top of page
Search
  • Lolet Abania

Missile facility ng Israel, gumagawa na ng ventilators


Jerusalem – Isang pasilidad na gumagawa ng missile ang isinaayos upang maging produksyon ng breathing machines na makakatulong sa pagsugpo sa coronavirus pandemic.

Ito ang inihayag ng Defense Ministry ng Israel, kung saan ang pagawaan ay ang state-owned Israel Aerospace Industries (IAI) na nakapag-produce na ng unang 30 ventilators.

Katuwang ang Inovytec na gumagawa ng medical devices at equipment sa Israel, asahan na makagagawa sila ng daan-daang machines kada linggo.

Sa katunayan, ang pasilidad ng IAI ay nagpo-produce ng U.S-Israeli “Arrow”, missile defense system ng bansa, satellites at ang “Beresheet”, isang spacecraft na nagbantay sa lunar landing noong nakaraang taon.

“Turning a missile production line into a ventilator assembly plant is a very complex task,” ayon kay Dr. Dani Gold, ministry official.

Samantala, may 5,300 kaso ng coronavirus ang Israel at 20 katao ang namatay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page