top of page
Search
  • Ronalyn Seminiano Reonico

Mocha, todo-pakalat ng fake news, ipinaaaresto

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Heart, nabiktima ng panloloko sa socmed

Pumipili si Heart Evangelista araw-araw ng limang netizens na humihingi sa kanya ng tulong, pero minsan, kapag kaya niya ay sinisikap din niyang makatulong nang higit pa sa lima.

May mga netizens na humihingi ng tulong sa kanya para sa mga kaanak nilang PWD, may sakit, gipit sa pinansiyal, atbp..

Hindi idinedetalye ni Heart kung paano niya ipinapaabot ang tulong sa mga netizens pero makikita sa kanyang Twitter account na nire-reply-an niya ang mga netizens na humihingi ng tulong at sinasabihan niyang i-check ng mga ito ang direct messages na isinend niya.

Maganda ang ginagawang pagtulong ni Heart ngunit sadyang may mga tao lang talaga na mapang-abuso sa kapwa.

Post ni Heart sa Twitter, “Please be honest with me. I just wanna help as much as I can… give chance to others. I still sent help 2x kahit alam kong you’re the same person knowing you might just be in a bad place. But I know (crying emoji).”

Komento tuloy ng mga netizens: “Heart, ‘wag ibigay lahat. Ibigay mo sa mas deserving. ‘Yung totoong nangangailangan ng tulong at hindi mapagsamantala. God bless you.”

“Miss Heart, huwag magpaabuso. Hinay-hinay lang sa pagtulong. Marami pa ring mapagsamantala.”

“Aww! Nakakalungkot naman ‘yung ganito. You are lucky enough to be chosen guys, kaya sana, ‘wag tayong abusado…”

Sa totoo lang, grabe na nga ang effort ni Heart dahil bukod sa pamimigay ng tulong sa mga frontliners at health workers ay nagri-reach out din siya sa mga netizens kaya sana ay huwag nang umabuso ang iba dahil marami ang nangangailangan sa ganitong panahon ng krisis.

***

MOCHA, TODO-PAKALAT NG FAKE NEWS, IPINAAARESTO

TRENDING sa social media si Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Mocha Uson dahil gusto ng mga netizens na arestuhin siya kaugnay ng pagpapakalat diumano ng fake news.

Nag-post si Mocha sa kanyang Facebook at Twitter accounts ng screenshot ng artikulong may titulong: “Hilbay joins calls for Mocha’s arrest after posting ‘fake news’ in her blog.”

Sa panimula ng nakasaad sa screenshot, mababasang: “Former Solicitor General Florin ‘Pilo’ Hilbay on Friday joined calls of netizens for Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Margaux ‘Mocha’ Uson to be arrested for violating the ‘Bayanihan to Heal as One Act.’”

Samantala, may mensahe si Mocha para kay Hilbay na ipinost din niya sa kanyang socmed accounts at parte nito, aniya, “Mr. Hilbay, hindi po ako makapaniwala na naging Sol. Gen po kayo. Malinaw po ang nakalagay sa provision ng Bayanihan to Heal as One Act: ‘…Clearly geared to create chaos, panic, anarchy, fear, or confusion…’

“Kung tutuusin po, ang mas pasok diyan ay ang mga ipinakalat ng mga anti-Duterte at ilang main stream media regarding sa statement ng pangulo na ‘shoot them dead.’ Malinaw po na ito ay addressed sa mga leftist groups na manggugulo at magiging banta sa buhay ng mga pulis at military, pero dahil sa kagustuhan n’yo na linlangin ang mga tao, iba ang ipinapalabas n’yo.”

Komento naman ng mga netizens: “Hindi rin kami makapaniwala na may puwesto ka sa gobyerno, eh, wala ka namang ginagawa kundi maglabas ng fake news. Ay, meron pa pala, ‘yung ilipat ang mga lugar sa Pilipinas.”

“Ako rin, hindi makapaniwala na nasa OWWA ka… may civil service eligibility ka ba? Nagsa-submit ng SALN? #ArrestMochaNOW.”

‘Kaloka naman ang tweet ni Ethel Booba tungkol kay Mocha. Ipinost niya ang balita ng CNN Philippines na may titulong: “UPDATE: Mocha Uson issues an erratum and apologizes for the wrong photo in what she calls a ‘meme’” kasama ang socmed post mismo ni Mocha na “ERRATUM: I apologize for the misleading content on the meme attributed to the Philstar article ‘First Batch of 1 Million PPEs Delivered,’ posted yesterday, April 2, 7:00 PM.

“The photo used on the meme I have posted was taken directly from Philstar.com, which has since been updated with a new image by the said website.

“Thank you for calling out my attention regarding this matter. Your feedback is truly appreciated and rest assured that I am doing my best to deliver accurate and transparent information for the public.”

Sey ni Ethel, “You have the right to remain silent. Anything you say can be used against you in court. You have the right to talk to a lawyer for advice before we ask you any questions. – NBI. Charot!”

Sey tuloy ng mga netizens: “Jusko po! Ano pa ba ang aasahan natin kay Mocha? Parang ‘di naman kayo sanay!”

“I thought you were doing a citizen’s arrest on Mocha, Ms. Ethel. You were referring her case to the NBI pala.”

“Pakisabihan ‘yan, ang kalat niya, Sis.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page