top of page
Search
  • BRT

200,000 empleyado, natulungan na ng DOLE


Aabot sa halos 200,000 empleyado na apektado ng banta ng covid-19 ang nabigyan na ng tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa pahayag ng DOLE, nasa P622 million na cash assistance ang napamahagi na sa mga benepisyaryo ng COVID Adjustment Measures Program (CAMP) at Tulong Panghanapbuhay sa Displaced/Disadvantaged Workers-Barangay ako Bahay Ko (TUPAD-BKBK) program.

Aabot sa 102,895 formal sector workers sa ilalim ng CAMP program at nasa 80,000 na trabahador mula sa informal sector sa pamamagitan ng TUPAD BKBK program ang nakatanggap ng P5,000 cash assistance.

Samantala, target ngayon ng DOLE na mabigyan ng ayuda ang nasa 350,000 formal at informal sector workers sa kalagitnaan ng Abril kung saan gagamitin nila ang P1.5 billion na pondo.

Mangangailangan naman sila ng karagdagang P5 bilyon sa katapusan ng Abril para naman mabigyan din ng tulong pinansiyal ang mga empleyado ng krisis ng COVID-19 na lumobo na sa 600,000 ang bilang base na rin sa field monitoring reports ng DOLE.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page