30,052 positibo sa COVID-19

June 22, 2020

Umakyat na sa 30,052 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

 

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 653 na karagdagan pang kaso.

 

Sa mga bagong bilang na ito ay 415 ang fresh cases habang 238 naman ang late cases.

 

Sa mga fresh cases, 219 ang mula sa National Capital Region, 89 sa Region 7, ang 107 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

 

Sa mga late cases naman, ang 32 ay mula sa NCR, 177 mula sa Region 7 at 29 naman sa iba pang lugar sa bansa.

 

May naitala namang 243 na nakarekober mula sa sakit. Dahil dito, umakyat na sa 7,893 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

 

May 19 namang naitalang nasawi dahil sa covid-19. Nilinaw naman ng DOH na sa 19 na nasawi, ang 15 rito ay naganap noong Hunyo 3 hanggang 16.

 

Sa ngayon, umabot na sa 1,169 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa covid-19.

 

Samantala, nilinaw ng DOH na sa kabuuang bilang ng covid-19 cases na kanilang naitala, isa ang inalis dahil batay sa kanilang beripikasyon ay nadoble.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.