Metro Manila mayors, pabor sa GCQ sa NCR simula June 1

May 26, 2020

 

Payag ang mga alkalde sa Metro Manila na maisailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang rehiyon simula sa Hunyo 1 sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019.
 

Walang tumutol o unanimous ang boto ng 17 alkalde na mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC).
 

Gayunman, ipinahayag ng MMC na susunod pa rin sila sa magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Disease patungkol sa magiging polisiya ng pamahalaan sa sandaling matapos ang pagpapairal ng modified enhanced community quarantine.
 

Sa isang pahayag, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na pinagbatayan ng mga alkalde ang epekto sa ekonomiya ng lockdown kaya't nagpasya silang pabor ang pagpapaluwag ng quarantine protocols.
 

"Unanimously po, 'yung ating NCR mayors acceptable sa GCQ. We will wait for the decision of IATF," ani Garcia.
 

Sinabi pa ni Garcia na pupuwede pa rin namang magpatupad ng lockdown ang LGUs sa partikular na mga lugar lamang na may mataas na kaso ng COVID-19.
 

"They will have the power, 'yun 'yung suggestions na puwede na allowed pa rin mag-lockdown ang local government units if ever makita nila na problematic 'yung area na 'yun," dagdag pa nito. 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.