top of page
Search
  • Madel Moratillo

27,238 positibo sa COVID-19


Umakyat na sa 27,238 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 457 na karagdagan pang kaso. Sa mga bagong bilang na ito ay 342 ang fresh cases habang 115 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases, 144 ang mula sa National Capital Region, 101 sa Region 7, ang 97 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

Sa mga late cases naman, ang 29 ay mula sa NCR, 59 mula sa Region 7 at 27 naman sa iba pang lugar sa bansa.

May naitala namang 268 na nakarekober mula sa sakit. Dahil dito, umakyat na sa 6,820 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

May 5 namang naitalang nasawi dahil sa covid-19. Sa ngayon, umabot na sa 1,108 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa covid-19.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page