top of page
Search
  • BRT​

4 bebot, tiklo sa P40-m worth ng shabu

Bohol—Apat na babae ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng P40 milyon halaga ng shabu kamakalawa sa Bgy. Dampas, Tagbiliran City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Lelit Sinugbojan, Chellomae Curayag, Junalyn Matura at Humprey Cenabre, pawang nakatira sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa pulisya na nagbebenta ng shabu ang mga suspek kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar at dito inaresto ang apat na babaeng drug pushers.

Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng dalawang kilo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page