top of page
Search
  • Vinia Vivar

Angelica, nagsalita na tungkol sa kanila ni Cholo

Nagpa-“Question and Answer” si Angelica Panganiban sa kanyang mga followers sa Twitter.

Isa sa mga tanong ay kung kaya pa ba niyang makasama sa isang project si Carlo Aquino at diretso ang naging sagot ng aktres na “Hindi na. I wish him well, pero hindi na."

Um-agree naman ang kanyang mga fans, maging ang mga CarGel supporters at sey nila, tama lang ang desisyon ng aktres.

“Enough is enough,” komento pa ng isa.

May nagtanong din kung gaano raw kahirap na makasama sa isang project ang isang ex at sagot ng aktres, “Maayos naman nu'ng una. Kasi, kilala n'yo na ang isa't isa.”

May isa namang nagtanong kung halimbawa raw na nasa isang bangka sila nina Glaiza de Castro at Bela Padilla at lulubog ito, sino ang una niyang sasagipin sa dalawang kaibigan.

“Tatalon ako kasama nila. Kasi ayoko na kung wala sila,” sagot ni Angelica.

Isa pang tanong ay kung kumusta na sila ni Cholo Barretto na as we all know ay na-link din sa kanya at sagot ng aktres, “Ako, okay naman. Siya rin daw.

Nag-aayos kami ng relief operation. So, baka magkita kami after ng 21 days quarantine ko.”

Consistent naman ang aktres nang tanungin kung ano pa ang gusto niyang ma-achieve sa buhay.

“Magka-baby,” sagot ni Angge.

Matatandaang lately ay parating sinasabi ng aktres na gusto na niyang magkaroon ng pamilya at magkaanak and understandable naman ito since ang pagiging isang ina naman talaga ang isa sa mga pinakagustong ma-achieve rin ng bawat babae.

Nang tanungin kung sino ang favorite love team niya, diretso niyang sagot, “KathNiel.”

Sa mga artistang gusto pa niyang makatrabaho, si Marian Rivera ang binanggit ni Angelica.

Tinanong din kung ano ang daily routine niya ngayong naka-enhanced community quarantine ang bansa at aniya, “'Pag ginising na 'ko ng mga pusa, lalagyan ko na sila ng pagkain. Tapos pagtitripan ko ang mga ulam na tira-tira. Today, laundry day ako. Mga 2 days 'yun. Puti at de-color. So, baka Wednesday ako magplantsa at magdilig ng halaman. Walis-walis everyday.

Tapos video call na sa mga friends.”

In fairness, nakakatuwa lang ang mga ganitong artista na nag-iisip ng ways para mapaligaya ang kanilang mga fans sa panahon ngayon ng krisis. Itong mga ganitong interaction at update ay napakahalaga para sa isang fan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page