top of page
Search
  • Maeng Santos

Malabon City, naitala ang unang kaso ng COVID-19


May naitala nang unang kaso ng COVID-19 sa Malabon City, matapos itong kumpirmahin ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Malabon Public Information Office (PIO) head Bong Padua, ang naturang pasyente ay isang lalaki na naka-admit ngayon sa isang ospital sa labas ng lungsod.

“Nananawagan ako sa bawat Pamilyang Malabonian: Di baleng matakot, huwag lang mag-panic. Sundin natin ang mga patakaran ng enhanced community quarantine. Manatili sa loob ng inyong tahanan at ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon”, pahayag naman ni Mayor Lenlen Oreta.

“Hindi biro ang COVID-19 virus dahil hindi natin alam kung sino ang may dala nito. Magdoble ingat habang ginagawa natin ang contact tracing sa pasyenteng ito at inaantay ang mga resulta ng mga test na ating patuloy na ipinapadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM)”, dagdag pa ng alkalde.

Samantala, ang lungsod ay may 20 persons under investigation (PUIs) at 98 persons under monitoring (PUMs).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page