top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sptember 3, 2024



Showbiz news

May inianunsiyo ang Dreamscape para sa premiere telecast ng bagong seryeng Lavender Fields (LF) sa ABS-CBN Network kasabay din ng anunsiyong may advance telecast ang seryeng pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Janine Gutierrez at Diamond Star Maricel Soriano sa Kapamilya channels at iWantTFC. 


Agad ding naglabas ng talaan na nangungunang programa sa Netflix PH ngayong Setyembre 2, Lunes, ang LF.  


Samantala, nasa pang-apat na puwesto ang Pulang Araw (PA) nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Dennis Trillo.  


Kaya naman, inaabangan ng mga Kapamilya at Kapuso viewers kung masu-sustain ng LF ang kanilang #1 slot gayung nakaka-unang episode pa lamang ito na nagsimula sa Kapamilya Online ngayong Setyembre 2, Lunes, 9 PM pagkatapos ng Batang Quiapo (BQ). 


Hamon ng mga Kapuso, aabangan nila kung hanggang kailan mananatili sa top spot ang LF na kakaumpisa pa lang habang ang PA ay malapit nang mag-100 episodes.  



INANUNSIYO na ni veteran ABS-CBN news anchor Alvin Elchico nitong Sunday, Setyembre 1, ang pagkalas nito sa nakasamang co-anchor sa TV Patrol Weekend na si Zen Hernandez. 


Sa isang emosyonal na pamamaalam nito sa news program na pinagsilbihan ng newscaster for 13 years sa program's weekend edition, nagpahatid ito ng pasasalamat sa mga staff ng news program.  


Mensahe ni Alvin, “Ngayon po ang huling araw ko sa TV Patrol Weekend. At sa loob ng mahigit labingtatlong taon, mula 2011, ito po ang trabaho ko kada weekend, Sabado at Linggo, ang maghatid sa inyo ng mga nagbabagang balita tuwing Sabado at Linggo lang. 


“Malungkot ko pong iiwan ang mahal kong TV Patrol Weekend dahil dito ako nag-grow bilang isang news anchor, dito po ako nahasa sa tulong ng lahat ng staff at production team ng TV Patrol Weekend.”


Nagpaabot din ito ng pasasalamat at gratitude sa lahat ng nasa likod ng programa, sa buong news department, at sa top executives ng network para sa kanilang patuloy na tiwala. 


Papalit si Alvin sa beteranong news anchor na si Henry Omaga-Diaz na magma-migrate na sa Canada temporarily para makasama ang kanyang pamilya.  


Pahabol pa nitong mensahe, “Ipinapangako po namin na hindi namin kayo iiwan at patuloy naming palalakasin at pagagandahin ang pagkalap ng balita at impormasyon para sa sambayanang Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo. Hanggang sa muli, mga ka-weekend!”  



MAY sexy scenes o butt exposure si Tony Labrusca sa psychological drama thriller na What You Did (WYD). 


Sa panayam sa writer-director ng movie na si Joan Lopez-Flores sa mediacon noong Agosto 27, sabi niya, “Du’n naman po sa trailer na inilabas namin, I think you’ll get a hint of it. But I want people to see why it’s there, you know—not just the fact that it’s there.  

“It’s something na we discussed also when we filmed na inevitably, the character… ‘wag na, baka mag-spoiler ako. Panoorin n’yo na lang po!”  


Kung bakit pumayag siyang magkaroon ng skin exposure, pahayag ni Tony, “Ako kasi ‘yung type na ayoko ng nasa gitna. It’s either we go all the way or, like… ‘wag na ‘yung pa-cute na lang. So, nu’ng ginawa namin ‘yung scene, sabi ko, ‘Sige, Direk, itodo na natin ‘to!’ Hahahaha! Okey naman.”  


Todo, as in all-out? 


Sagot naman ni Direk Joan, “Ako actually ang nagho-hold back, eh. Kasi, I don’t want the film to be spoken about just because of… oh, my God!” 


Singit ni Tony, “Hindi naman, hindi naman! I don’t think so. We did it really well.”  

Sabi naman ni Direk Joan, “We did it in such a way na it feels palpable. Kumbaga, the scene is powerful enough in that sense, na merong ganu’ng sexy scene.”

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 31, 2024


Showbiz news

Umani ng samu’t saring batikos ang aktor at Ormoc representative na si Richard Gomez matapos niyang ibahagi sa socmed (social media) ang karanasan niya nang maipit sa traffic sa EDSA. 


