top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Apr. 4, 2025





Dahil malakas ang chemistry ng BarDa love team, maraming umaasa na mauwi sa totohanan sina Barbie Forteza at David Licauco lalo't single na silang pareho ngayon.


Inusisa si David tungkol sa pag-asam ng kanilang mga fans, pero ayaw munang pag-usapan ng aktor ang posibilidad na may mamuong relasyon or something sa kanila, lalo na’t nakatutok daw ngayon si Barbie sa pagmu-move on.  


Sa isang panayam kay David, aniya, “I think, as of right now, Barbie is focusing on herself kasi kaka-break lang niya.  


“Ngayon, nagdya-jogging na siya, nagwo-workout, nagbabasa ng libro. Living life, really.”


Hinahayaan muna raw niya ang kapareha na maka-move on sa hiwalayan nito kay Jak Roberto.


“Ganu’n naman yata ‘pag kaka-break mo lang, kaka-single mo lang, you will try your best talaga to heal yourself.  


“To heal all the baggages from the past relationship. So, let’s give her that.”


Nasa edad 30 na si David at aniya'y naisip na rin niyang bumuo ng pamilya.  


“Oo naman, siyempre,” ani David.  


Ilang taon mula ngayon nakikita niya ang sarili na mag-aasawa?  


“Five, five, six years from now.” 


Ano ba ang isang ideal girl para sa kanya?


Aniya, “Uhm... Self-passionate. Self-aware. In touch with life. ‘Yung parang... what I mean ng self-aware is, for example, nangyayari ito, dahil, eto.  


“Kumbaga, hindi s’ya mindlessly living life. She knows what she’s doing.  

“That’s the most important thing to me. And so, I’m gonna take care of her. Understanding.”


 

Buhay ng Miss U, kaya ayaw isalibro…

“TOO MANY MEN, TOO LITTLE TIME” GLORIA


At the age of 74, maraming nagsasabing parang ‘di tumatanda si Miss Universe 1969 Gloria Diaz.


Nakausap siya ng press sa grand mediacon ng Regal Entertainment's latest offering na Untold na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria. Mag-ina ang role nila sa film na showing on April 30 mula sa direksiyon ni Derrick Cabrido.


Hindi naman nagdamot si Gloria sa kanyang beauty secret.


Aniya, “How do I maintain? By being busy, working, having many friends, ahhh, of course, my children, my apos, ah, boyfriend. But he’s not a boyfriend (na ayaw pa n’yang pangalanan), I’ve been with him 28 years already.”

Never daw siyang nag-smoke.  


“I drink a little wine but more champagne. Of course, I exercise. Massage. Steam. Hair, make-up, everything,” dagdag-chika niya.  


Natuto na rin daw siyang mag-social media kaya ‘di siya nabo-bored.

Natanong siya kung naisip ba niyang gumawa ng libro kung saan ise-share niya ang “untold” stories sa buhay niya.  


Ani Gloria, “No. Too many men, too little time,” na ikinatawa ng press dahil sa kaprangkahan ng beauty queen-actress.


Bukod kay Gloria Diaz, kasama rin sa Untold sina  Juan Karlos Labajo, Joem Bascon, Lianne Valentin, Sarah Edwards, Kaori Oinuma, Mylene Dizon, Gian Magdangal, Miggs Cuaderno, Carlo San Juan, at Elyson de Dios.


Rated R-13 ng MTRCB ang horror film na showing sa local cinemas nationwide simula sa Abril 30. 


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Mar. 30, 2025





Bawing-bawi na ngayon ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa kanyang ex-husband na si Gerald Sibayan sa ginawa nitong panloloko sa kanya habang sila ay nasa USA.


Balita kasing pinaboran ng US Citizenship and Immigration Services (USCIS) ang apela ni Ai Ai noong Enero 8, 2025 na bawiin ang kanyang Petition for Alien Relative para kay Gerald.  


Unang nag-file ang Kapuso comedienne ng Petition for Alien Relative para kay Gerald noong Hulyo 15, 2021.  


Pero ang latest chika nga ni Ai Ai, “Automatically revoked,” na ang tinutukoy na petisyon ng aktres ay maging permanent resident ng Amerika o US green card holder ang kanyang estranged husband na si Gerald.  


Nakasaad daw sa desisyon ng USCIS na may petsang Marso 17, 2025, “After a thorough review of your petition and the record of evidence, we must inform you that the approval of your petition has been automatically revoked.”  


Ang pagkakaroon umano ng ibang babae ni Gerald ang isa sa mga inilahad na dahilan ni Ai Ai kaya binawi niya ang petisyong maging permanenteng residente ng Amerika ang dating asawa. 


Bukod dito, may plano rin daw si Ai Ai na i-divorce si Gerald at hindi na rin puwedeng umapela pa ang dating asawa sa naging desisyon ng USCIS. 


Nakasaad sa pasya ng USCIS na, “There is no appeal to this decision.”  

Maliban na lang kung maghain si Ai Ai ng motion to reopen or reconsider, na imposibleng mangyari sa ngayon dahil nasaktan siya nang husto sa ginawa sa kanya ng asawa.  


Ang malala pa rito, kasama rin sa mga hiningi ni Ai Ai ang pagbawi sa travel at work permit ni Gerald sa Amerika kaya paano pa ito mamumuhay nang normal doon?


 

Aktor, bayad… MARK, BINIGYAN NG FLOWERS SI JOJO, GIMIK LANG DAW


PARA sa “Revival King” na si Jojo Mendrez, tapos na ang ‘collaboration’ nila ng singer at aktor na si Mark Herras.  


Noong Martes, Marso 25, 2025, nagpatawag ng media conference si Jojo na ginanap sa Shutter Chinois Deli and Café sa Quezon City.  


Kasama ni Jojo na humarap sa entertainment media ang managers niyang sina David Cabawatan (David Bhowie) at Vince Apostol ng Aqueous Entertainment.  


Ayon kay David, “MarJo or Mark and Jojo is already a closed chapter.” 

MarJo ang tawag sa tandem nina Mark at Jojo kasabay ng promo ng revival song ng singer na Somewhere In My Past ng yumaong si Julie Vega.  


Nagsimula ang pag-uugnay sa dalawa nang maispatang magkasama sina Mark at Jojo sa isang hotel-casino noong Pebrero 5 bago pa ang balitang nag-guest sa isang gay bar si Mark sa may Pasay.  


Nasundan ito ng pagsipot ng aktor sa contract signing ng singer sa Star Music noong Pebrero 18.  


Sinorpresa ni Mark si Jojo sa pamamagitan ng pagbibigay ng bouquet of flowers dito.

Bagama’t may hinala ang ilang miyembro ng press na “gimik” lamang ang pagkikita nina Mark at Jojo, sinakyan pa rin ito ng ilan at ginawan ng anggulo na tila may namamagitan sa kanila.  


Pero ngayon ay nakumpirmang bahagi lamang ito ng promo para sa revival song ni Jojo.  


At may “honorarium” na natatanggap si Mark Herras kapag sinasamahan nito si Jojo Mendrez. 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Mar. 19, 2025





Akala ng marami, nananahimik na ang kasong isinampa ni Vic Sotto against Darryl Yap, ang direktor ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP).


Pero umakyat na pala sa husgado ang reklamong cybelibel na inihain ni Vic laban sa direktor kaugnay ng controversial trailer ng pelikulang TROPP.


Sa inilabas na resolusyon ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC), nakitaan ng prosecutors ng sapat na basehan ang reklamo ni Vic kaya umakyat na ito sa husgado mula sa fiscal’s office.


Gayunman, ayon sa dokumento na may petsang March 17, 2025, 1 count lamang ng cyberlibel ang naaprubahan ng korte mula sa 19 counts na inihain ni Vic.


Bahagi ng nakasaad sa lumabas sa resolusyon, “The undersigned Assistant City Prosecutor accuses DARRYL RAY SPYKE YAP Y BALINGIT of the crime of Libel under Arts. 353 and 355 of the Revised Penal Code, as amended, in relation to violation of Sec.4(c)(4) of R.A. 10175, otherwise known as the Cybercrime Prevention Act of 2012.”


Isang mabigat na probable cause ng kaso ay ang pagbanggit sa pangalan ni Vic sa teaser ng hindi pa rin naipapalabas na pelikula ni Darryl tungkol sa buhay ng dating sexy star na si Pepsi Paloma.


Matatandaang noong January 9, 2025, nagsampa si Vic ng 19 counts of cyberlibel laban kay Darryl. Ito ay kaugnay ng kontrobersiyal na teaser ng pelikula ni Yap na TROPP, kung saan direktang binanggit ang pangalan ni Vic Sotto na diumano’y nang-rape kay Pepsi.


Sa teaser ng pelikula kung saan tampok sa eksena ang mga artistang sina Gina Alajar at Rhed Bustamante, tinanong ni Charito Solis (Gina) si Pepsi (Rhed) kung totoo bang “ni-rape” siya ni “Vic Sotto”. 


Nakasaad sa resolusyon ni Assistant City Prosecutor Elvin Keith Barrios:

“I HEREBY CERTIFY, that the crime or offense charged in this case has a prescribed penalty of not more than six (6) years of imprisonment without regard to fine and hence, an expedited preliminary investigation was conducted in this case pursuant to Section 8, Rule V of DOJ Department Circular No. 28 series of 2024…”


Sampung libong piso (P10,000 thousand) ang inirekomendang piyansa para sa kaso. 

Habang umaandar ang oras noong araw na iyon, naglabas naman ng desisyon ang korteng pumabor sa TV host-comedian sa naunang inihaing writ of habeas data petition nila laban sa pagpapakalat pa ng teaser ng nasabing movie.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapalabas ang pelikula na nakatakda sanang ipalabas noong February 5, 2025.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page