Nagpapanggap na may kapansanan para maka-discount, dumami | Hirit sa gobyerno: Bagong PWD ID

June 20, 2020

Pinakikilos ng ilang kongresista ang Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG) at National Council on Disability Affairs (NCDA) para repasuhin ang implementasyon ng Republic Act 10754 o ang Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability (PWD) at maglunsad ng crackdown laban sa mga nagpapanggap na may kapansanan.


Tinukoy nina Congressmen Ronnie Ong ng Ang Probinsyano Partylist at ACT CIS Partylist Rep. Eric Yap ang ilang mga hindi awtorisadong gumagamit ng PWD ID para makakuha ng awtomatikong 20-porsiyentong diskuwento sa mga produkto, gamot at serbisyo.


Kapwa iginiit nina Ong at Yap na lalong pinahihirapan at pinalulugi ng ilang manloloko ang mga negosyong apektado rin ng covid-19 pandemic at inaagawan din nito ng benepisyo ang mga tunay na PWD.


"These fake PWDs are bad for businesses, especially for small ones. They are faking their disability and are abusing the PWD Law just to get discounts. Our business sector is barely surviving these days and it is the duty of the government to make sure that they are protected from these kinds of consumer abuse," ani Ong.


Ipinunto ng mga kongresista na ang kasalukuyang batas patungkol sa benepisyo ng mga PWD ay kulang sa safeguards laban sa mga nagpapanggap na may kapansanan at hindi rin pare-pareho ang ipinakikitang dokumento na patunay na lehitimong PWD.


Nais nina Ong at Yap na bawiin ang lahat ng lumang PWD IDs at magbigay ng bagong IDs pagkatapos dumaan ng beripikasyon ng Department of Health o NCDA.


Kailangan na rin anila na lumikha ng database ng mga PWD at magkaroon sila ng sariling Quick Response codes (QR Codes) ot machine-readable bar codes na madaling mabi-verify online kapag hihingi ng diskuwento.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.