top of page
Search
  • Gina Pleñago

Pinakamataas na COVID-19 recoveries, naitala sa Las Piñas


Naitala ngayong araw, Mayo 27 ang pinakamaraming bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa Coronavirus Disease 2019 sa Las Piñas City.

Ito ay dahil sa puspusang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga kaso ng COVID-19 sa dalawampung (20) barangay ng lungsod.

Ayon sa ulat ni Las Piñas City Health Office (LPCHO) Chief, Dr. Ferdinand Eusebio, 13 pasyente ang nakarekober sa virus.

Kabilang sa mga gumaling na pasyente ngayong araw ay nagmula sa BF International-CAA, Daniel Fajardo, Manuyo Dos, Pamplona Tres, Pulanglupa Dos, Talon Dos, Talon Tres at Talon Singko.

"Ikinatutuwa ko ang malaking bilang ng paggaling ng mga pasyente at nagbigay ito ng magandang impresiyon sa pagbuti ng kalagayan ng COVID-19 cases sa ating lungsod," sabi ni Dr. Eusebio.

Nabatid na nasa 264 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 121 rito ang gumaling o nakarekober na sa sakit, 29 ang nasawi, 1 sa probable at 53 naman sa suspect.

Inihayag pa ni Dr. Eusebio na lalo pa nilang pinaigting ang isinasagawang screening at contact tracing sa mga residenteng posibleng nakasalamuha o na-expose sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Patuloy din ang isinasagawang Expanded Targeted Testing ng lokal na pamahalaan at nakalatag ang mga hakbang at protocol upang bantayan ang seguridad sa kalusugan ng mga Las Piñeros sa panahon ng krisis.

Target ng LPCHO na makapagsagawa ng rapid at swab testings ng 150 hanggang 200 katao bawat araw.

Natuwa naman ni Mayor Imelda "Mel" Aguilar ang pagtaas ng bilang ng recoveries sa siyudad. Sa datos ng LPCHO nitong Mayo 26, 2020, umabot na sa 3,067 katao na ang naisalang sa swabbing test at 1,983 naman sa rapid testing.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page