top of page
Search
  • Gina Pleñago

Residente, 'di na pupuntang center Konsultasyon sa doktor online, gamot ide-deliver


Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang isang programa na puwedeng sumangguni ang mga residente sa mga doktor at iba pang medical workers gamit ang teknolohiya.

Sa pamamagitan ng Telemedicine, hindi na kailangang magtungo sa ospital o health center kung may nais itanong kaugnay ng COVID-19.

Bukod sa 31 health centers at tatlong Super Health Centers na bukas, maaari din umanong humingi ng medical assistance tulad ng gamot sa pamamagitan ng door-to-door delivery lalo na ngayong panahon ng quarantine.

Kahit na sa text o online ay puwede na umanong magpakonsulta sa doktor.

Ang mga health workers ay magdadala rin ng mga gamot at iba pang medisina sa harapan ng bahay mismo ng residenteng nangangailangan pati na rin ang iba pang medical services tulad ng bakuna.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ang layunin ng programa ay masiguro na ang mga tao ay tumutupad sa itinakdang home quarantine at social distancing.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page