top of page
Search
  • BULGAR

Lolo patay sa sunog

LEYTE — Patay ang 65-anyos na lolo nang masunog ang kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Daja Diot, San Isidro.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Clemente Butal, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nag-iisa si Butal sa loob ng kanyang bahay nang sumiklab ang sunog.

Dahil sa katandaan ay hindi agad nakalabas ang biktima kaya kasama ito sa natupok ng apoy.

Samantala, inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page