top of page
Search
  • Lolet Abania

'Wag puro online games... Maging instant vlogger o chef habang 'di makalabas ng bahay

Sa pagkalat ng pandemic na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), naging solusyon ng gobyerno ang community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng sakit kung saan ang lahat ay kailangang nasa bahay lang. Ang mga empleyado ay may work from home arrangement habang ang mga estudyante ay nawalan ng klase.

Ayon sa gobyerno, tatagal ng isang buwan ang community quarantine, pero paano kung buryong ka na dahil paikut-ikot ka lang sa loob ng bahay? Narito ang ilang tips na puwedeng gawin habang staying home lang ang peg:

  1. MAG-VIDEO NG NILULUTO. Magandang i-video ang mga lulutuin at ihahanda mong pagkain. Siyempre, excited ang family mong matikman ang masarap na food na pinaghirapan mong iluto, gayndin, puwede mo i-post online ang recipe nito. Who knows, baka mag-order na sa ‘yo ang nakapanood ng niluto mo?

  2. MAGBASA NG LIBRO. Mabuting mahasa ang isipan natin sa pagbabasa ng libro. Iba pa rin ang nagagawa ng libro dahil marami kang matututunan at puwede mo pang balik-balikang basahin. Piliin ang mga libro tulad ng health and wellness para madagdagan ang kaalaman tungkol sa kalusugan.

  3. MAGLARO NG INDOOR GAMES. Sa halip na play station at Mobile Legends, umpisahan mong hanapin ang mga board games na naitago na tulad ng chess, scrabble, games of the general dahil mabuting laruin ang mga ito. Exciting ito dahil pahusayan ng utak at isip, kung sino ang pinakamagaling sa diskarte, lalo na sa mga bagets. Perfect way din ito para mag-assign kung sino ang susunod na maghuhugas ng pinggan o mauutusan. Paano? Kung sino ang talo, siya ang taya. He-he-he!

  4. MAGLINIS NG BAHAY. Mainam na maglinis ng bahay. Ito ang tamang panahon para ma-disinfect mo ang bawat sulok ng inyong bahay upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Kapag malinis ang paligid, walang dumi at mikrobyo, gayundin, siguradong malalayo tayo sa sakit. Puwede ring mag-spray ng insecticide para mamatay ang mga lamok at iba pa. Mainam din itong exercise dahil gumagalaw ang lahat ng parte ng ating katawan.

  5. MANOOD NG T.V. Kailangan ding ma-relax at manood ng telebisyon para maging aware kung ano ang latest news at maging updated, pero dapat ay may tamang oras lang. Hindi maganda ang maghapong panonood at wala nang ginawa kundi magbabad sa T.V. dahil nakasisira din ito ng mga mata.

Habang nasa bahay tayo, gawin nating makabuluhan ang ating mga oras dahil malaki ang maitutulong natin sa paglutas sa problemang kinakaharap ng bansa. Matututo tayong sumunod sa ipinatutupad na batas ngayon, gayundin, maging maunawain sa lahat ng bagay. Gets n’yo?

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page