Bigtime tulak sa Davao City, tiklo

June 22, 2020

DAVAO CITY — Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Mc Arthur Highway, Matina District.

 

Hindi muna pinangalanan ang suspek habang isinasailalim ito sa masusing imbestigasyon.

 

Ayon sa ulat, may nakuhang impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar na naging dahilan kaya nadakip ang bigtime drug pusher.

 

Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng walong pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

 

Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.