top of page
Search
  • Roma Amor

Gustong makipag-break sa brat na GF


Dear Roma,

Tawagin mo na lang akong Beny. Ga-graduate ako ngayong April sa course na Computer Engineering at naghihintay na ang trabaho ko agad sa Makati.

May girlfriend ako na halos 8 years na ang relasyon namin at mas matanda siya sa akin ng isang taon. Mahal na mahal ko siya, kaya kahit na anong sabihin niya ay palagi kong sinusunod. Minsan, kahit alam kong mali na ang mga ginagawa niya ay hindi ko siya kinokontra kasi siguradong mag-aaway kami.

Ako palagi ang sumusuyo sa kanya kapag nag-away kami kahit siya naman ang may kasalanan. Naaasar na ako sa ganu’ng sitwasyon namin, kaya naiisip ko na makipag-break na lang sa kanya kung hindi siya magbabago ng ugali, ang kaso lang, baka ako ang masaktan nang sobra kung gagawin ko ‘yun. Sana ay matulungan mo ako at maraming salamat! — Beny

Beny,

Minsan, ang sobrang pagmamahal sa kapwa ay hindi nakatutulong sa taong minamahal. Sa halip na matuto siya at mag-grow sa relasyon n’yo habang tumatagal ang pagsasama ninyo ay nai-spoiled siya dahil sa labis mong pagbibigay. Hindi masamang intindihin siya, pero kung talagang mahal mo siya ay hindi mo hahayaan o kukonsintehin ang mga maling ginagawa niya.

Kausapin mo siyang mabuti at pagsabihan sa lahat ng mga maling ginawa niya. Ipaliwanag mo sa kanya na kapag hindi siya nagbago sa kanyang ugali ay mapipilitan kang layuan muna siya.

Gayundin, kung talagang mahal ka rin niya, magbabago at magbabago siya para sa iyo. Makikita mo na lalo pang gaganda ang inyong relasyon.

Good luck!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page