top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | June 27, 2025



Photo: Fifth Solomon - IG


Sumunod naman naming nakatsikahan si Direk Fifth Solomon.

Grabe ang ganda niya ngayon. Iba ang datingan at awra ng kanyang fox eye at mala-Korean na look.


“Affected nang slight, pero dedma na lang. Alam naman natin ‘yung mga inggitero't inggitera d’yan, walang kasiyahan ang mga ‘yan,” pagbabahagi nito sa pangungumusta namin sa mga nanlalait sa kanya.


Ayon pa sa dating alumnus ng Pinoy Big Brother (PBB), sari-sari na nga ang ipinukol na tawag sa kanya to the point na may nagpayo pang dapat na siyang pumasok sa mental hospital.


“Tumpak, as an old cliche says, we can’t please everybody. Go, go, go lang, Tito! Kung dream mo rin ang mga ganito, push lang. Basta about sa health at inner peace, kasama tayo d’yang magaganda,” sey pa ni Fifth na malayung-malayo na ang hitsura sa identical twin nitong si Fourth Solomon.


Hahaha! Parang tiger o lion eye naman ang gusto naming ma-achieve, mga Ka-Bulgar.


Ikaw, Mareng Ateng Janiz, ano ang peg na gusto mo? Hahaha! (Gusto ko, bat’s eye, para kahit sa dilim, kitang-kita ko pa rin! Hehe! - JDN)


Co-host, naka-leave sa EB!... MILES, TODO-IWAS MATANONG SA ISYU NILA NI MAINE


NAGKITA kami ni Miles Ocampo kasama ang nobyo niyang si Elijah Canlas kamakailan.

It was one of our ordinary encounters na siyempre pa ay may konting tsikahan.


Palibhasa, kilala at kabisado na kami ni Miles sa pagiging maurirat at Marites (lols), mabilis kami nitong pinagsabihan na, “Okey na, Tito Ambet. ‘Wag na,” gayung wala pa naman kaming itinatanong. Hahaha! 


Pero siyempre, more or less, ‘yung tungkol sa status ng ‘friendship cum working relations’ nila ni Maine Mendoza ang alam niyang itatanong namin.


Well, dahil marespeto naman kami sa mga ganu’ng sitwasyon at sa marespeto ring pakiusap nito, “No problem at sure,” ang aming sinigurado kina Miles at Elijah.


Piktyur-piktyur kaming tatlo, lalo yatang nagiging delicious na si Elijah na inimbita pa kaming manood sa isang stage play na kanyang gagawin this July sa Ateneo de Manila University, kasama ang iba pang nagte-theater na mga artista. 


At dahil nag-promise kaming hindi muna ipo-post sa socmed (social media) ang aming pictures, tsika time muna tayo rito, mga Ka-Bulgar. Hahaha!


“Padalhan po kita ng invite, Tito,” sey nito sa amin sabay segue ni Miles na suportado niya ang BF sa ganu’ng gawain nito.


Sa last hirit naming tanong kung kelan na babalik ang isa pa naming baby sa Eat…Bulaga! (EB!) na si Atasha Muhlach, “Naku po, very soon na ‘yan. Ang sabi sa amin, once na matapos na niya ‘yung Viva One series n’ya, balik-Bulaga s’ya agad,” sagot nito.


As of yesterday, June 26, balitang nasa Italy si Maine Mendoza kasama ang hubby nitong si Cong. Arjo Atayde. 


Ayon sa isang katsikang source namin sa EB!, ‘naka-leave’ raw sa noontime show si Maine.



BUSY as a bee ang Kapuso Primetime Princess at mala-palos kung umiwas sa mga tanong na si Barbie Forteza. Nariyang mananakot siya sa sinehan para sa P77 at lalaban para sa pangarap sa primetime sa Beauty Empire (BE).


Sa kanyang ibinahaging clip sa social media, ipinakita ng Kapuso Primetime Princess ang kanyang dubbing session para sa P77. Habang nanonood ng eksena, halatang nagulat si Barbie at napaatras ang ulo, saka tumawa nang malakas sa sarili.


“Ang hirap mag-focus sa voice dubbing, nauuna ‘yung gulat at takot, eh,” sabi pa ni Barbie sa kanyang caption.


Sa P77, gagampanan ni Barbie si Luna Caceres, isang dalagang papasok na tagalinis sa loob ng isang misteryosong penthouse. 


Pero bago nito ay mapapanood muna sa primetime si Barbie para sa latest TV series niya na BE. Dito, siya naman si Noreen Alfonso, isang rags-to-riches beauty entrepreneur na gagawin ang lahat upang pabagsakin ang imperyong itinayo ng kanyang mga kaaway. 