Pagkaraan niyang mag-post sa Facebook (FB) tungkol sa hirap sa trapiko nitong Huwebes, August 29, 2024, inirereklamo ng mambabatas ang mabagal na usad ng mga sasakyan sa EDSA, gayung mabilis at maluwag naman daw ang daloy sa parte ng bus lane.


Reklamo ng actor-politician, humigit-kumulang dalawang oras na siyang naiipit sa mabigat na traffic sa EDSA at hindi pa rin siya nakararating sa kanyang patutunguhan, kaya’t suhestiyon ni Richard, bakit hindi na lang buksan ang bus lane para sa ibang mga sasakyan tuwing mabigat ang daloy ng trapiko, para kahit paano ay lumuwag ang traffic.


Ayon sa post ni Cong. Goma, “2 hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala, nasa SM EDSA pa lang ako up to now. Eh, QC ang punta ko, 1 or 2 hours pa ba? Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit ‘di buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?”


Napagtanto marahil ni Richard na 'di makatarungan ang kanyang reklamo sa socmed at agad naman niyang binura, ngunit marami na sa mga netizens ang nakapag-screenshot nito at ini-repost sa socmed. 


Mabilis na nag-viral sa social media ang FB post na ito ni Richard, kung saan marami sa mga netizens ang nadismaya sa anila’y pagiging “entitled” nito. Sabi pa nga ng iba, hindi porke't congressman siya’y may karapatan siyang magreklamo at sundin ng mga enforcers ang kanyang demand.


Tweet ng isang netizen (published as is), “Wow, Richard Gomez. Just wow. Eh, kung sumakay ka nalang kaya ng bus? Nakakahiya naman sa ‘yo na may sariling sasakyan at mas komportable kesa sa amin na nagsisiksikan makauwi lang, ha.”


Sabi pa ng iba, dahil naranasan niyang masangkot sa higpit ng trapiko, imbes na magreklamo, bakit hindi na lang magpasa ng batas na makatutulong sa matagal nang pinoproblema ng libu-libong commuters sa Metro Manila dala ng traffic?


Buwelta ng isang netizen, “Hello, Richard Gomez also known as Cong. GOMA. Ba’t kaming commuter pa mag-a-adjust? What if mag-propose kayo ng bill na hindi pahirap sa mga commuters? Please, guys stop voting entitled and out of touch politicians. Take the bus challenge please for @1richardgomez1.”


Sabi pa ng isa, “Nakakahawa ang pagiging TRAPO. ‘Yung isang araw mong naranasan, araw-araw na kalbaryo ng ordinaryong Pilipino. Kulang pa nga ang bus lane kung tutuusin para ibigay ang nararapat sa Filipino commuter. Ibang klase ka, Richard Gomez.”


Hamon pa ng ilan sa kongresista, subukan nitong mag-commute gaya ng ginagawa ng karamihan para maranasan niya ang hirap, pagod at pasakit sa ilang oras na pananatili sa kalsada dahil sa mabigat na trapiko.


“At dahil sa EDSA traffic rant ni Richard Gomez, dapat talaga required mag-public transport once a week ang LAHAT ng public officials. ‘Wag TNVS (Transportation Network Vehicle Service), ha? Jeep, bus, MRT, tignan natin ilan sa kanila ang magra-rant na pagod na bago pa makarating sa opisina,” sey ng isa.



BFF pa ni Kris ang todo-tanggol… JAMES, TAMEME LANG SA PAMBA-BASH NA BADING SI BIMBY


Showbiz news

Ayon sa malapit na kaibigan at tagapagtanggol ng pamilya Aquino na si Dindo Balares, dating Entertainment editor ng Balita, pinaninindigan nito ang pagiging “straight” ng anak ni Kris Aquino na si Bimby Yap base sa kanyang post sa Instagram (IG) noong August 23, 2024. 


May ilang netizens kasi ang pumupuna sa pagiging “malamya” ng anak ni James Yap kay Kris, subalit pinangangatawanan at ipinaglalaban ni Dindo na nakasubaybay sa paglaki ni Bimby na walang dudang straight ang 17-anyos nang binata.


Nakapag-react si Dindo matapos lumabas sa Facebook (FB) ang ilang larawan ng gay couple na ang isa ay kamukha umano ni Bimby, habang naghahalikan sa tabi ng beach. 

Aniya, hawig lang ni Bimby ang guy sa photo at hindi si Bimby mismo.


