkasama pa sa show ang may ganu’ng sitwasyon.


Nagpunta raw sa Thailand ang grupo last week, kaya’t naka-tape ang show until June 17, Tuesday, kung saan naging kapuna-puna nga ang tila ‘nocom’ (no communication) nina Maine at Miles at umupo pa sila na magkalayo gayung sa mga previous episodes ay madalas na magkatabi o magkasama sila.


Then, bago pa man pumutok ang intrigang may umano’y isyu sa dalawa, may mga nagtataka na rin kung bakit sa grupo nina Jose, Wally at Paolo isinasama si Miles.


Wala si Miles last Wednesday, kaya’t lumakas nga ang usap-usapang baka totoo ang isyung may ‘rift’ sina Miles at Maine?


Hay, kung may ganitong item sa It’s Showtime (IS) about Vice versus MC Muah at Lassy, aba’y hindi rin pala nagpahuli ang EB!.

Sana, maayos na ‘yan bago pa lumala.



HINDI na namin makita o mapanood ang sinasabing video ni Claudine Barretto kaugnay ng latest issue niya at ng mga kapatid.


Basta ang napag-alaman namin, may mga death threats at bintang-bashing na diumano’y natatanggap ni Clau. 


At ang pinaghihinalaan nga niyang may gawa nito ay mga tao ring malalapit sa kanya o kapamilya niya.


Nakakalungkot. Marami nga ang nagsasabing bakit sa mga ganitong isyu nasasangkot si Clau gayung nag-uumapaw naman ang kanyang talent at husay bilang artista?


But then again, dapat din naman sigurong intindihin ng lahat ang side niya bilang ina, kapatid at babae na diumano’y need ding protektahan, lalo na para sa mga anak niya.


‘Yun nga lang, tila mas marami ang nagsasabi ring sa dinami-dami na kasi ng iskandalo ng pamilya niya, mahirap nang hanapin kung sino ang nagsasabi nang totoo o may hawak ng katotohanan.


Todo-pakiusap sa press…  

RUFFA, TIKOM ANG BIBIG SA KANILA NI HERBERT


BIDANG-BIDA si Barbie Forteza sa Beauty Empire (BE) na nagsimula na ngang umere sa Viu at agad na nakakuha ng magandang feedback.


Sa July pa ito eere sa GMA-7, bilang isa na namang collab project ng Viu sa network at ng CreaZion Studios.


Sa mediacon, although reynang-reyna ang peg ni Ruffa Gutierrez, si Barbie talaga ang masasabing main star ng show.


At kahit pa lutang ang beauty queen aura ni Ruffa at mestiza look ni Kyline Alcantara, iba ang mga spiels na ibinigay kay Barbie.


‘Yun nga lang, sa mediacon proper, at kahit pa sa mga nakipag-one-on-one na kapatid sa media na close kay Barbie, walang nagtagumpay na kunan ito ng pahayag sa lagay ng kanyang love life.


Basta masaya siya at sa bagong closeness nila ni Kyline, marami raw silang napag-uusapan na mga anik-anik na bagay at sure kaming kasama rito ang usapin sa mga ex-BF nila. Hahaha!


Ay, si Ruffa rin pala, nag-beg-off na sumagot sa isyu nila ni Pareng Bistek a.k.a. Herbert Bautista.


Basta sa BE series, magkakaalaman na ng awrahan sa ganda. 


Naku, sa mga linyahang narinig namin sa teaser, baklang-bakla ang mga batuhan ng spiels at mukhang ini-relate talaga ng writer sa mga pinagdaanan o pinagdaraanang love issues ng mga bidang babae ang mga palitan nila ng linya/dialogue. Hahaha!


Kasama rin pala sa series na ito sina Sam Concepcion, Sid Lucero, ang Koreanong si Choi Bo Min, Chai Fonacier, Gabby Padilla, Isay Alvarez, Gloria Diaz at marami pang iba.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 2, 2025



Photo: Krishnah - IG


Congratulations kay Krishnah Gravidez dahil sa katatapos na Miss World 2025 contest ay nabigyan siya ng titulo bilang Miss World Asia and Oceania.


Bunsod nga ito ng kanyang pagpasok sa Top 8 (mula sa Top 40, naging Top 20 at Top 8 nga), kung saan nakatapat niya ang eventual Miss World winner from Thailand bilang sila ang taga-Asia.


Sa format kasi ng kontes, mula Top 40 ay kumuha ng Top 10 candidates from each continent namely: Americas and Caribbean, Africa, Europe and Asia & Oceania. Then sa Top 20 ay na-reduce ang bawat continental delegates sa Top 5, hanggang sa piliin na lang ang Top 2 pagdating sa Final 8.