Inaabangan na nga ang puksaan nila ni Shari De Jesus na gagampanan ni Kyline Alcantara. Kasama rin nila sina Ruffa Gutierrez, Sid Lucero, Sam Concepcion, at Cho Bo-Min.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 26, 2025



Photo: Darren at Juan Karlos - IG



Inuulan ng blessings ngayon si Juan Karlos.


Magsisimula pa nga lang halos ang Idol Kids Philippines, heto at kasama siya sa cast ng Meet, Greet and Bye movie project under Star Cinema with Direk Cathy Garcia-Sampana at the helm. 


Sina Maricel Soriano, Piolo Pascual, Joshua Garcia at Belle Mariano lang naman ang mga kasama ni Juan Karlos sa movie.


“Mabait na bata, mabuting apo, masipag at maayos katrabaho,” ang ilan sa mga komento kay Juan Karlos na dating JK Labajo ang screen name.


“Saka parang may suwerteng dala ‘yung Juan Karlos lang ang gamit. Mas may karakter,” saad naman ng iba.


Hindi nga talaga maiiwasan na lagi silang pagkumparahin ni Darren na gaya ni Juan Karlos ay inalis naman ang ‘Espanto’ surname bilang kanyang screen name. 


“Hindi kaya sila pareho ng handler o mga manager na parehong mag-isip?” ang pahabol pang tanong ng netizen.


“Naku, sila ang may pakana ng mga intriga, ‘noh? Okey naman sina Juan Karlos at Darren, pero sadyang mahilig sa intriga ‘yung ano (diumano’y may kinalaman sa karir ng mga binata),” dagdag pang komento ng nakasubaybay sa kanila.


In fact, noong nakaraang ASAP guesting nga raw ng Idol Kids Phils. (IKP) cast, may conscious effort nga na hindi pagsamahin sa iisang stage ang dating magkasama sa

The Voice Kids (TVK) bago pa man sila nagkaroon ng isyu.


After nga ng mga prod number nina Juan Karlos (sang with all girls choir), Jolina Magdangal (duet with Martin Nievera), Gary Valenciano, Angeline Quinto at Regine Velasquez (together in a song number), in-interview nina Edward Barber, Robi Domingo at Darren sina Gary pero no talk nga si Darren.


“Alam ninyo, kahit hindi man lagyan ng intriga, pero may mga galawan kasing alam mong iniiwasan o sadyang ‘wag nang banggitin pero obvious namang gustong mag-create ng isyu,” obserba pa ng netizen.


Aguy! Napabalitang okey na ang dalawa, pero mukhang ang hindi okey ay ‘yung mga nasa likod ng mga karir nila.



GF, kaya wala na raw show after BQ…

RICHARD, BINAKURAN NA SI BARBIE


Hmmm… lumabas din ang balitang tila seryoso raw ang namumuong friendship (read: papunta na sa relasyon?) between Sarah Lahbati at Tacloban City Councilor Ferdinand Martin Marty Romualdez (anak nina House Speaker Martin at Cong. Yedda Romualdez). May iba pa ngang nagsasabi na magkarelasyon na umano ang mga ito.


After nga ng action series kung saan natin napanood si Sarah with Kiko Estrada sa TV5, hindi na ito nasundan.

Wala rin tayong balita sa status ng marriage niya with Richard Gutierrez.


And yes, despite Richard’s activity sa malapit na ring mag-end na Incognito action series, wala rin tayong gaanong balita sa lagay naman nila ni Barbie Imperial.

Basta sa mga naglabasang tsika, very much together daw sila at para ngang binakuran na ni Richard si Barbie na ang huling TV project pa ay ang Batang Quiapo (BQ), kung saan matagal nang tsugi ang kanyang karakter.


At dahil bumulagang bigla ang balitang may magandang friendship daw itong sina Sarah at Marty, hindi kaya nangangahulugan itong everything is under the bridge na kina Richard at Sarah?


Baka naman daw may legal remedy nang hindi nalalaman ang madla?



May pa-lie detector test pa kuno… IVANA, NAG-READY DAW MUNA NG SCRIPT BAGO SINAGOT NA KABIT NI CONG. ALBEE


MEDYO nag-take time si Ivana Alawi bago nito parang sinagot indirectly ang iskandalo involving her kay Cong. Albee Benitez.


Sa viral video ngayon na pinag-uusapan, mismong kapatid ni Ivana ang nagpupukol ng mga tanong dito na may pa-lie detector test ang peg. Galing daw ang mga tanong sa mga followers ni Ivana na binabasa nga lang sa kanya ng kapatid na si Mona.


Isa nga rito ang tanong na, “Ikaw ba ay nanira ng pamilya?” 


Buong-giting at tapang itong sinagot ni Ivana na, “No.” 


Never daw niya itong gagawin o magagawa dahil alam daw niya ang pakiramdam ng isang broken family o broken home dahil sa mga usaping ‘kabit o nag-cheat’.


Sinang-ayunan ito ng lie detector machine na nagsasabing ‘totoo’ ang sagot ni Ivana.

At dahil nitong Lunes (June 23) nga lang ito lumabas, ipinapalagay nga ng marami na napaghandaan na ni Ivana ang script o hakbang kung paanong sasagutin ang intriga at iskandalo kahit ‘indirectly’ man ‘yan.


Intriga nga ng mga hindi nakumbinse, “Hello, last May pa pumutok ang iskandalo, ‘noh!”

Aguy! Walang malugaran sa mundo talaga ang mga may kagayang isyu. Hahaha!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 25, 2025



Photo: Cardong Trumpo - PGT



Although hindi naging perfect ang grand finals performance ni Cardong Trumpo sa Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7, walang dudang siya ang most loved ng audience.


Sa almost perfect votes na nakuha nito para tanghalin bilang biggest winner at manalo ng P2 million, pinaboran nga ultimo ng mga judges ang ‘kakaiba at mapusong performance’ ni Cardong Trumpo o Ricardo Cadavero sa totoong buhay at isang construction worker.


Tila naibalik nga ng ABS-CBN ang dating ningning at tikas ng PGT.


Mas kapansin-pansin ding mas naging relatable si Freddie Garcia a.k.a. FMG sa mga tao at tila mas komportable itong nakikipag-eklayan o baklaan kasama nina Kathryn Bernardo, Donny Pangilinan at Eugene Domingo.


Second placer ang grupong Femme MNL, isang dance group na puro LGBTQIA+ ang members.


At ang personal favorite naming si Carl Quion, na isang magician at nagawang bigyan ng pambihirang tribute ang Comedy King na si Tito Dolphy, ang 3rd placer.

Congrats po at mabuhay!



AT dahil nalalapit na rin ang pagtatapos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, kapansin-pansin din ang laging pag-trending ng mga nalalabing housemates dito.


Talagang puksaan ng mga komento ang mga supporters nila if only to prove na bumalik din ang lakas ng awareness at patronage ng mga tao.


In fact, sey nga ng karamihan, totoong naging celebrities o naging legit ang celebrity status ng mga housemates.


Kumpara raw kasi sa mga nagdaang edition, parang ngayon lang uli napag-usapan at mas naging invested ang mga parehong supporters at mga bashers ng show.


Pasok na sa Big 4 ang tandem ng CharEs o nina Charlie at Esnyr. Ang naturang tandem ang sinasabing dumedepende sa support ng mga tao dahil unlike the more controversial DusBi (Dustin at Bianca) at AzVer (AZ at River) na sinasabing mayayaman at bumibili ng votes, hindi raw sila mayaman to buy votes.


Samantala, lalaban at lumalaban pa rin ang mga housemates na sina Ralph at Will (RaWi), at Brent at Mika (BreKa), na bigla ring lumakas sa mga tao.


“Kitang-kita si Kuya sa show. Sa dami ng mga sponsors ng show, lakas sa text votes at solid advertisers nila, hindi matatawag na flop at walang income ang show,” puna ng netizen.

True…



KAMI man ang lumagay sa sitwasyon ni Dennis Trillo, baka mas matindi pa ang sagot namin sa mga nagkomento sa anak nila ni Jennylyn Mercado. 


Hindi lang ang pagiging autistic ng anak ang sinopla ni Dennis sa isang nagkomento sa video nila, na kunwari’y naka-observe ng kalagayan ng anak na sinasabi.


“May problema po ba kayo sa autism?” ang sagot nga ng magaling na aktor sa tila nagmamaang- maangan na netizen.


“Wow, hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo,” ganting sagot uli nito sa isa pang post na nagsabing ‘malamya’ ang isa pa nilang anak na lalaki.


Well, nasa Italy ngayon ang mag-asawa kaugnay ng isang event doon at para na rin sa promotion ng new show nilang Sanggang Dikit FR (SDFR) na umeere na sa GMA-7.

Bihira nating marinig o makitang lumalaban sa online bullying o harsh comments si Dennis pero kapag tungkol na sa mga anak o pamilya ang usapan, parang walang ‘green bones’ na lalabas sa katawan nito. Hahaha!


Uy, number 1 ngayon sa Netflix ang award winning movie na Green Bones (GB) ni Dennis, ha? 


Bongga rin ang mga reviews nito sa online at nasabing platform, unlike ru’n sa isang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na kesyo may mga international honors kuning-kuning, pero… ewan! 


Hahaha!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page