top of page
Search
  • Gina Pleñago

PUVs, ipagamit na sa mga frontliners


Gamitin na ang public transport kabilang ang mga kolorum na sasakyan para serbisyuhan ang mga health workers at iba pang frontliners sa krisis ng bansa laban sa Coronavirus Disease 2019.

Ito ang sinabi ni dating Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Over-all Chairman at Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Roads, Tim Orbos sa kanyang panghihikayat sa gobyerno para sa mas mabilis at walang panghaharang na serbisyo sa mga frontliners.

Pansamantala, maaari umanong lagyan ng marka o label ang mga public utility vehicles (PUVs) na makatutulong na mabawasan ang problema sa sasakyan ng frontliners dahil kahit may nagseserbisyo, nalilimitahan ang kapasidad ng isang sasakyan sa umiiral na physical distancing.

Maging ang mga kolorum na van ay maaari ring aniyang gawing alternatibong ambulansiya para maghatid ng mga pasyente ngayong nagkukulang ng service ambulance para sa COVID-19 cases.

Hindi umano sapat ang shuttle services para matugunan ang mobility needs ng frontliners na nagagawa na lamang maglakad patungo sa kanilang trabaho.

Kung madaragdagan ang service vehicles, ang mga tinatawag na modern day heroes ay mababawasan ang pagod at hirap at mas magiging epektibo sila sa pag-asikaso sa mga pasyente.

Kaugnay nito, sinabi ni dating I-ACT Deputy Executive Director Elmer Argano na ngayon ang panahon na dapat matulungan ang general public sa nararanasang hirap at impact na dala ng COVID-19 pandemic.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page