Tamang hinala... Kuya pinagsasaksak, todas

June 22, 2020

Tuluyan nang natuldukan ang matagal nang alitan ng mag-utol nang pagsasaksakin ng nakababatang kapatid ang kanyang kuya sa Imus City, Cavite kamakalawa.

 

Isinugod sa Our Lady of the Pilar Hospital ang biktimang si Jessieco Arsolon, 31, may-asawa, vendor, ng Bgy. Alapan 1-A, pero namatay din habang ginagamot dahil sa tama ng saksak sa kanyang tiyan na gawa ng kapatid na si Cristian, 23.

 

Sa ulat ni Corporal Jessie Villanueva, taong 2018 ay may alitan na ang magkapatid na Arsolon dahil sa hinala ng nakababatang kapatid na siya ang pinagbibintangang gumahasa sa anak ni Jessieco.

 

Bago naganap ang insidente ay dumating ang batang Arsolon sa kanilang bahay alas-10:00 ng gabi na lasing at muling naungkat ang alitan ng dalawa na bagama’t magkasama sa bahay ay may namumuong hindi pagkakaunawan dahilan upang magkaroon ng pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang kanyang kuya.

 

“Hindi naman siya (suspek) ang direktang pinagbibintangan dahil may suspek ang mag-asawa, pero sa tuwing magtatalo ang magkapatid lalo kung lasing ang suspek ay palaging inuungkat ang pangyayari” ayon kay Vilanueva.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.