Tamang pagsusuot ng face mask, ipinaalala ng DOH

June 20, 2020

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa tamang pagsusuot ng face masks sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng covid-19.

 

Paalala ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire, sa pagsusuot ng face mask dapat natatakpan ang ilong at bibig, kung saan sinasabing naipapasa ang virus.

 

Hindi aniya dapat na sa baba lamang nakasuot ang face masks.

 

Una nang sinabi ng DOH na anumang uri ng community quarantine ang umiiral sa isang lugar ay dapat pa ring magsuot ng face masks paglabas ng bahay.

 

Bahagi na anila ito ng new normal ngayon upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

 

Maliban sa pagsusuot ng face masks, ilan pa sa mga isinusulong ng DOH upang maiwasan ang hawahan ng virus ay ang regular na paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng ilong at bibig kung uubo at pag-obserba sa physical distancing.

 

Hindi aniya magbabago ang pamantayan na ito at kailangang gawin kapag nasa labas ng bahay.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.