top of page
Search
  • Lolet Abania

Pusa, nahawa ng COVID-19 sa kanyang amo


Hong Kong - Isang alagang pusa ang nagpositibo sa coronavirus matapos na makumpirma na ang kanyang amo ay mayroon nang COVID-19.

Ayon sa kagawaran ng Agricultural and Fisheries doon, hindi nakitaan ng anumang sintomas ng sakit ang pusa kaya walang ebidensiyang sa kanya nagsimula ang virus, gayundin, hindi dapat abandonahin ng may-ari ang kanyang alaga.

Ang World Health Organization ay nagpahayag sa kanilang website na walang matibay na ebidensiya na ang aso, pusa at iba pang alagang hayop na magdadala at maipapasa ang coronavirus sa tao.

Ang naturang pusa, ang ikatlong hayop na nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong, matapos ang dalawang aso na masuring positive sa virus. Patuloy ang pag-monitor at pag-eksamin sa pusa ng awtoridad.

Gayunman, kumuha ng samples mula sa bibig ng pusa, ilong at rectum, at nakumpirmang may virus, na naka-quarantine na noong Marso 30.

Samantala, may nai-report na isang pusa rin ang tinamaan ng sakit na coronavirus sa Belgium at pinaniniwalaang nahawa sa kanyang amo, pahayag ng Hong Kong Veterinary Association.

Ayon sa Veterinary Association, mabilis na nahahawahan ng sakit ang mga alagang hayop dahil sa sila ang mas expose at may direct contact sa kanilang amo at sa mga tao, subalit hindi sila delikado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page