top of page
Ruffa G at Herbert - IG iloveruffag.jpg
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 24, 2024


Photo
File photo: Lovi Poe / IG

Matagal-tagal ding nawala sa eksena si Lovi Poe pagkatapos niyang magpaalam sa  seryeng Batang Quiapo for reasons na nagpakasal siya sa boyfriend sa US. 


Sa kanyang pamamaalam sa serye, si Ivana Alawi ang pumalit sa kanya bilang leading lady ni Coco.


Muling nagpakita si Lovi sa nakaraang mediacon  at contract signing nito as endorser ng SCD (Skin Care Depot), at kanyang ibinahagi sa mga press people na dati raw ay maliit ang kanyang boobs at morena ang kulay ng balat.


Umpisa ng actress, "Actually, parang I had a moment noon na dapat magpapaputi ako. Until one time, I remember na I’m having a conversation, na I was stubborn kasi talaga (among) sa mga alaga ng manager ko, parang nasabi ko, 'Eh, ano kung dark skin color ako? Or flat-chested ako?'


“Ang sabi ko na lang, basta gagalingan ko na lang. Kasi sino pa ba ang magmamahal sa sarili mo kundi ikaw, 'di ba? So hindi na siya naging isyu sa akin, hindi na ako affected. So what? Ganu'n ang naging attitude ko. I’m happy where I am now. Hindi ako nagpatalo sa mga ganu'ng panlalait. Hindi na siya nakaapekto sa akin. Naging masaya ako sa ginagawa ko,” aniya. 


Nagbabalak sana umano si Lovi na magpalaki ng boobs ngunit hindi ito natuloy.


“I’ll be honest, naisip ko rin na parang, should I? Pero I’m so paranoid kasi sa mga ganyan, and I’m happy naman na hindi ko ginawa. Pero nakakainggit din kapag may nakikita akong mga taong may big boobs. Sana all! Hahahaha! Pero now na may husband na ako, I don’t need to have a boob job! Hahaha!” ani Lovi.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 22, 2024



Photo
File photo: Kim Chiu's Youtube Channel

Tila hindi pa natatapos  ang steak issue sa mag-ex na sina Xian Lim at It's Showtime host Kim Chiu. 


December, 2023, inihayag ni Kim na hiwalay na sila ng boyfriend. Kasunod nito, lumutang ang isyung nagpaluto pa diumano si Xian ng paboritong steak kay Kim bago sinabing break na sila.


Dahil apektado na raw si Xian at ang kanyang pamilya, sinagot na nito finally at pinabulaanan ang tungkol sa steak rumor na naging usap-usapan ng mga netizens kaugnay sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Kim.


Sa panayam kay Xian ni Marinel Cruz ng Philippine Daily Inquirer na lumabas nu'ng Linggo (May 19, 2024), ikinuwento ng aktor kung paano niya natanggap ang pinagdaanan niya sa hiwalayan nila ng aktres.


Ayon kay Xian, ang kanyang ina na si Mary Anne ang naging katuwang niya upang maghilom ang sakit na nararamdaman.


Umpisa ng aktor, “My mom. She advised me to stay away from the news, from all social media platforms, because things were getting too out of hand.


“She also advised me to not mind all the fake news and the things people are saying about me, that deep inside, we know the truth and that’s all that matters.


“She also said that if people like to believe all these, then there’s nothing I can do about it.


“She’s my support, my pillar, the wall I lean on, even until now. I’m lucky that she’s a strong woman.


“Other people might have broken down because of what’s happening. She’s been getting harmful, below-the-belt messages, even threats. For some reason, people got hold of her number,” pahayag ni Xian.


Dagdag pa niya, “I just want to explain this well and give it some context so people will understand.


“Our fans, I don’t even call them fans because they eventually became our friends, they became family, and have my mom’s number.


“For the past 12 years, we were okay. She was always just a text away from our followers. All of a sudden, this happened, and Kim and I broke up.


“I just don’t understand why these people we know are now going out of their way to say hurtful words to my mother. What for?


“We gave a reason for the split, that’s it. Just take that, ‘di na kailangang himayin.


“We were very sad, of course, these were people we trusted. We considered them family, my mom had to change her number.


“We don’t even talk about it in the house anymore. She just tells me, 'As long as we know the truth, we don’t have to play this game with them.'” 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 17, 2024



Photo
File photo: Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

Muli umanong nagkita ang naghiwalay na mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. 


Ibinahagi ito ng columnist-radio anchor-host na si Cristy Fermin sa May 15 episode ng kanyang show na Cristy Ferminute.


Ayon kay ‘Nay Cristy, “Ako’y maligayang-maligaya para sa mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Kasi ‘yung kanilang si bunso, si Kai, ay nag-moving up. Eh, siyempre, dapat nandu’n ‘yung mga magulang para ipakita sa kanilang mga anak na proud sila.”


Komento naman ng kasama nitong si Rommel Chika, “‘Yan ang nakakatuwa, 'Nay. Hindi sila bumibitiw sa kanilang mga anak sa kabila ng hindi pagiging buo ng kanilang pamilya, co-parenting sila.”


“Totoo ‘yan, totoong-totoo ‘yan. At nakakatuwa po, si Richard Gutierrez ay talagang napakaresponsableng ama. Manang-mana sa kanyang tatay, si Tito Eddie Gutierrez,” hirit pa ni Cristy Fermin. 


Good news ito, malay natin, baka ito ang maging daan para magkaroon ng pagkakataong makapag-usap uli ang dalawa at magkabalikan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page