top of page
Search
  • Vinia Vivar

HEART, AMINADONG 'DI PA RIN KUNTENTO KAHIT SUPER-DAMI NA NG DATUNG


Tagos sa puso ang naging online kuwentuhan nina Jessica Soho at tinaguriang 'Queen of Creative Collaborations' na si Heart Evangelista sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Dito, ibinahagi ni Heart ang mga nararanasang anxieties at depression bunsod ng mga pinagdaraanan sa personal niyang buhay.

Aniya, "Without me knowing, 'yung pressure ng social media, iyong pressure ng tao, dapat lagi kang maganda, kailangan lagi kang nauuna. Although hindi naman ako super ganu'n, siguro subconsciously minsan, 'pag may mga nasasabi tungkol sa 'yo, akala mo, hindi ka naapektuhan, but then it affects you. And, nagpa-pile up siya."

May mensahe rin si Heart sa mga humuhusga sa kanya.

"In fact, gusto ko siyang pag-usapan kasi porke't nakikita nilang maganda 'yung suot mo, mahal 'yung bag mo, you're living the life, feeling nila, okay ka lang saktan. Feeling nila, perpekto 'yung buhay ko, na sa akin na ang lahat, it's not,” she said.

Ngayon ay patuloy pa rin ang pangangalap ni Heart ng tulong para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic. Sa kanyang free time naman ay inaaliw ni Heart ang sarili sa pamamagitan ng kanyang TikTok videos at vlog.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page