Sey mo, Julia? IVANA, UMAMING TYPE SI JOSHUA

June 22, 2020

Erlinda Rapadas / Teka Nga

  

 

Sa one-on-one interview ni Toni Gonzaga kay Ivana Alawi sa programang I Can Feel U, natanong ang bagong Pantasya ng Bayan kung ano ang kanyang iniyakan at kung saan siya nasaktan nang husto nang pasukin niya ang showbiz.

 

Nakatikim din ba siya ng pang-aalipusta sa ginawa niyang pagpapa-sexy para lang mapansin at mabigyan ng projects?

 

Pagtatapat ni Ivana, mismong mga itinuturing niyang matatalik na kaibigan pa ang unang nanlait sa kanya at sinabihan siyang walang mararating kahit na magpa-sexy pa.

 

Labis na ikinasasama rin ng loob ni Ivana ang madalas na sabihin ng mga netizens na "Hubadera ka lang" na sobrang nanghamak sa kanyang pagkatao.

 

Kaya naman nagsikap siya upang patunayan sa lahat na hindi lang paghuhubad ang kaya niyang gawin. Maraming gustong gawin si Ivana nang mabigyan ng break sa showbiz. Pangarap niyang makasama sa movie sina Joshua Garcia at Marco Gumabao.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.