top of page
Search
  • Lolet Abania​

$1400 USD multa sa kakain ng aso o pusa sa Shenzhen, China


SHENZHEN – Ito ang kauna-unahang siyudad sa southeastern China na ipinagbawal ang pagkain ng mga aso at pusa, pahayag ng lokal na pamahalaan doon.

Ayon sa bagong panuntunan na epektibo sa May 1, magiging ilegal na ang pagkain ng mga hayop na inaalagaan o alagang hayop.

Noong Pebrero, matapos ang coronavirus outbreak, agad na naipasa ang batas sa China tungkol sa pagkain ng mga wild animals kung saan, ilegal at ipinagbabawal na, pero hindi ito naging madali dahil patuloy pa rin ang kalakalan nito.

Subalit sa Shenzhen, ipinagbawal na ang pagkain ng mga state-protected wild animals o mga mababangis na hayop na inaalagaan ng gobyerno at iba pang terrestrial wild animals na nakuha sa gubat, gayundin ang mga captive-bred o nahuling hayop upang paramihin at farmed terrestrial wild species o mga hayop na nagmula sa mga bukirin.

Dagdag pa rito, ang pagkain ng mga hayop na pinapalaki at inaalagaan, tulad ng pusa at aso ay ipagbabawal na sa naturang siyudad.

Ang pinahihintulutan lamang kainin ay baboy, baka, tupa, asno, rabbit, manok, pato, gansa, pigeon, quail o pugo, at aquatic animals o mga hayop na nabubuhay sa tubig at walang anumang batas doon na nagbabawal sa pagkain nito.

May karampatang multa ang sinumang mahuhuling lalabag sa batas. “If convicted, they will be subjected to a fine of 30 times of the wild animal’s value if the animal is above the value of 10,000CNY ($1400 USD),” ayon sa awtoridad.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page