top of page
Search
  • Beth Gelena

Vice, ibinulgar na todo-iwas sa kanila ang utol na doktor sa takot na makahawa ng COVID

Beth Gelena / Bulgary Files

Hipon girl, wa’ na makain, nagpasaklolo kay Willie

Habang nagmumuni-muni ang Wowowin host na si Willie Revillame sa kanyang beach house sa Puerto Galera ay nakatanggap siya ng tawag mula sa lady co-host na si Hipon Girl (Herlene Nicole Budol).

Napahagalpak si Kuya Wil sa video call nila nang sabihin ni Hipon kung bakit siya tumawag.

Ani Hipon, wala na raw silang makain ng kanilang pamilya. Kumbaga, humihingi ng saklolo ang lady co-host sa Wowowin host.

Tanging siomai at okra na lang daw ang kinakain nila.

Ayon pa kay Hipon, hindi naman siya makalabas dahil sinusunod niya ang protocol ng enhanced community quarantine.

♥♥♥

Vice, ibinulgar na todo-iwas sa kanila ang utol na doktor sa takot na makahawa ng COVID

Sobrang nababahala si Vice Ganda sa kalagayan ng kanyang kapatid na doktora na si Dra. Tina Viceral.

Silang mga doktor kasi ang nakikipagbuno para labanan ang pandemic COVID-19.

Esplika ni Vice, kapag umuuwi raw ang kanyang sister ay hindi na nito nakakakuwentuhan o nakakasalamuha ang mga kasama sa bahay. Tuluy-tuloy na raw agad sa kuwarto si Dra. Tina to avoid the possibility na baka may virus siyang dala.

Ayon pa sa It’s Showtime host, ipinapakita na lang daw niyang matapang at matatag siya para makapag-concentrate sa trabaho bilang doktor ang kanyang kapatid.

Pagbabahagi ni Vice: “'Yung ate ko kasi, alam mo, 'yun ang nagpapabigat sa akin every day. Kasi 'yung ate ko ay doctor, she goes to the hospital every now and then. So exposed siya. Ang lungkot ng buhay niya kasi ospital, tapos kapag uuwi siya ng bahay, hindi siya puwedeng lumabas ng kuwarto. Hindi niya nakakasalamuha ang nanay ko, hindi siya puwedeng tumabi sa nanay ko kasi ang nanay ko ay matanda na.

“So, pagkagaling sa ospital, from sasakyan, diretso ng kuwarto, tapos dinadalhan lang siya ng pagkain.

“Alam mo, nakakaawa ‘yung pagkain niyang inaabot lang sa pinto. Kasi nga exposed siya.

“Every day, hinaharap namin 'yung fear na baka… hindi ba? Kasi exposed nga siya sa danger.

"Kaya noong nakaraan, nagte-text siya sa akin kasi natatakot siya, pero kailangan niyang gampanan ang trabaho niya bilang doktor.

“Siyempre, kailangan kong maging malakas kasi sa pamilya namin, parang ako 'yung panganay. Hindi ako puwedeng mahina, so kailangan, malakas ako.

“Tinext ko lang siya ng isang linya. Sabi ko, ‘Your faith must always be stronger than your fears.’ 'Yun lang ang itinext ko. Hindi ako puwedeng magparamdam na natatakot ako para sa kanya, kasi baka lalo siyang matakot.”

Ang best way na lang daw na maitutulong niya rito ay PRAYER.

♥♥♥

Mayor Vico, lumabag daw sa batas, ipinatawag…

Karla sa NBI: Maging makatarungan naman!

Maraming celebrities ang sumusuporta at nagtatanggol ngayon kay Pasig Mayor Vico Sotto matapos ipatawag ng NBI dahil sa paglabag umano sa Bayanihan Act kaugnay ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sanhi ng Coronavirus Disease.

