Pati PWD... 2 yrs. old, ginagamit sa cybersex

June 22, 2020

Kalaboso ngayon ang 30-anyos na babae na itinuturong nag-aalok ng sariling anak at kapatid na may kapansanan sa online sex trade.

 

Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police Women and Children Protection Center, Anti Trafficking in Persons Division (PNP-WCPC-ATIPD), Taguig City Police Office (TCPO) at City Social Welfare and Development Office ang suspek kasunod ng raid sa bahay nito sa Taguig City.

 

Nasagip ng mga awtoridad ang mga menor-de-edad na umano'y ibinubugaw sa online sex. Kabilang sa mga biktima ay ang dalawang taong gulang na lalaki.

 

Ang iba pang lalaking biktima ay may edad na 4, 11 at 14 habang may dalawang babae rin na mga biktima na edad 3 at 15.

 

Kasama rin sa mga biktima ang 27-anyos na kapatid ng suspek na sinasabing may problema sa pandinig at ang pinakabatang biktima ay anak nito.

 

Nasamsam ng pulisya mula sa suspek ang mobile phone, dalawang resibo ng money transfer at isang USB flash drive na ginagamit umano ng suspek sa krimen.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.