Depensa ni Dindo, “Pati mga kaibigan ko sa entertainment media, nagme-message at nagtatanong tuloy sa ‘kin (kahit madaling-araw) kung si Bimby daw ba talaga ang nasa photos sa lumabas na fake news. Imagine, kung pati journalists nga, nagdadalawang-isip at halos makapaniwala na ng fake news, eh, di lalo na ang publiko.


“Sa comment threads (@), as usual, andami nang homophobic condemnations, judgments, at mahahalay na sinasabi. Sa photos na galing pala sa post na kuha sa engagement sa beach ng masayang gay couple, parang may hawig kasi kay Bimb ang isa dahil sa built ng katawan, eyeglasses, at pati gupit ng buhok. Kagamit-gamit para kumita sa social media.


“Pero ‘di si Bimb ‘yan. Napakarami kong kaibigang gays at madalas silang magkuwentuhan kung tunay na lalaki o closet queen ang isang minchung. (Ang lumang word, hahahaha! Sorry na agad, mga kapatid! Hahahaha!)”


Ayon kay Dindo, noong baguhan pa lamang siya sa showbiz ay naranasan din niyang “ma-scrutinize muna ng mga batikan at beteranong showbiz writers kung straight ba talaga o "ateng" din. At sa tagal na raw niya sa entertainment beat, natuto na rin siya kung paano “umamoy ng closet queen”. Pinangangatawanan ni Dindo, “Straight si Bim.”


Well, napuna lang namin, mabuti pa si Dindo at naipagtanggol si Bimby, pero bakit kaya si James Yap, nananahimik lang at 'di man lang maidepensa ang anak sa mga bashers nito?

 


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 30, 2024



Showbiz news

Isa si Albie Casiño sa mga kanasa-nasa nating aktor dahil sa pagiging tisoy, flawless at maskuladong pangangatawan.


Naisip tuloy ng ilang nasa showbiz kung nasilipan o nabosohan ba siya noong nasa Pinoy Big Brother (PBB) house pa siya bilang housemate ng PBB Kumunity Season 10 noong 2021. May mga tasks kasi ang mga housemates na sila’y naligo sa swimming pool sa loob ng bahay ni Kuya.


Agad namang sinagot ng actor ang tanong, “‘Di ako sure. Siguro nu’ng nasa PBB [house] ako, panay camera du’n.” 


Aware naman ang aktor na may mga camera sa loob ng banyo ng PBB house at laging may nakatutok na camera sa mga housemates na gaya niya. 


Tinanong ang aktor kung nakakasiguro ba siyang hindi lalabas ang video na kuha mula sa PBB bathroom.


Sey ni Albie, “Ang iniisip ko lang, sa tagal ng PBB, kung may chance na lumabas ‘yun, may lumabas na dati pa.”


Samantala, dahil kontrobersiyal ngayon ang isyu sa harassment among showbiz stars kung saan nasangkot nga sina Sandro Muhlach, Gerald Santos, ang news researcher ng TV5, at ang latest ay si Ahron Villena, na pawang sumisigaw ng hustisya sa naranasang harassment sa kanilang kasamahan sa trabaho, sa media conference ng Vivamax movie na Butas nu'ng Martes (Agosto 27), tinanong ang lead actor nitong si Albie tungkol sa sexual harassment sa mga male celebrities. 


Ani Albie, “I always speak for myself but I don’t want to speak and maybe invalidate other people. So, ‘yun ang unang-una kong sasabihin. 


“Everything I can say right now is only based on my sole experience. I can’t talk about anyone else’s experience other than my own because everybody has the right to live their own experience.


“But this is, like I’ve said, my experience.”


Sey pa ng aktor, “Never naman may nangyari where I felt taken advantage of. Never! I’ve worked with multiple directors and I’ve had to wear plaster multiple times, and I’ve never felt violated. 


“Thank God na rin that it never happened to me. But like I said, I don’t wanna be invalidating anyone else’s experience.”


Sa panayam kay Albie sa mediacon, hindi niya tahasang binanggit ang pangalan ni Direk Joel Lamangan, pero iginiit niyang hindi siya nagkaroon ng masamang karanasan sa direktor na ilang beses na niyang nakatrabaho. 


Nakatrabaho ni Albie si Direk Joel sa drama films na Rainbow’s Sunset (2018), Isa Pang Bahaghari (2020), Moonlight Butterfly (2022), at sa Vivamax movie na Biyak (2022). 

Saad ni Albie Casiño, “I’ve never had anything bad... I want to say something kasi I feel like this director I’ve worked with before is kinda under fire.


“But like I said, I’ve worked with him and nothing bad ever happened.”



 
 
RECOMMENDED
bottom of page