Bongga ang pinagdaanan ni Krishnah dahil magaganda, magagaling at mahuhusay ang mga kinabog nila ni Miss Thailand sa grupo nila gaya nina Misses India, Australia at Lebanon. 


Nu’ng sila na nga ni Thailand ang nagkudaan sa Q&A sa Top 2 ng kanilang kontinente, mapapa-wow ka na lang talaga sa tikas ni Krishnah. In fact, mas bet namin ‘yung sagot niya na napangiti pa nga si Julia Morley, ang owner at president ng Miss World organization.


Base sa aming pagkakaalam, ‘yung runner-up ni Miss Thailand na si Opal Suchata Chuangsri, ay 'matic continental winner na.


First runner-up si Miss Ethiopia Hasset Dereje Admassu (for Africa); 2nd runner-up si Miss Poland Maja Kladja (for Europe) at 3rd runner-up Miss si Martinique Aurelie Joachim (for Americas and Caribbean).


Kaya naman bongga at tunay na nakaka-proud si Krishnah dahil may sarili siyang title. 

Tama ba, mga Ka-Bulgar?

Congratulations!



Grabe, pero ang SB19 na marahil ang mayroong record na sa loob ng 2 gabi ay solid na solid ang concert performance.


Sa mga nag-trending at nag-viral na mga video snippets na kuha sa kanilang kick-off show para sa kanilang Simula at Wakas (SAW) world tour, hindi maitatangging ang SB19 na nga ang pinakamatagumpay at pinakasikat na boy group sa bansa and yes, still making huge name sa global scene.


“Walang tapon, lahat sila magagaling. Sing and dance, hosting, nagpapatawa, nagpapaiyak, lahat nakaka-relate sa mga kuwentong buhay nila, mataas ang fashion sense, bongga ang production, lahat ng kinanta at sinayaw nila ay hindi ninyo panghihinayangang bayaran nang mahal. Grabe, as in grabe,” ang nagkakaisang sigaw ng mga Ka-A’TIN at mga Ka-MahaLima sa socmed (social media).


Lahat nga raw ay nagkaroon ng moment sa stage. Walang sapawan kahit pa nga nakalalamang sa kasikatan sina Pablo at Stell. Iba ang hatak ni Ken, iba ang aura ni Josh, at may something kay Justin na mamahalin mo. 


Bawat isa ay nag-complement sa success ng concert na first time ngang nangyari sa Philippine Arena na halos umabot ng lampas 55K (thousand) ang mga tao bawat gabi.


No wonder, nataranta ang NLEX management pati ang MMDA dahil sa traffic ng mga sasakyan at mga tao na papunta at palabas ng Phil. Arena sa naturang area sa Bulacan.


At ‘yan ang totoo, walang padding sa ticket sales, walang exaggeration sa husay ng performances at walang nagreklamong palpak ang production dahil tunay namang pang-world-class at kering-keri na ihilera sa mga pinakamagagaling sa buong mundo.

No one can really argue with success. HUGE success!



MAY naiintriga sa Facebook (FB) post ni Javi Benitez hinggil sa recent development ng iskandalo sa pamilya nila.


Although wala namang binanggit na kung ano ang dating aktor sa demanda ng ina laban sa kanyang tatay na si Cong. Albee Benitez, nagpahayag ng pagkalungkot ang binata.


Sabi raw ng kapatid niyang si Bettina, umaasa pa rin sila na may mabuting kahahantungan ang mga pangyayari.


Nagpapasalamat nga sila sa mga simpleng pahayag ng suporta ng mga ‘tunay na nakakaalam ng istorya’ dahil hindi na raw kailangan pang i-post o makisawsaw pa.


Hinimok din niyang mag-move on na ang lahat at pagtuunan ng pansin ang mga mas malalalang problema ng bayan.


Sa huli ay sinabi pa sa post ni Javi na sana raw ay makahanap sila ng kapatid niya ng ‘tamang pag-ibig, ‘yung hindi nasusukat sa status, sa pera, o panlabas na imahe.... kundi sa respeto, lambing at tunay na partnership sa buhay.’


Hirit pa nito sa post na sa huli ay hindi raw views, likes o pera ang sukatan ng tao kundi ang puso.


Samantala, tahimik pa rin ang kampo ni Ivana Alawi na hindi kinumpirma ng aming source kung nasa USA pa rin ba o nakabalik na?


Wala ring nagsasalita sa mga nadawit na sina Daisy Reyes at Andrea del Rosario na diumano’y parehong may anak courtesy of Cong. Albee.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page