top of page
Search
  • Beth Gelena

Dimples, ayaw na ikinumkumpara siya sa ibang artista

Beth Gelena / Bulgary Files

Sarah, ibinulgar ang buhay nila ni Matteo ngayong mag-asawa

Dati-rati ay nahihiya si Sarah Geronimo na ibahagi ang masasayang nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Pero sa ASAP Natin ‘To nu’ng Sunday ay napaamin siya ni Luis Manzano kung papaano nila isinelebreyt ang birthday ng husband niyang si Matteo Guidicelli.

Thru online lang ang performances ng mga ASAP Natin ‘To celebs.

Kinumusta ni Luis ang buhay ni Sarah ngayong married na ang singer.

Ibinahagi naman ni Sarah kung gaano raw kasaya si Matteo ngayong husband and wife na sila.

Pero hindi raw lubos ang kasiyahan ng aktor lalo na nu’ng nag-celebrate ng kaarawan si Matteo dahil sa COVID-19 pandemic.

“His heart is breaking for those who are helpless at this trying time where the country and the world face a great health crisis. And Matt’s birthday wish is for this crisis to end soon,” pagbabahagi ni Sarah.

Ang masasayang AshMatt fans ay nagsabing sana raw ay gumamit na rin si Sarah ng sarili nitong socmed account.

Anila, “Gamitin mo na ang account mo, Sarah, para mas masaya. Hindi mo naman kailangang laging mag-post pero nakakatuwa kung paminsan-minsan mag-post ka ng personal messages mo sa account and kahit what's on your mind. Charot.”

***

Dimples, ayaw na ikinukumpara siya sa ibang artista

Nalulungkot si Dimples Romana kapag ang mga artista ay ikinukumpara sa isa’t isa lalo na kung nasa iisang network lang daw sila.

“We’re all friends,” deklara ng mahusay na aktres.

Dugtong pa ni Dimples, “Be it for the big screen or television, we always want to work with each other, regardless of which group or network we’re from.

We always want to work with different people because collaboration equals growth.”

Gusto lang daw naman nilang patunayang may kani-kanya silang kakayahan as actors and actresses.

“I just wish we would get rid of hatred and envy in our hearts. I’m calling out to everyone. At sana po, ‘wag ganu’n,” pahayag pa ng aktres.

***

May ayuda na ibibigay ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa mga entertainment press.

Naglabas ng advisory ang FDCP sa pamumuno ni Chairwoman Liza Diño na sa pamamagitan ng kanilang DEAR program, ang mga Audio-Visual industry workers at movie press na apektado sa

COVID-19 enhanced quarantine measures ay bibigyan ng financial assistance.

Alam kasi ni Chairwoman Liza na walang regular na kita ngayon ang mga manunulat at freelance movie workers at may mga pamilya rin kaming umaasa sa amin.

Natutuwa ang mga entertainment press dahil sa proyektong DEAR ng FDCP.

May guidelines kung papaano magbibigay ang Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) program ng tulong para sa mga entertainment press. Ito ang mga requirements:

1. NREP (national registry for entertainment press) application form

2. DEAR Press application form

3. Certificate of Engagement from their application/editor

4. Any link to an article they wrote about PH showbiz and AV Entertainment industry the last three months o any FDCP press event article they wrote.

Ang mga nasabing requirements ay dapat i-email sa dearnationalregistry@fdcp.ph.

Ngayon pa lang, marami nang press people ang nagpapasalamat sa butihing chairwoman ng FDCP.

Sa ganitong crisis ay hindi niya nakakalimutan ang mga press people na bigyan ng ayuda.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page