Lockdown, posibleng i-extend ng 15 days

April 4, 2020

 

Pinag-aaralan ng gobyerno ang posibleng extension ng enhanced community quarantine sa Luzon ng 15 araw upang masigurong hindi kakalat ang Coronavirus Disease 2019.

 

Ayon kay Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng National Task Force (NTF) ng gobyerno kontra Covid-19, tinitingnan nila ang reference model at mahirap ang magmadali lalo’t maraming bansa ang nag-lift ng lockdown pero, ibinalik din dahil may pagkalat pa rin ng virus.

 

"Pinag-aaralan pa natin (kung mae-extend). Premature po kung mag-a-announce tayo ngayon, pero i-involve natin ang mga scientists natin, and ating mga doktor, specialists na titingnan po ang mga reference model ng ibang bansa," ani Galvez.

 

"Mahirap na mag-rush tayo sa normalcy tapos babalik sa lockdown. May mga countries, dalawa, tatlong lockdown sila kasi 'pag nare-relax, bumabalik ang surge ng new cases. Pag-aaralan natin na isang bagsak na lang na ma-extend natin ng 15 days para ma-sustain natin 'yung magandang nagawa ng lockdown," saad ng opisyal.

 

Malaki aniya ang naitulong ng Luzon lockdown sa pagbagal ng pagkalat ng nakamamatay na virus.

 

"Maganda po ang nagawa ng lockdown. Na-slow down ng lockdown ang spread ng virus. With that, nakita namin na malaki ang possibility na magkakaroon ng lockdown ng 15 more days," dagdag pa nito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr