top of page
Search
  • Gina Pleñago​

Okada, magtatanggal ng higit 1,000 empleyado


HINDI kagandahang balita sa mga empleyado ng Okada Manila matapos ihayag ng management nito na magbabawas ng mga empleyado sa pamamagitan ng retrenchment program.

Ayon kay Takeshi Oya, presidente ng Okada Manila, isa itong katotohanan na hindi puwedeng matakasan ng kumpanya dahil sa new normal na darating.

Ang hindi pagkakaroon ng anumang kita mula nang mag-lockdown ay dahilan umano ng pagbaba ng kita o pagkalugi ng kumpanya.

Kung hindi umano gagawa ng hakbang lalaki o mas higit na tataas pa ang pagkalugi.

Napilitan umano ang Okada Manila na baguhin ang paraan ng pagnenegosyo nito.

Nangangahulugang mangangailangan lamang ito ang maliit na workforce o kakaunting manggagawa para manatili ang operasyon.

Kailangan nitong tanggalin sa trabaho ang higit sa 1,000 mga empleyado.

Ang mga maaapektuhan ay padadalhan ng notice simula sa Hunyo 15, at makatatanggap ng separation pay na naaayon sa batas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page