Pinayagan kasi ni Mayor Vico ang mga tricycle drivers sa Pasig na bumiyahe nu’ng March 17 at ipinatigil ng DILG ang tricycle operation nu'ng March 19. Ang Bayanihan Act naman ay napirmahan last March 24.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, ang principal author ng batas, "The law cannot be applied retroactively."

“NBI will be well-advised to be cautious in their interpretation of the law I principally authored. Any so called violation of RA 11469 can't be retroactive!”

Marami tuloy mga celebrities at netizens ang nanlumo at nagalit sa ginawa ng ahensiya ng gobyerno. Isa sa mga naglabas ng opinyon ay si Karla Estrada.

Aniya, “Kung sino pa ang naglilingkod nang tapat at totoong may pagmamahal sa kapwa, 'yun pa talaga ang igigiit. Mas maraming walang hiya r'yan. 'Yun ang istorbohin n'yo. Maging makatarungan naman. #ProtectVicoAtAllCost.”

Sey naman ni Jodi Santamaria, “Si Vico Sotto talaga?! Bakit NBI? Ano meron? Eh, 'yung iba? Nakakapanghina na minsan 'yung mga desisyon n'yo.”

Sabi naman ni Lauren Young, “You can call me laos, starlet or p**pok all you want ‘coz of how I tweet my opinions about our government. But he sought after this position – and I don’t agree with what's happening. Sorry if the truth hurts but you can’t deny it especially when it's staring right at your face.”

♥♥♥

Sa social media account naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto, may sagot siya hinggil sa imbitasyon ng NBI.

Ani Mayor Vico, “They’re asking for an ‘explanation’ on the alleged violation of the Bayanihan to Heal as One (e.g. continuous tricycle operation).

“We complied with all directives. Hindi po illegal magbigay ng opinion.

“At alam kaya nila na March 24 naging batas ang Bayanihan Act?”

Sabi naman ng mga netizens…

“'Di s'ya kaalyado ng administrasyon kaya ginigipit?!”

“Kapag working mayor, ginigipit. Tingnan nila 'yang Anti-Graft ng NBI na 'yan. Wala pa 'yang nahuli sa Customs at BIR. May insider kasi sila na bulok. Dapat 'yan, mapaimbestigahan. Pati 'yung mga mayor na walang ginagawa. Deriliction of duty at negligence.”

“F*cks#!+ Ano'ng k*tangahan ng gobyerno 'to? Nakakamura.. Ipahanap n'yo 'yung mga pulitiko na nagtatago.. buwisit.”

Grabe!!! Kelan kaya bubuti ang gobyerno ng Pilipinas?

♥♥♥

Maraming Koreanovela fanatics ang gustong i-adapt ang Crash Landing On You.

Isa sa mga choices na gusto nilang gumanap bilang si Capt. Ri Jeong Hyuk (Hyun Bin) ay si Matteo Guidicelli at ang misis naman niyang si Sarah Geronimo ang gusto nilang gumanap bilang si Yoon Se Ri (Son Ye Jin).

'Kaaliw nga ang ginawang poster ng mga netizens. Pinagtabi nila ang larawan nina Hyun Bin at Yoon Se Ri at ang piktyur ng AshMatt.

Tinawag nilang “Range G” si Matteo at “Se-rah G!” naman si Sarah.

Nag-react ang aktor sa picture ng CLOY at sa kanilang mag-asawa.

Tweet din ni Matteo nang papiliin siya between Yoon Se Ri at Sarah, “I choose Sarah G!”

Sabi tuloy ng isang netizen, “Naman. Haha! Takot ata si mister patulugin sa labas. Charot!”

♥♥♥

TANONG ng netizen sa socmed account ni Ellen Adarna, “I am curious what really happened, why you and John Lloyd (Cruz) had fallen out..”

Sagot ni Ellen sa netizen, “Only God can answer this.”

Hanggang ngayon, wala pang tahasang kumpirmasyon mula sa ex-celebrity couple sa dahilan ng kanilang hiwalayan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page