top of page
Search
  • Gina Pleñago

'Pinas, todo-suporta sa global ceasefire


Kabilang ang Pilipinas sa panawagan ng United Nation na global ceasefire o pandaigdigang tigil-putukan sa harap ng COVID-19 pandemic.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sumama na rin ang Pilipinas sa 52 mga bansa na sumusuporta sa nasabing panawagan.

Ayon sa UN, kailangang isantabi ng buong mundo ang armed conflict at magtulungan para isalba ang mga buhay sa harap ng krisis.

Dapat anilang pagtuunan ng pansin ang pagsalba laban sa kumakalat na virus, sa mga kababaihan, bata, sibilyan, nakatatanda at mga detainees na naiipit ngayon sa giyera sa iba't ibang bansa.

Ang 53 mga bansa kabilang na ang Pilipinas ay sumusuporta sa World Health Organization, UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs at UNICEF sa pagsusumikap nito na mailikas at mailayo sa kumakalat na virus ang mga sibilyan na naiipit sa giyera mula sa mga bansa na may armed conflict.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page