Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sorry, kahit oks na kay P-Du30.. ABS-CBN, 50-50 pa rin

February 26, 2020

 

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng tawad ng ABS-CBN kaugnay sa kontrobersiyal na political ad laban sa kanya noong 2016 Presidential Elections. 

 

“Yes. Eh, nandiyan ‘yan. I accept the apology, of course,” tugon ni Pangulong Duterte nang tanungin hinggil sa pag-sorry ni ABS-CBN Corporation President at Chief Executive Officer Carlo Katigbak matapos ang kanyang talumpati sa panunumpa ng mga opisyal ng National Commission for Culture and the Arts at ika-12 taong Ani ng Dangal Awards sa Palasyo. Gayunman, ipinauubaya na lamang ng Punong Ehekutibo sa Kongreso ang isyu sa prangkisa ng ABS-CBN base na rin sa nakasaad sa Konstitusyon. 

 

“No, I said I’ll leave it to Congress,” ani P-Duterte nang tanungin kung suportado ang franchise renewal ng naturang TV network. 

 

“But fundamentally, really, ang decision nasa House ngayon. Not so much of the Senate because the Constitution says all of these things must originate from the Lower House. ‘Yan ang ano. Forget about all these hullabaloo,” giit ng Pangulo. 

 

“Ang ano diyan nandiyan sa House. The critical move is in the House and I tell you I am not going to interfere. Wala talaga ako. Kung maniwala kayo, okay. Kung hindi... But those who knows me — who know me, alam nila,” wika pa nito. 

 

Samantala, hindi na interesado ang Pangulo na kunin pa ang P2.6 milyon na ibinabalik ng ABS-CBN sa halip i-donate na lamang umano nito sa mapipiling charitable institutions. 

 

“Huwag na. Ibigay na lang nila sa any charitable institution of their choice,” sabi pa ng Chief Executive.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr