top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | August 4, 2025



Photo: Jameson Blake at Barbie Forteza - GMA Gala


Running ang sinasabing dahilan ni Barbie Forteza kung bakit mas naging close sila ni Jameson Blake.


Simula kasi nang nagsasali si Jameson sa mga fun run kung saan nandoon si Barbie, hindi na nga naputol ang pagkakaibigan ng dalawa.


Ayon sa mga lumabas na tsika, naengganyo nga ni Barbie ang guwapong aktor na makasama sa mga fun run for a cause nila at hayun nga, tila nagtuluy-tuloy na sa maganda at special na friendship.


Marami ang nagsasabing nag-level-up na ito lalo’t noong premiere night ng horror movie ni Barbie ay tila masaya pa nitong tinakbo si Jameson sa parking kung saan nag-viral nga ang tila yakapang batian nila.


Then last Saturday sa GMA GALA Night ay makikita rin silang magkahawak uli ng kamay habang papalabas sa venue papuntang after party.

May mga kinikilig ba?



KAYA pala parang hindi na lang nag-react ang mga BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) fans sa napabalitang TV project na pagsasamahan nina David Licauco at Jillian Ward.


“Mukha naman kasing hindi talaga sila click o maagang nawalan ng brilyo ang tandem nila,” pag-aanalisa ng netizen sa tila nawalan ng kulay na tandem nina Barbie at David.


Ang akala nga ng marami ay mauuwi na sa magandang relasyon ang BarDa after na maghiwalay sina Jak Roberto at Barbie at single naman si David, pero tila nag-iba ang ihip ng hangin.


Kahit nga raw ‘yung product endorsement na ginawa ng BarDa ay hindi rin nag-click kaya’t nagdesisyon marahil ang mga handlers nila na huwag nang i-push ang kanilang tandem for lack of huge support kagaya noong nagkasama sila sa TV series na makaluma ang tema.



GAYA ng ating mahal na Star for All Seasons at isa sa mga best friends ni tugang Roderick Paulate sa showbiz na si dear Gov. Vilma Santos-Recto, super excited din tayo sa nalalapit na showing ng MUDRASTA.


Isa nga si Ate Vi sa mga naaliw sa trailer at nang-eengganyo ngayon na panoorin ang upcoming movie ng kaibigan.

Grabe nga ang early buzz ng movie kung saan muling magbibida ang magaling na aktor. 


Nakilala natin si Kuyang Dick sa mga pamosong ‘bading roles’ na siya lang ang may karapatang gumawa at may tatak na disente at matinong humor.

Sey pa ni Ate Vi, “Good luck, Dick!!! Told you. Magaling ka talaga sa lahat ng bagay!

Napakagaling na AKTOR… HANGGANG NGAYON!! Proud of you, my friend! Mga kababayan… nood tayo ng MUDRASTA!!!"


Showing na sa mga sinehan ang MUDRASTA ngayong Agosto 20.

Sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso, ang award-winning director ng Deadma Walking (DW), makakasama ng legendary comedian na si tugang Roderick sina Elmo Magalona, Awra Briguela, Arkin Magalona, at mga batikang aktor na sina Tonton Gutierrez, Carmi Martin, Ruby Ruiz, Odette Khan, at Ms. Celia Rodriguez.

‘Kaaliw!



MARAMI naman sa mga fans ng SB19 members na sina Pablo at Stell ang nagtatanong kung bakit sa bagong season ng The Voice Kids Philippines ay hindi na sila kasama sa mga uupong coaches?


Habang isinusulat namin ito ay walang klarong paliwanag na ibinigay sa amin ang aming source mula sa naturang show.


Sa pagbubukas nga uli ng nasabing reality show para sa mga bagets singer ay uupong mga coaches si Zak Tabudlo at ang Ben&Ben, kasama pa rin sina Julie Anne San Jose at Billy Crawford, with Dingdong Dantes as host.


Although ipinagpapalagay ng SB19 supporters ang pagiging sobrang busy ng grupo kaya't hindi na puwedeng umupong coaches sina Stell at Pablo, may isyu pa rin kasing sobrang nasasapawan ng dalawa, lalo na ni Stell, ang ibang coaches, to the point na wala nang gustong pumili sa mga ito bilang mentor. Hahaha!

‘Yun ang ‘kaloka!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | July 18, 2025



Photo: Donny Pangilinan at Kisses Delavin - IG


In fairness, marami pa rin ang nakakaalala kay Kisses Delavin.

Sa nag-viral kasing photos nito recently ay pinagkaguluhan pa rin si Kisses ng mga netizens.


Kung hindi pa kumalat ang mga photos niya na nag-aaral na pala siya ng ballet sa isang kilalang school sa New York ay hindi malalaman na matagal na rin pala siya sa USA.

Huli natin siyang napanood sa isang show sa GMA-7 at bilang kandidata sa Miss Universe-Philippines noong 2021.


Sa porma ngayon ni Kisses na medyo masel-masel na ang seksing pangangatawan, mukhang serious ito sa kanyang ballet dancing studies.


At dahil kilala naman nating only daughter ito ng isang rich family sa Masbate (Bicol), hindi naman nakapagtataka na afford na afford nito ang mabuhay na magkaroon ng career abroad.


Muli ngang nabuhay ang mga DonKiss fans na sumuporta noon sa tandem nila ni Donny Pangilinan at nag-wish ang mga ito na sana nga raw ay magbalik-showbiz na si Kisses Delavin.



NAKAKALOKA ‘yung “Red Uncle” sa China na scandal. Halos buong mundo ay naiskandalo talaga dahil sa napakaraming mga videos na laganap ngayon sa socmed (social media).


At batay nga sa report ng mga kilalang Chinese networks, umaabot nga sa tinatayang mahigit isang libong mga lalaki ang nabiktima ng naturang “Red Uncle” ng China.


Hindi kami magpapakaipokrito sa pag-amin na nakapanood kami ng ilang mga videos na halos pare-pareho ang eksena pero iba-ibang lalaki at timeline na sinasabing naganap within more or less 5 years. Iisa ang style ni Mamang dahil binibigyan siya ng pasalubong (assorted goodies/food) ng mga nakakaeksena niya bago niya gawin ang mga sexual acts sa mga lalaking Tsino at may ibang lahi na pasikreto palang inire-record. 


At hindi nila alam na isa palang “tito o lolo” ang kaeksena nila at hindi isang tunay na babae.

Nahuli na ito ng mga awtoridad pero ang nilikha nitong iskandalo ay kumalat na nga lalo’t may mga lalaking iba-iba pala ang estado sa buhay.


Nakakaloka lang dahil ‘yung ibang mga local celebrities natin ay may sari-sari ring reaksiyon sa iskandalo. May naka-relate raw, habang ‘yung iba ay gusto na lang isipin na parte ng malaki at pangit na bangungot ang minsang pagkakasangkot nila sa parehong iskandalo. Hahaha!


Siyempre, huwag na tayo mag-name names dahil nasa socmed naman ‘yung mga noon at ngayon na iskandalo involving our local celebs.


Talaga lang daw parte ng buhay ang mga ganu’ng klaseng karumal-dumal na pangyayari at may mga victims na late nang nalalaman na nagamit sila o nagpagamit sila.



MAY asawa na pala at buntis si Jessica Sanchez.

Sa naging audition nito sa Season 20 o sa ika-20th year ng America’s Got Talent (AGT), muli na namang uminit ang name ni Jessica.


Paano kasi, naging parte pala ang magaling na half-Pinay singer ng naturang show simula nang umere ito.


Bago pa man nga siya naging sikat via American Idol Season 11 noong 2011, sa AGT na siya galing. And now, 20 years after, muli niyang pinahanga ang American nation at mga hurado.


Binigyan nga siya ng golden buzzer ni Sofia Vergara, na nagbibigay ‘matic inclusion’ niya sa semis.


Muli rin silang nagkita ni Simon Cowell na nakasama niya at bilib na bilib pa rin ito kay Jessica na sinabihan pa itong wala nang tatalo pa sa biggest blessing na soon ay magiging nanay na siya.


At this early nga ay hinuhulaan nang isa si Sanchez sa mga frontrunners ng show at magbibigay ng sakit ng ulo sa ibang mga contenders.


To be honest, lalo siyang naging magaling at mahusay mag-perform. Buung-buo pa rin at nangangabog pa rin nang bongga ang boses.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | July 15, 2025



Photo: Cristine Reyes - IG


Dahil sa socmed (social media), hayan at nalaman na nga ng lahat ng mahihilig sa showbiz na nagpunta pala ng Vietnam si Cristine Reyes at ang napapabalitang bago nitong BF na si Gio Tingson.


Whether soft o hard launch man na matatawag ang mga socmed posts nila bilang magkarelasyon as per the netizen’s term owadays, the fact remains, may ‘sila’ nga.


Ang ikinaloloka lang ng marami ay ang pag-enumerate ng ilang netizens sa mga nakarelasyon o na-involve na lalaki kay Cristine, posing her tuloy na madaling ma-in love at magsawa.


Ilan nga diumano sa kanila sina Willie Revillame, Joross Gamboa, Keempee de Leon, Mark Herras, Dennis Trillo, Rayver Cruz, Derek Ramsay, hanggang sa naging asawa nitong si Ali Khatibi to Marco Gumabao and now Gio.


Hindi pa raw kasama diyan ‘yung mga very short-lived na naka-date niya gaya ni John Lloyd Cruz at ‘yung gwapong direktor na nakalimutan namin ang name.

Well, ano pa nga ba ang maitatago natin sa mundo ng socmed?



DATI pa namang honor graduate (St. Louie U sa Baguio City) si Rustom Padilla na ngayon ay si BB Gandanghari na. 


Kamakailan nga ay nagtapos bilang Summa Cum Laude sa isang school sa California, USA si BB.


Naaalala pa namin in the late ‘90s noong sikat siya at nai-interview on education na lagi niyang ibinibigay na payo sa ilang mga young stars noon na magtapos ng pag-aaral.


At nearly 60 years old (turning 58 na siya), talagang sinikap ni BB na mag-aral uli despite her being a working student sa ibang bansa.


Nakaka-proud lang din. Pero dahil marami ang mga bashers na kahit ano’ng naabot mo ay may nasasabi pa rin, siyempre hindi nila pinalusot ang isyu ng pagiging matalino niya kumpara sa parang hindi naman “namana o nagkaroon man lang” diumano si Sen. Robin Padilla.


Hay… pero big congrats sa iyo, BB! 



TAWANG-TAWA kami sa bardagulan ng mga supporters at fans nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.


Kapwa naging bonggang guests ang dalawa sa The Robert Wun Haute Couture Fall/Winter 2025/2026 Paris Fashion Week.


Rumampa sila at para sa mahihilig sa high fashion, kapwa hindi nagpatalbog ang dalawa sa mga kasama nilang mga international fashion icons. May mga pumuri kay Heart, meron din naman kay Pia.


Marami na rin ang natuwa nang makita silang halos magkatabi sa upuan during the event. May isang modelo lang na nakapagitna sa kanila, kaya sinasabi ng mga watchers/observers na mukhang okey na naman sila.


Pero ang nakakatawa nga ay kahit pati ‘yung napakalaking sumbrero na suot-suot ni Heart ay nilagyan ng meaning at malisya.


Paano kasi, para raw sinadya na ‘yung malaking bahagi ng sumbrero ni Heart ay ipinaling doon sa lugar na hindi man lang niya nakikita sa kanyang peripheral vision si Pia.


Hahahaha! Nakakaloka nang makita nga namin ang nasabing photo dahil habang buong-ningning na nakikita ni Pia si Heart Evangelista, ang huli naman ay tila may pandededmang sumbrero na natatakpan o ayaw makita si Pia Wurtzbach. Hahaha!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page